Royal 62: As soon as possible

5.2K 128 0
                                    

Zeinah's POV

Bumalik si Nathan ng nakangisi at si Haxel naman na namumugto ang mata.

"Oh, anong nangyari?" tanong ni Jaymin at dinaluhan si Haxel.

Tumingin sakin si Haxel at tinaasan ko naman to ng kilay.

"Something happened?" tanong ko.

"A-ano..." panimula ni Haxel.

Namula pa ang mukha nito.

Nakita ko naman sa gilid na naguusap sila Xyro habang nakangisi si Nathan.

"Wengya!" napalingon naman kami sa sumigaw na si Kraven.

Sila Quatro ay nakatingin samin habang naguguluhan.

"Naunahan pa 'ko!" madramang sabi ni Kraven at umubob sa lamesa.

Mukhang alam ko na ang nagyayari.

"Ang bagal mo kasi eh" nakangising sabi ni Nathan.

"Ano ba kasi yun?" iritang sabi ni Cass.

~•~•~
Cassandra's POV

Naiirita ako sa nangyayari.

"Ano na?" tanong ni Nicole kay Haxel.

Umupo naman ito sa tabi ni Zeinah.

"U-uh, k-kami na ni N-nathan" nauutal na sabi ni Haxel.

"ANO?!" gulat na sabi ni Nicole at Jaymin.

Sumimangot naman ako.

Sumulyap ako dun sa mga kasama ni Zeinah na nakanganga lang habang nakatingin sa amin.

"B-bakit? K-kayo lang ba may karapatang magboyfriend?" tanong ni Haxel at sumimangot.

"Ba't hindi mo manlang pinatagal Haxel?" nakasimangot na tanong ni Kraven.

Problema din ng isang 'to?

"Sadyang mabagal ka lang, bro" ngisi ni Nathan.

Nabibwisit ako sa kakangisi niya. Mukha siyang aso.

~•~•~
Zeinah's POV

Nagkakasiyahan na sila, umorder sila Xyro ng pizza at iba pang pagkain.

Isecelebrate daw nila ang biglaang pangyayari. Sila, Tres ay nakikipagclose na rin. Humingi siya ng sorry dahil sa paraan ng pakikitungo niya, mabuti naman at nagparaya na rin ang isang 'to.

"Zeinah" tawag ni Xyro.

Hindi na pala kami pumasok sa next class namin.

"Hmmm?" nilingon ko siya.

"Naayos niyo na ba yung problema niyo? You, know... Y-yung tungkol sa inyo ng nanay ni Kaizer" sabi ni Xyro at humawak sa batok.

I get it. Naiilang siya na itanong ang tungkol doon. Well, nakalimutan no na iyon ng pumunta ako ng Korea. Sumama ako kayla Mommy, nakalimutan ko na iyon dahil sa ginawa sa kin ni Kaizer, iyon lang ang nasa isip ko noong nasa Korea ako. Mabuti nalang at nakapag aral pa ako sa gulo ng sitwasyon doon.

"U-uhh, I forgot about that. Nasa isip ko lang kasi yung tungkol sa amin ni ano. A-and, nakafocus ako sa gang n-namin" sabi ko.

Tumango naman ito.

Napaisip din ako, well I don't care anyway. Alam kong kagagawan ito ng lola ni Kaizer, pero hindi ko masisikmurang sumama sa nanay ng--- minahal ko. The fact na hindi niya ito tunay na ina, pero siya na yung kinikilalang ina ni Kaizer.

Nagpasalamat ako at tumunog ang cellphone ko, nakagawa ako ng excuse para maiwasan ang topic.

Si Ken, "Yoboseyeo?"

[Tss]

Tsk, tumawag siya tapos iyon lang sasabihin niya?

"What?" irita kong tanong.

Tuluyan nakong iniwan ni Xyro at nakihalo kayla Kraven.

[Nasimulan niyo na ba yung pinagagawa ko?] tanong ni Ken.

"Hindi pa" simpleng sagot ko.

[What?! Isang buwan nalang at matatapos na ang klase!] sigaw ni Ken sa telepono.

"And?" bored kong tanong.

[Tss, babe. Mahirap na silang hagilapin kapag bakasyon na] rinig ko ang iritasyon sa boses.

Ano ba ang naging atraso sa kanya nila Xyro? Nung nagusap kami tungkol doon ay wala naman silang alam tungkol sa Black Spade.

"Okay. I'm with them" sukong sabi ko.

[Really?] ngayon naman ay narinig ko ang sigla sa boses niya.

"Yes, n-nakipag kaibigan kami sa kanila" sabi ko. Lumayo ako ng konti para hindi nila marinig ang sinasabi ko dahil nakatingin sa akin si Cass.

[That's good. Good news babe, malapit na rin pala akong pumunta diyan] masigla niyang sabi.

"Seriously, Ken. Ano ba ang problema mo sa Bloody Gang?" tanong ko.

[Malaki, Zeinah. Tsaka ko nalang sasabihin pag punta ko diyan] sabi ni Ken at binaba ang tawag.

Kailangan kong alamin kung ano ang naging atraso nila Xyro kay Ken bago siya umuwi dito.


Sila Xyro ba talaga ang may atraso? O baka isa sa Bloody Gang ang may atraso kay Ken. Whatever it is, I need to know it as soon as possible.

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon