Royal 60: Gang

5.2K 189 1
                                    

Zeinah's POV

Dinala ako nila Cass sa Headquarters namin kasama yung kagrupo ko at sila Xyro.

"Grabe! Hindi ko inakalang ngayon kita makikita!" masayang sabi nila Haxel.

"Uh yeah, biglaan kasi" dahilan ko.

Sila Quatro naman ay busy sa kakatingin sa mga armas na nakadisplay sa headquarters.

"Cool" *0* Quatro.

"Woah, katana. Sayo 'to Queen?" tanong ni Tres.

Trinace pa nito yung nakaukit na pangalan ko.

"Yeah, my favorite" sabi ko at hinawakan ito.

Namiss ko din ang paggamit nito. Tanda ko kung gaano karami ang dugo lumandas dito.

"Golden Emerald?" tanong ni Dos.

Dahil naungkat na rin ay kinwento ko na sa kanila yung tungkol sa gang ko. Ang alam lang kasi nila ay dating gangster ako. Kay Ken ko na kinwento ang mahahalagang details, except sa amin ni-- ehem-- Kaizer.

"Woah, so kayo yung sikat na gang sa Best Gang in the world? Kilala kayo dahil kayo ang rank 1" sabi ni Cingko.

"Yeah" simpleng sabi ko.

"Ano na pala yung nangyari, Zeinah? Bakit ka umalis? Anong nangyari sa inyo ni Kaizer? Iyon ba yung dahilan ng pagiging ganun niya ngayon?" sunod sunod na tanong nila Cass.

"He dumped me" simpleng sabi ko.

Nagulat naman sila sa sinabi ko.

"How the hell can he do that? Baliw na baliw pa iyon sayo dati" sabi ni Kraven.

"Who's Kaizer?" tanong ni Tres.

"Siya ba yung lalaki kanina?" tanong naman ni Dos.

Napahilamos naman ako ng mukha dahil sa sunod sunod na tanong nila.

"Wait naman, hintayin niyo muna yung sasabihin ni Zeinah" sabi ni Haxel at inirapan si Tres.

Mukhang naoffend naman ni Tres doon kaya napatayo siya.

"Magpapahangin lang" paalam nito.

Nakita ko pa yung pag hugot niya ng sigarilyo sa bulsa niya. Napabuntong hininga nalang ako, Haxel will always be Haxel. Tss, savage as ever.

"So yon, pinaalis niya. Hindi na daw niya ako kailangan" sabi ko. Napangiti nalang ako ng mapait nang maalala ko kung paano niya ako pinagtabuyan at sinigawan.

Sila naman ay seryosong naghihintay sa susunod kong sasabihin. Maging sila Quatro ay natahimik noong nagsimula na ako.

"Before I start again, can you please not tell Ken about this?" paling ko kayla Uno.

Tumango tango naman ito.

Hays.

"I even remember how I got crazy because of what he said. Bumyahe kaming buong pamilya sa Korea. Sinabi ko na gusto ko lang munang magpakalayo layo dahil hindi maalis sa isip ko yung nangyari" dagdag ko.

"Kaya pala hindi ka na namin makita, plano ka pa naming bisitahin kaso sabi nung nurse ay nadischarge ka na. Pumunta naman kami sa bahay niyo at sinabi nung katulong na wala kayo doon. Ayaw naman nila magsabi kung nasaan kayo" sabi ni Cass.

"Yeah, sinabi ko kasi sa kanila na wag sabihin sa inyo. Hindi na rin ako nagpaalam kay Xyro dahil alam kong masasabi niya din yun sa inyo, kay Tito lang namin sinabi" paliwanag ko.

Kinwento ko pa sa kanila yung naging buhay ko sa Korea at kung paano ko nakilala sila Uno.

"Nangailangan ako ng tulong noon dahil nacorner ako habang naglalakad sa madilim sa eskinita, tinulungan nila ako at nakita nila ang galing ko sa pakikipaglaban kaya ang kapalit ng pagtulong nila ay ang pagsali ko sa gang nila" kwento ko.

"Gang?" tanong nila.

"Black Spade Gang, ang tahimik na nangunguna sa Best Gang in the world" singit ni Cingko.

"Akala ko ba yung Heartless Gang ang nangunguna?" litong tanong ni Haxel.

"Iyon din ang akala ko" naputol ang sasabihin ko nang sumingit si Kraven.

"Black Spade Gang, ang tahimik kung lumaban. Sa lahat ay sila ang nangunguna. Hindi sila kilala dahil sa tahimik ng grupo nila, kilala ang grupo nila na si Black Spade o Spade" paliwanag nito.

"Woah, how did you know?" tanong ni Nathan.

"Researched" sabi ni Kraven at tumingin kay Brent.

"Cool" *0* sabi ni Nathan.

Isip bata pa rin.

"So nakita mo na yung leader nila?" *0*
tanong ni Nathan.

"Malamang, inalok nga siya diba?" bara ni Haxel.

"Ouch, naman babe" nakasimangot na sabi nito.

"Parang may ikekwento din kayo ah?" biro.

"Jaymin" tawag ko.

Tumingin naman ito ng nagtatanong.

"I heard that you and my cousin are in a relationship" sabi ko.

Nakita ko namang namula ang dalawa.

"WOAAAH! ANG BILIS KASI NI XYRO EH HAHAHAHA" asar nila Nathan.

"Kesa naman sainyo, pabagal bagal pa" bara ni Jaymin.

Agad namang nagreact sila Xyro.

"Tanungin niyo din yung isang nananahimik lang dito!" kantyaw ni Kraven at tumingin kayla Brent.

"A-ah Zeinah, k-kami na r-rin pala ni Brent" sabi ni Nicole at namula.

Napangiti naman ako sa kanila.

Buti naman at sa hirap ng sitwasyon ngayon ay masasaya pa rin sila.

~•~•~•~
A/N: Pansin ko ang daming silent readers 🤔 VOTE NAMAN DYAAAAN HAHAHAHHAHAHAH! <3 Sana magustuhan niyo yung UD 😘

Royal Academy: Perfect School For Gangsters is now in 43# in Mystery/Thriller, Yay! 🎉

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon