Royal 64: Time to Move

5.5K 133 8
                                    

Zeinah's POV

It's time to move.

"What's the plan?" tanong ni Dos.

Nagtipon tipon muna kami sa dorm ko para pagusapan ang misyon namin. Mainipin si Ken at hindi non magugustuhan pag nalaman niyang wala pa rin kaming ginagawa tungkol sa misyon.

"Pinagisipan ko ito ng mabuti" panimula ko.

Sila naman ay nakaabang sa susunod kong sasabihin.

"And... The only thing we will do to is to make him fall for me..."

"...hard" seryosong sabi ko.

~•~•~
Elyza's POV

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa inasal ni Kuya.

Napadaing ako ng kumirot ang balakang ko. Malakas at malaki ang katawan ni Kuya kaya expected ko na sasakit talaga ang puwetan at balakang ko dahil sa malakas na pagkakatulak niya sa akin.

Hay.

"Hayaan mo na muna siya, Lyza" sabi ni Marco habang sumisimsim ng kanyang kape.

"Nagalala lang naman ako..." mahinang sabi ko at napatungo.

Tuwing gabi ay nagiinuman sila Kaizer, ano bang meron sa school na ito at pinapayagan nilang uminom ang mga menor de edad. Kaizer is just sixteen for pete's sake! Grade 10 pa lamang sila!

"Mas lalo ka lang masasaktan pag nakialam ka" rinig ang pagaalala sa boses ni Marco.

"I'm his sister, natural na magalala ako. Buong buhay ko ay magisa lang ako kaya masaya akong makasama ang kapatid ko" sabi ko kay Marco. Natahimik naman ito.

Nang matapos ang trahedya ay kinuha ako ng lola ni Kaizer pero itinuring akong wala nito nagtanim ako ng galit sa mga taong nakasalamuha ko, nagtanim ako ng galit kay Zeinah at sa mga magulang nito dahil hindi ako nagawang iligtas nito, si Zeinah naman ay kinalimutan ako habang patuloy akong nangungulila sa kanila.

Nang sabihin ng lola ni Kaizer na may kapatid ako ay nabuhayan ako ng loob. Sinabi ko sa sarili ko na aalagaan ko ito at hindi ko itutulad sa ginawa sakin ni Zeinah. Hindi ko papabayaan at kakalimuatan ang kapatid ko.

Kaya ngayon, kahit tinataboy ako ni Kaizer ay pilit ko pa ring pinagsisiksikan ang sarili ko. Balak ko ring hanapin ang mga kamag anak ng magulang ko.

"Just be careful, Lyza. Baka pag pinagpatuloy mo yan ay paginitan ka rin ng mga tagahanga ni Kaizer. Hindi nila alam na magkapatid kayo at pag nakita nila ang pangungulit mo kay Kaizer at nainis ito ay baka magisip na ang mga estudyante dito, I'm warning you, I want to keep you safe." seryosong sabi ni Marco.

"Hindi ko papaabutin sa labas ito. Sisiguraduhin ko na walang maglileak na impormasyon tungkol sa amin" sabi ko pa.

"Heard about the news?" pagbabago nito sa topic.

"What?" tanong ko naman.

Sa sobrang busy ko ay wala na akong pakialam sa mga nangyayari dito. Napasama ako sa royal rank at ako sa rank 2. And mga dating kagrupo ni Kaizer ay nandun pa rin sa dati nilang rank. Walang nagbago, ako ang pumalit kay Zeinah.

"May nakaaway daw na babae yang kapatid mo dito sa canteen" sabi ni Marco.

Naging interesado naman ako sa topic niya, wala pa akong narinig na nakaaway ni Kaizer na babae maliban sa ngayon. Kadalasan kasi ay nakikipaglandian lang siya sa mga babae kaya bago sa pandinig ko amg makaaway nito.

"Hindi niya na dinaan sa landian" biro ko.

Natawa naman ito.

"Yeah, and I heard na bago yung babae pero dati na itong nagaral dito" sabi pa niya.

Bago? Buti at tumatanggap pa ang school ng superduper-late-enrollees. Malapit na matapos ang klase!

"Name?" tanong ko.

"Not sure but her name is, Zeinah Sy"

Natigilan ako. Bumalik na si Zeinah?

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon