Royal 74

4.9K 122 2
                                    

Zeinah's POV

Tapos na kong magswimming at nandito na ako sa kwarto para maligo.

Paglabas ko sa CR ay nakaunderwear lang ako dahil nakalimutan kong mamili at magdala ng damit.

Binuksan ko yung bwiset kong pink na cabinet para kumuha ng damit nang...

*BLAG!*

"KYAAAAAAAAAH!" sigaw ko at mabilis na dinampot ang twalya sa kama.

"A-ah!" sabi nito at mabilis na lumabas.

Dali dali akong dumampot ng damit tsaka pumasok sa CR para magbihis.

Sht! Nandito na sila!

~•~•~
Kaizer's POV

Naghiwahiwalay na kami para libutin ang mansyon.

Hawak hawak ko ang baril na may silencer habang umaakyat sa second floor. Pinagbabaril ko yung mga haharang sa akin. Wala si Mommy marahil ay nasa Royal School siya kaya malaya kaming naglilibot dito. Masakit sa tenga ang sigawan ng mga kasambahay pero hindi namin silang pwedeng galawin kaya balak namin silang alisin dito sa mansyon.

Ito ang naisip namin para mabilis na makapasok sa mansyon. Pag labas namin sa van bitbit ang baril ay agad na kumilos sila Zander kaya kumilos na rin kami. Kanya kanya kami ng pinuntahan at dito ako pumunta na second floor. Tanda ko ang pinagawang kwarto ni Mommy para daw sa magiging anak niyang babae kaya malakas ang kutob ko na nandoon si Zeinah.

*BLAG!*

Malakas kong sinipa ang pinto. Pero mukhang mali ang ginawa ko.

"KYAAAAAAAAAH!" sigaw ni Zeinah sa loob.

"A-ah" tangi kong nasabi.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at sobrang init ng mukha ko. Sht.

She only have her underwear!

Nanginginig kong dinial ang phone ni Xyro.

"Xy" sabi ko.

[Yo!] sagot sa kabilang linya. Rinig ko ang putukan ng baril na galing sa kalaban.

May nakita din akong tumatakbo pataas kaya binaril ko agad ito.

"I found her" hinihingal kong sabi.

[Really? Where?] tanong nito.

"Second floor. Yung pink na pintuan" sagot ko at pinatay na ang tawag dahil narinig ko na ang pagclick ng pinto ng kwarto.

Lumabas doon si Zeinah na nakajacket at shorts. Namumula ang pisngi nito at nakayuko.

Hinugot ko ang spare gun ko sa bulsa at inabot sa kanya.

"W-we need to get out fast. Baka nagsumbong na yung mga kasambahay kay Mommy" sabi ko.

Tumango lang ito at sumunod sa akin. Alerto akong naglakad dahil baka may bigla nalang sumulpot dito.

Sa baba ay nagsisiksikan ang maid at nasa harap nila sila William na nakatutok sa kanila ang baril.

"Get out!" sigaw nito.

Hinila ko si Zeinah at pinabayaan silang tatlo doon.

Paglabas sa mansyon ay nandoon nakaabang sila Jaymin, Nicole at Haxel na nakatoka sa may pinto.

"Zeinah!" sabi nila at niyakap ito.

Ngumiti ito at gumanti ng yakap.

"Queen!" paparating naman yung kasamahan niyang dalawang babae.

Queen?

"Mabuti at ligtas ka!" sabi nila.

Lumabas na kami at pumasok sa van.

Dumating pa sa likod na pagmamayari nila Kraven. Doon siguro ilalagay ang mga maid, hindi namin sila pwedeng iwan dahil magsusumbong iyon.

"Boss" sumaludo sakin yung driver.

Tinanguan ko lang ito.

Pinapasok ko na sila Zeinah at dito naman ako sa labas para hintayin ang iba pa.

~•~•~
Cassandra's POV

"Okay" sabi nitong kasama ko.

"Nakuha na nila si Zeinah" nakangiting sabi nito.

Inirapan ko lang siya. Pero sa loob ay nagpapasalamat ako dahil nakuha na din nila sa wakas si Zeinah.

"Ang sungit mo, babe. Kanina pa tayo magkasama pero hindi mo manlang ako pansinin" nagtatampong sabi nito at ngumuso pa.

"Tigilan mo nga ako Kraven! Nandito tayo para hanapin si Zeinah kaya malamang ay nandun ang atensyon ko!" inis kong sabi.

"Pero nakuha na siya kaya ako naman ang bigyan mo ng--AHH!" daing nito.

Namutla naman ako ng makita kong tumulo ang dugo sa may tagiliran niya.

"S-shit. Kraven!" taranta kong sabi.

Agad akong lumingon at binaril yung lapastangang bumaril kay Kraven.

Sinandal ko siya sa akin at hinawakan ko ang tama niya na patuloy sa pagdugo.

"H-hold on" naiiyak kong sabi.

"Sht! Tulooong!" sigaw ko.

Kinuha ko sa bulsa niya ang cellphone at nanginginig ang kamay ko habang nagdadial.

"K-kraven. Wag kang *sniff* pipikit" sabi ko dahil unti unting nagsasara ang talukap nito.

Napaupo na kami sa sahig.

"A-ah" daing niya.

[Hello] sabi ni Kaizer.

"H-hello. Tulungan niyo k-kami andito kami sa garden. K-kraven w-was shot" umiiyak kong sabi.

[Ano?! Sige papunta na ko] sabi nito at pinatay na yung tawag.

"H-huy" tinampal ko pa siya sa pisngi.

Tinatayo ko siya pero masyadong mabigat para sa pagod kong katawan.

"U-uy, k-kumapit ka lang. H-hindi pa nga kita s-sinasagot. Wuy! H-hindi ko pa nasasabi yung gusto kong sabihin sayo" umiiyak kong sambit.

"C-cass" sabi nito at nanghihinang tumingin sa akin.

"H-hindi k-ko a-aakalaing a-ang p-playboy na i-ito ay nahulog s-sa alindog m-mo" nanghihinang sabi nito.

"Shh. Wag ka nang magsalita. Y-yung sugat mo" niyakap ko siya.

"Basta w-wag ka munang bibitaw" paalala ko.

Niyakap ko siya. Maya maya ay dumating na din si Kaizer.

"Shit! Ang dami nang dugo ang nawala na kanya!" tarantang sabi nito.

Madali niya itong binuhat at isinakay sa van.

"Anong nangyari?!" gulat na tanong nila Haxel.

Pero wala sa kanila ang atensyon ko. Na kay Kraven na nag aagaw buhay ngayon.

~•~•~
A/N: Awww. Ano kayang mangayayari sa playboy natin? Abangan sa last chapter ng book 1. BTW guys, naisip kong gawan pa rin ng Epilogue yung story, pero hindi ko alam kung magiging maganda. Like what i've said, may book 2 pa. Marami pang mangyayari. Baka sumabay to sa Ang Probinsyano. De juk lang HAHAHAHAHAHA ayoko naman umabot sa ganon baka mainip na kayo HAHAHAHA. Salamuch sa mga nagbabasa <3

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon