Royal 65

5.3K 121 1
                                    

Elyza's POV

"Bumalik na si Zeinah?!" di ko napigilang sumigaw.

"Why? Do you know her?" nagtatakang tanong ni Marco.

"U-uh, d-dati siyang nagaaral d-dito, b-but I don't know h-her" pagsisinungaling ko.

Nagkita na sila ni Kaizer.

"Oh, yeah. Yung number 2 sa royal rank dati? Hindi ko alam na siya pala yung tinutukoy" sabi ni Marco.

Madaming pumapasok sa isip ko. Nakaaway ni Kaizer? Bakit? Dahil ba umalis si Zeinah kaya siya nagalit?

"Problem?" tanong ni Marco.

Hindi ko alam na tulala na pala ako.

~•~•~
Zeinah's POV

"And... The only thing we will do to is to make him fall for me..."

"...hard" seryosong sabi ko.

"What?!" gulat na tanong nila.

I have no choice. Siguro ito na rin ang paraan ko para makaganti sa ginawa niya 8 months ago.

"How can you make him fall? Uuwi na si Ken mga ilang araw o weeks nalang" sabi ni Tres.

"I don't care about him, hindi ko siya iintindihin hanggat hindi niya sinasabi sa akin kung anong dahilan niya at pinagawa niya satin ang misyon na ito" paliwanag ko.

~•~•~
Rian's POV (Tres)

Weird. Hindi naman ganyan dati si Queen. Lagi siyang sumusunod sa misyon ni King at alam naming nag eenjoy siya sa pagpapabagsak ng mga gangs. Mabilis at malinis niya itong ginagawa.

"Pano mo magagawa ng maayos ang plano mo Queen? Next month ay graduation na" sabi ni Quatro.

Ngumisi lang ito.

"Yan naman ang gagawin niyo. Kailangan niyong alamin kung saan sila pupunta o magbabakasyon" sabi ni Queen at sumeryoso.

"Ang mahalaga... Ay ang masaktan siya at hindi na makabangon pa" seryosong sabi nito.

Natahimik nalang kami.

~•~•~

"Okay, get one whole sheet of paper" sabi nung teacher.

Tamad akong kumuha ng papel.

"Psst. Miss! Miss!" napalingon ako sa lalaking tumawag sakin.

Oh, si Nathan. Nagulat din siya sa ginawa niya.

"U-uh n-nevermind" sabi nito at umiwas ng tingin.

I never knew that we're classmates. Ngayon ko lang napansin. Siguro ay dahil rin sa ugali ko na walang pake sa paligid.

Napansin kong wala siyang papel kaya pumilas ako at binigyan siya. Nagulat pa siya sa inasal ko.

"U-uh, t-thanks" sabi pa niya at bumalik na sa upuan.

Habang nagququiz at kinalabit ako ni Dos. Kasama ko sa room. Lumingon naman ako dahil madali ang quiz at wala kong pake kahit bumagsak ako. Tss.

"Nagtaka ka rin ba sa inasal ni Queen?" tanong nito.

"Yeah" sagot ko. Napaisip din ako.

Hindi ko akalaing ganoon ang magiging plano ni Queen. Ayaw niyang maattach sa kalaban. Pero siya pa ang gumawa ng plano para mapalapit sa kaaway namin. Sana pala ang hinagisan ko na ito ng dagger sa leeg nung nakaaway namin siya sa canteen.

"Sabi nga ni Queen. Inayawan siya nubg Kaizer kaya siguro ganun nalang ang plano niya" sabi ni Dos.

Yeah. May history nga pala sila. Pero pwede naman siya gumanti sa ibang paraan.

"Sa tingin mo kaya may feelings pa si Queen dun sa Kaizer kaya niya gagawin ito?" tanong niya.

"I don't think so. Andyan si Ken, siguro naman ay na kay Ken nabaling ang naputol niyang pagmamahal" natatawa kong sabi.

Sabay naming pinasa yung papel namin.

O ha! Kahit nagdadaldalan kami ay nakakapagsagot kami ^___^ Ganun din sana kayo, kahit nakikipag usap ay nasa ginagawa pa rin ang utak ^___^ Syempre wag lang kayo magpapahuli sa dragona niyong teacher.

Nung nachekan ang papel perfect kami parehas.

"Miss Rian and Miss Kim. Siguraduhin niyo lang na hindi kayo nagkopyahan dito" masugit na sabi nung teacher.

"Sigurado kami Mam" inis na sabi ko.

Ang itsura pa nito ay nagdududa.

"Akala niyo hindi ko kayo nakitang naguusap kanina?" masungit na sabi nito.

"Nagusap lang nagkopyahan na?" inis na sabi ko.

Hinawakan naman ako ni Kim sa braso. Sign na kumalma ako. Pero hindi naman iyon naging dahilan para kumalma talaga ako. Simula pa lang ng klase namin dito ay mainit na talaga ang dugo nito sa amin ni Kimmy.

"That's possible. Malay mo, naguusap kayo pero yung sagot na ang pinaguusapan niyo" sabi ni Miss Dela Verde.

"Malay mo lang pala eh. Hindi ka naman talaga sure na nagkopyahan talaga kami" inis na sabi ko. Pinipigilan ko lang na huwag sumigaw.

Nasa amin na ang atensyon ng mga kaklase namin at nagbubulong bulungan.

Sht.

"Sure ako na nagkopyahan kayo. Talking is prohibited while doing this important thing" inis na sabi nito.

"Miss, make sure that you have proof before you accuse us. Narinig mo ba yung pinaguusapan namin? Masyado kang tamang hinala" inis na sabi ni Kim.

Hindi na rin niya napigilan ang sarili niya.

"Kung may pinaguusapan kami ay wala ka nang pake dun" dagdag pa ni Kim.

"Aba ginaganyan niyo na yung teacher niyo? Ganyan ba kayo sa dati niyong school?! Get out!"galit na sabi nito.

"Hindi mo na kailangang sabihin kasi aalis na talaga kami!!" galit na sabi ko at padabog na umalis kasama si Kim.

Badtrip!

~~~~
A/N: Sorry po kung natagalan yung UD. Naging busy lang po sa binyag ng kapatid ko at abala din sa mga pinsan ko. Matagal din bago kami nagkita kita kaya intindihin niyo nalang guys. 😊 Hindi lagi pwede akong umupo nalang at magcellphone, may mga ginagawa din ako kaya sana maintindihan niyo. Sa mga galit dahil bitin ang UD ay intindihin niyo nalang dahil hindi sa wattpad lagi umiikot ang oras ko😊 Salamat sa mga nakakaintindi sa akin😊

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon