Epilogue

8.5K 174 3
                                    

Zeinah's POV

Nagtatawanan kami dito sa ospital. Kami lang nila Haxel at nila Xyro ang nandito. Kaming grupo lang. Wala sila Tres dahil hindi naman sila ganun kaclose kayla Cass.

Kaya pala kami tumatawa ay dahil sinusubuan ni Cass si Kraven. Pero naiinis na si Cass dahil nagiinarte pa si Kraven.

"Wag ka kasing malikot!" asar na sabi ni Cass.

Natawa nalang kami.

Magaling na si Kraven at mamaya ay ididischarge na siya. Isang linggo din siya dito sa ospital, isang linggo din kaming wala buong tropa. Si Kaizer na daw ang bahala sa pagpasok namin. Nandito pa rin kasi kami sa Quezon, kung saan sinugod na ospital si Kraven. Balita ko ay nagwala daw ang mama ni Kaizer nang malaman na nakatakas ako at puro patay na guards ang nakakalat sa mansyon. Wala rin ang mga maids dahil binayaran silang lahat ni Kairo at pinabalik na sa kanya kanyang tahanan. Binantaan din niya na wag ipagsasabi ang patayang naganap sa mansyon dahil hawak niya ang buhay nila. Natakot naman ang mga ito at sumunod nalang sa utos.

"Babe kasiiii" nagpout si Kraven.

"Ano nanaman yang kaartehan mo ha?" inis na tanong ni Cass.

"Kiss mo muna ako" sabi nito at ngumuso.

"Yak, Kraven!" reklamo naman nila Nathan.

"Aish, tigilan mo ko. Pag ako nainis, bahala kang kumain mag isa" inis na sabi nito.

"Opo, hindi na parang kiss lang eh *pout*" natawa kami sa bulong ni Kraven pero rinig pa rin namin.

~~~~
We're back.

Nasa Royal Academy na ulit kami. Mga 3 araw pa bago kami nakabalik sa school, kumpleto kaming lahat nung pumasok. Sila Tres kasi ay nagstay muna sa hotel dahil balita ko ay kumikilos ulit ang ina ni Kaizer para makuha muli ako. Ayaw akong tantanan p*ta.

Dinumog kami ng tanong pagkabalik namin. Kesyo daw anong ginawa namin at san kami nagpunta sa nakalipas na araw.

Hindi na kaming nag abala pang sumagot dahil hindi maganda ang nangyari sa amin, so bakit pa? Para maipagmalaki na nakapasok kami sa mansyon ng mga Tee at napatay ang limang dosena nilang body guards? Btch please.

Pag pasok namin sa classroom ay pinagtitinginan kami. Sabay sabay kaming pumasok kasama ko si Kaizer at Uno.

Sa teachers ay normal lang naman. Siguro ay nasabi na rin sa kanila.

Sinabi nila sa akin na huwag na daw ako humiwalay sa kanila para hindi na ko mawala. Sasamahan na din nila ako kung san man ako mag punta dahil delikado pa din ang buhay ko. Dahil nasa school pa kami ay delikado pa rin ang buhay namin, knowing that the mastermind is the principal of this school.

*krriiiiiiiinnngggggg*

Break time na at gaya ng nakagawian ay sa canteen ulit kami.

"BABEEEEE OMGGGG!" tila nabingi ako sa lakas ng sigaw ni plastic.

Oh, ang ibig sabihin ng back to normal ay ang pagdikit din sa amin ng plastic na to.

Lumambitin agad ito sa leeg ni Kaizer at hinalikan ito sa labi. Napaiwas nalang ako ng tingin. Kadiri.

Dito pa talaga nila naisipang maghalikan. Ang daming taong nakatingin sa kanila. At dahil sa kanya, magkakasama nanaman kami pati si Elyza kumain.

"K-kuya" tawag ni Elyza.

Malamig siyang tinignan ni Kaizer.

"S-san kayo nanggaling?" tanong nito.

"You don't have to know. Hindi mo kailangang alamin ang gawain ko" malamig nitong tugon.

Ang harsh.

Dumating sila Xyro na may bitbit na malaking cake. Na may nakasulat na "Welcome back Gangsters!" Whew.

May kandila pa ito.

"Oh wala tayong lighter! Sino meron?" nakangiti nitong tanong.

"Ano nanamang pakulo mo?" nakasimangot na tanong ni Jaymin.

"We need to celebrate Baby. Nandito na ulit si Zeinah, ang tahimik natin nung wala siya. Parang noong pumunta siyang Korea" paliwanag nito.

"H-here" presenta ni Elyza at inabot ang itim na lighter.

Parang may pumasok na memorya sa utak ko.

"Eto oh!" masayang sabi nung bata babae.

"A-ah" mahina kong daing at humawak sa sentido.

"Okay ka lang" biglang sumulpot si Ken sa tabi ko kaya bahagya akong nagulat.

"O-oo, oo naman" sagot ko at ngumiti.

Sino iyong batang iyon?

"Yey! Ayan na!" masiglang sabi ni Xyro.

"Ihipan natin ang kandila. Pag kaihip nito ay officially nang kasama sila William sa grupo natin para peace na, pati na rin ikaw Elyza at yang kasama mo! Lagi nalang tayong magkakasama sa table pero para tayong hindi magkakakilala" masayang sabi ni Jaymin. Mukhang sumakay na rin sa trip ni Xyro.

Winewelcome na nila sila Tres? Pati na rin si Elyza? Okay na ba sila.

"Sana Kaizer bumalik ka na rin sa amin" ngumiti ng matamis si Jaymin.

"A-ako hindi kasama?" tanong ni plastic.

Wala ni isang sumagot sa tanong niya. Pfft.

Nakangiti namang tumango si Kaizer.

"Mabuti ay ganito pa rin ang turing niyo sa akin kapalit ng turing ko sa inyo dati" nakangiting sabi nito.

"Naman boss! Hindi pwedeng mawala ng tuluyan ang boss namin" nakangiting sabi ni Kaizer.

Kaya lahat kami ay lumapit sa cake at inihipan ito.

Sa pagihip ng kandila ay kasabay ng pagbabago ng nakagawian namin...

--- End of Book 1 ---

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon