Royal 55: We're back

5.6K 150 1
                                    

Zeinah's POV

Nakarating kami ng maayos at matiwasay sakay ng private plane na pagmamay ari ni Ken.

Gaya ng sabi niya kanina ay may sumundo sa amin na isa sa mga tauhan niya.

"Oh, it's hot here" sabi ni Quatro na unang beses na makarating sa bansa.

Pure Korean ito at sa mga bansang napuntahan lang namin dahil sa misyon ito nakapunta.

"Yeah, like the first time I arrived here. Hot like a sun" sabi naman ni Tres.

Pinabayaan ko lang silang magkwentuhan at pumikit nalang muna.

Getting myself ready.

Going back is not that easy. Lalo na't nalaman ko malapit lang yung lugar nila kung saan kami naka destino.

Fvck. -___-

~•~•~
Xyro's POV

Kinakabahan ako. Ngayon ang uwi ni Zeinah.

Sht. Mabilis niyang binaba ang telepono kahapon. Hindi ko manlang natanong kung saan ko siya makikita.

Mukha akong ewan dito na nakaupo. Paikot ikot ako ng pwesto dito na upuan. Para akong natatae na ewan
-___-

"Okay ka lang ba? Para kang ewan diyan" sabi ni Jaymin na kakarating pa lang galing sa room.

Sinabi niya kanina na mauna na ako. Kaya yun -___-

"Oh ngayon nakasimangot ka naman" sabi pa nito.

"Don't mind me, Bi. I'm just... Stressed" sabi ko.

Nagpaalam na ako sa kanya na oorder at tumayo.

Sakto pagkapila ko ay naramdaman kong nagvibrate ang CP ko.

From: 0919*******

We just arrived an hour ago. Can I talk to you later?

-Zeinah

Muntik na akong mapabitaw sa cellphone ko nang mabasa ko ang text message ni Zeinah. Finally, makikita ko na rin siya.

Muntik na akong masubsob nang may dumamba sa likod ko.

"Xyyy~ libreeee~" tukso ni Nathan.

"Shut up Nathan. Bumili kayo ng sainyo. Di na kayo nahiya, yung ibibigay niya sa girlfriend niyo, palibre lang" panggongonsensya ko.

Tsk. Para naman matuto. Lagi nalang yang mga yan eh.

"Tsk. Eto na nga eh, pipila na" reklamo nito at umayos ng pwesto sa likod.





Pagbalik namin ay narinig naming nagkekwentuhan sila Cassandra.

"I miss Zeinah" sabi ni Jaymin.

"Yeah me too" -Haxel.

"Don't worry Bi, malapit na nating makita yun" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

Tinukso naman kami nila Kraven at Nathan.

"Shweet" asar ni Nicole na kakarating palang kasama si Brent.

"Paparating? May alam ka na ba Xyro?" seryosong tanong ni Cass.

Bigla naman silang nanahimik.

Kinabahan ako bigla, tila pati yung paligid ay biglang tumahimik. Nakakatakot ang mga ibinibigay na tingin sa akin ni Cass.

"A-ah ano. Malay niyo parating na 'yon" kinakabahan kong sabi.

Sht. Yang bibig mo Xyro!

"Wala ka nang maloloko. So ano, all this time magkausap lang kayo?" inis na tanong nito.

Pati si Jaymin ay sumasama na rin ang tingin sa akin.

Wala akong ibang ginawa at napabuntong hininga nalang.

Sorry Zeinah.

"Uh, ang totoo niyan ay kahapon lang kami nagkausap" pag amin ko.

May balak pang manermon ni Haxel kung hindi lang siya pinigilan ni Cass.

"Sinabi lang niya na wag ko munang sasabihin sa inyo" dugtong ko.

"Sinabi din niya na malapit na siya umuwi" sabi ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang ngumiti na sakin si Jaymin.

"Ano pa?" tanong ni Cass na parang naghihintay pa ng sasabihin.

"Wala na siya ibang sinabi, basta nalang siyang nagpaalam. Tumutol pa ako bago niya patayin ang tawag" sabi ko pa.

Hindi ko na muna sinabi na ngayon ang uwi ni Zeinah at maguusap kami mamaya. Sht! Hindi ko pa pala siya narereplayan!

Naputol ang paguusap namin ng biglang magingay ang mga estudyante. Doon ay pumasok na si Kaizer kasama ang mga bago niyang kaibigan at may mga babae pang parang kinulang sa tela ang suot.

Ang mga uniform ay parang tinipid dahil sa iksi. Ang mga blouse ay masisikip at bakat na bakat ang mga naglalakihan nilang mga dibdib.

Napalingon naman ako kay Jaymin na hinampas ako at sinamaan ako ng tingin.

Natawa nalang ako at hinalikan siya sa noo.

"Tama na nga yan!" natatawang biro ni Haxel para mabawasan ang tensyon.

"Sagutin mo na kasi ako para hindi ka na mainggit!" banat naman ni Nathan kay Haxel.

Bago pa lang pala na nanliligaw si Nathan kay Haxel. Yun ay nung hinamon nito si Haxel sa isang labanan na muntik nang ikamatay nito. Bigla niyang nasabi na mahal na mahal niya daw si Haxel at sana ay payagan siya nitong ligawan bago pa daw siya mamatay.

Natatawa kami sa mga kalokohang pinaggagawa nila. Wala na itong ibang ginawa kundi pumayag nalang sa pakiusap ni Nathan. Akalain mong itong isip bata na ito ay mahuhulog sa isang matapang at bayolenteng babae.

Sila Nicole at Brent ay bago pa lang din na magkasintahan. Sinagot niya lang ito nung nakaraang buwan.

Kagaya ni Nathan ay nanliligaw din si Kraven kay Cass. Sadyang matigas ang puso nito at ayaw na pumayag sa gusto ni Kraven. Tsk, kakawang bata.

Pagkaring ng bell ay bumalik na ulit kami sa kanya kanyang klase. Malungkot dahil nagkaroon ng biglaang lipatan ng section pagkatapos ng Christmas Break. Kagustuhan daw ng anak ng principal. Hindi alam ng estudyante kung sino pero kilalang kilala naman namin.

Maraming nagprotesta at kasama na rin kami dun. Ngunit wala kaming nagawa kundi sumunod nalang sa gusto nila.

Bago ako pumasok ay nireplayan ko muna si Zeinah.

To: 0919*******

Oo naman. Kailan ba?

~~~~

From: 0919*******

Mamayang gabi. 7pm sharp.

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon