Royal 49: Bestfriend

5.3K 134 2
                                    

Zeinah's POV

Assasin si Nicole?!

Dahil sa sobrang gulo ng sitwasyon ay pumikit nalang ako.

"Pagbabayaran mo ang lahat ng ito!"

"You left me..."

Napamulat ako ng bigla nanamang pumasok sa isip ko yung duguang bata.

Pagmulat ko ay tumama sa paningin ko si Elyza na masama ang tingin sa akin.

"Ipinagutos ni Felicidad sa mga napatay na guro at estudyante na ipapatay sila Zeinah" panimula nito.

"Kaya gumawa kami ni Jaymin ng paraan upang maunahan sila" pagpapatuloy ni Nicole.

So ang dalawang makukulit at childish sa grupo namin ay ang gumawa ng paraan upang huwag matuloy ang plano ng tandang 'to? The heck. I thank them for that.

"Ipinalabas lang namin na---"

"STOP! Itigil niyo ang kasinungalingan na iyan!" sigaw ni tanda. Nawala na ang respeto ko dito.

"Ikaw ang tumigil! Huwag mong baliktarin ang nangyari!" sigaw ni Lolo.

"Akala mo hindi namin alam ang iyong mga pinaggagagawa?! Ikaw ang may dahilan kung bakit namatay ang apo ko!" galit na sigaw nito.

"Ikaw ang nagpapalit ng gamot ni Alexandra na naging sanhi ng pagkalaglag ng bata! Ikaw din ang may dahilan ng pagkabangga ng kakambal ni Zeinah! May nagawa mang kasalanan ang anak ko ay labis niya iyong pinagsisihan! Wag mong palabasin na kami ang may kasalanan dahil ikaw ang puno't dulo ng lahat ng gulong ito!" nangangalaiting sigaw nito habang dinuduro si tanda.

Nanlaki ang mata nito marahil ay nagulat dahil sa mga sinabi ni Lolo, hindi niya ata inaakala na malalaman nito lahat ng karumaldumal na sekreto nito.

Sa galit ko ay hindi ko na ring napigilang tumayo at lapitan ito.

"Ikaw! Ikaw pala ang may kasalanan ng pagkamatay ni Zion! You fvcking killed my brother!" galit na sigaw ko habang pinaghahampas si tanda.

"Zeinah!" pinigilan naman ako ni Elizabeth at tinulak ako papalayo.

"Mama! Are you okay?" nagaalalang tanong nito.

Tinulungan naman ako ni Daddy na tumayo.

"Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin!" galit na sigaw nito.

"Fvck! Lola wag!" sigaw ni Kaizer nang maglabas ito ng baril.

"Wag mo akong tawagin ng Lola! Kahit kailan ay hindi kita naging apo!" galit na sigaw nito kay Kaizer.

Si Kaizer naman ay napayuko, marahil ay nasaktan ito sa sinabi ni tanda, kahit ako ay nasaktan din para sa kanya.

"Matagal akong nangungulila, oo itinuring niyo akong anak ngunit hindi ko pa rin maramdaman ng buo ang pagmamahal niyo" nakayukong saad nito.

Nabitawan naman ni tanda ang baril niya at tumingin ito ng seryoso kay Kaizer.

"N-no. Don't say that Kaizer, wala kang kasalan s-sa nangyari. W-wag mong sabihin iyan. M-minahal din kita bilang anak" sabi ni Elizabeth.

"T-tiyaka m-mabubuo na rin siguro ang pamilya mo" sambit ni Mommy.

Lahat kami ay nakikinig lang sa kaniya. Parang nawala ng saglit ang tensiyon.

"W-what do you mean?" tanong ni Kaizer.

"E-elyza" tawag ni Mom.

"A-alam kong naging kasabwat ka nila Felicidad. H-hinabilin d-din kayo sa akin ng nanay n-niyo" so kilala ni Mom yung magulan ni Kaizer?

But why did she chose to keep it?

"S-she said that I need to find her children. S-she's dying, at bago pa siya mamatay ay sinabi niya ang pangalan ng anak niya. S-si Kaizer ay ibinigay ko kay Elizabeth, hindi ko nahanap ang sinasabi niyang anak pero nasabi niya sa akin ang pangalan nito. Dinamayan niya ako nung namatay ang anak ko, pero nabigo ko siya dahil ang anak niya ay pinamigay ko. Kaya naman ay hindi na ako nagdalawang isip na hanapin ang kanyang anak, ang pangalan ng anak niya ay 'Elyza'" paliwanag ni Mommy.

Nanlaki yung mata namin. Magkapatid si Kaizer at Elyza?!

"Kinuha ko siya noon. Naging magkalaro sila ni Elyza, ngunit may hindi inaasahang trahedya..."

Biglang sumakit ang ulo ko sa sinabi ni Mommy.

"A-ah" daing ko. Mag kung anong pumasok sa utak ko.


Flashback...

"Hi! Anong pangalan mo?" masiglang tanong ng batang si Zeinah

"A-ako si E-elyza." nahihiyang sagot nito.

"Be nice to her Zeinah. Dito na siya titira simula ngayon" masayang sabi ng kanyang Mommy Xandra.

"Yey! I have a new playmate!" masayang sambit ni Zeinah.





Masayang naglaro sila Zeinah, naging mas close pa sila. Minsan ay magkakasama silang naglalaro kasama ang ate niyang si Zerene.

Ngayon ay dalawa lang sila at maglalaro daw sila ng luto-lutoan.

"Pag si Mommy nagkocook gumagamit siya ng apoy" sabi ni Zeinah.

"Eh saan tayo kukuha noon?" inosenteng tanong ni Elyza.

"Eto oh!" masiglang sabi ni Zeinah at naglabas ng lighter.

Sinubukang sindihan nito ni Zeinah ngunit nahirapan siya.

"Ang hirap" nakasimangot na sambit nito.

Natuwa sila ng magawa na ito ni Zeinah.

"Aray!" daing ni Zeinah ng mapaso siya sa apoy.

"Hala! Napaso ka" ani ni Elyza at hinipan ang daliri ni Zeinah na napaso.

Hindi nila alam na nadikit ang lighter sa kurtina kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Abala si Elyza sa pagihip nang makita nito ang umaapoy na kurtina.

"Kyaaaah!" tili ng dalawa.

Dahil puro stuff toys at plastics ang playroom ay kumalat ang apoy hanggang sa makalabas ito.

"Waaah!" sigaw ng bata.

Nagulat si Xandra ng maabutan nilang umaapoy ang bahay.

"Honey! Ang mga bata" tarantang sigaw ni Xandra.

Naiiyak na si Xandra ng makita na kumalat ang apoy sa loob.

Sila Zeinah naman ay abala sa paglabas ng bahay.

Nahihilo na rin sila dahil sa usok.

"Mommy..." umiiyak na sambit ni Zeinah.

"Aah!" sigaw ni Elyza ng matamaan ng kahon sa ulo.

Napaupo ito at dumugo ang ulo.

Si Zeinah naman ay sinubukang iligtas si Elyza ngunit kumakalat na ang apoy kaya nagmamadaling umalis ito.

"B-babalikan kita Elyza!" sigaw ni Zeinah.

Naiwan si Elyzang umiiyak.

"Daddy!" umiiyak na sigaw ni Zeinah ng makita si Kriston.

Pagkatakbo nito at natamaan din ito sa ulo ng kahoy. Dahil sa sobrang lakas ay nawalan ito ng malay.

"My goodness! Zeinah!" sigaw ni Kriston at kinuha ito at dali daling lumabas.

"Zeinah! Kriston!" umiiyak na sambit ni Xandra.

Mabilis nilang tinakbo ang ospital at naiwang umiiyak si Elyza

To be continue...

~~~
A/N: Waaah! Ito na ata yung pinakamahabang UD ko wahahaha! Abagan ang next update guys! <3

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon