Royal 57: Royal School

5.1K 140 6
                                    

Rian's POV (Tres)

Nakasakay na kaming lahat papunta sa Royal Academy. Ang school na papasukan namin.

The heck. Ang korni ng pangalan. -___-

Isa isa na kaming bumaba pagkarating namin doon. May isang malaking gate na kulay ginto na may nakasulat na

----Royal School----
Royal Academy
Royal University
----------------------

Psh.

May nakatayo doon na isang guard na parang bantay sa isang castle. *0*

~•~•~
Zeinah's POV

Hindi ko aakalaing maraming magbabago sa nagdaang buwan. Nagbago na ang disenyo ng school.

At pagpasok namin ay...

"Wooow" *0*

Banggit nila. As expected, magbabago rin ang itsura sa loob.

"Come" yaya ko sa kanila papunta sa office ng school.

"Welcome to Royal Academy" bati ng bagong guidance ng school.

"We're here to get our schedules" seryosong sabi ko.

Agad niya naman itong inabot sa amin.

"And here's your keys" inabot niya din sa amin ang susi.

Magkasama ang girls at hiwalay ang boys. Hiwalay din ang kwarto ko. Tsk, si Ken talaga. He always choose the way where I am comfortable.

"Ngayon na din kayo papasok. Kailangan niyong magcatch up sa inyong mga subjects. Nakakapagtaka dahil tumanggap ang school ng late enrollees, halos isang buwan nalang at graduation na" mahabang lintaya nung teacher.

Pinabayaan nalang namin siyang magsalita at walang paalam na umalis ng school.

Magtataka ka talaga. Mabuti nalang at nagawan ng paraan ng Ken ang pagpasok namin dito. Lahat talaga ay gagawin niya, makuha lang ang gusto niya.

"This school is beautiful" sabi ni Kim na nililibot ang tingin sa bawat building na madadaanan.

Para talaga kaming nasa ibang mundo. Ang ayos ng school ay ramdam mong mayaman ang mga nagaaral dito.

Pumunta na kami sa dorm na binigay at umupo ako sa higaan ko pagkapasok.

"Wew" bulong ko.

Iba na ang ayos ng dorm kumpara sa dati. Nagiba na ang kulay dito at ang itsura ng pagkakaayos. Ang higaan ay kulay pula at may lace na kulay ginto na ibaba.

Ganun din sa mga kurtina. Nagiba ang ambiance ng kwarto dahil din sa mga ilaw na kulay dilaw.

Pagbukad mo ng cabinet ay nakaayos na doon ang mga bagong uniporme.

Kulay pula ito na may linings na gold.

Hindi na katulad ng dati.

Puti ang panloob nito na blouse at yung coat ang pula na may lining, may necktie din ito na kulay pula. May palda na 2 inch above the knee at puting medyas na may logo ng school. May sapatos na rin dito na may takong.

Parang uniform sa anime ang uniform namin ngayon.

Pumasok na ako sa CR para magbihis.

~~~~
"Wow" sabi nila paglabas ko ng dorm.

Ako nalang pala ang hinihintay.

"Our uniform suits you, Queen" puri ni Quatro.

Hindi ko na ito pinansin at umuna na ng lakad.

Naglalakad kami sa hallway at pinagtitinginan kami ng mga estudyante. I just shrugged.

Sila Rian naman ay tuwang tuwa sa nangyayari.

"Ano nga palang sched niyo?" tanong ni Cingko.

"Magkaklase kami ni Rian sa ibang subjects" sabi ni Dos.

"Magkasama din kami ni Adrian" sabi ni Cingko.

Tumingin naman sila sa amin ni Uno.

Naramdaman ata nilang wala kaming balak sumagot ni Uno kaya tumalikod na sila.

Naghiwahiwalay na rin kami para pumunta sa mga room namin.

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon