Chap 2: Walang makakatalo sa ganda mo

6.3K 162 0
                                    


MAY'S POV

Hindi pa rin ako makapaniwala. Akalain mo naman! Narinig kong pinag-aagawan ng dalawang lalaking doktor ang pasyente ko! Woah, wala pa ngang malay, marami nang nanliligaw. Tch. Sorry nalang sila, nauna na ko! BWAHAHAHAHA!

"Nakakatakot naman 'yang ngiti mo, Doc May." sabi ni Faith, isang nurse. Nasa nurse station kasi ako ngayon, tumatambay lang.

"Ay nakakatakot ba?" painosenteng tanong ko at ngumiti ulit.

"Part, lumayo ka diyan. Baka kainin ka niyan. Ako lang ang pwedeng kumain sayo." sabi naman ni Cecil. Tumawa nalang ako at ang ibang mga nurse.

"Ah so nagkakainan na pala kayo." kumento ko.

"Luh...ang green ni doc!"

"Ikaw ang nagsimula niyan, haha" sabi ko at naputol ang tawanan namin nang biglang may yumakap sakin at humalik sa pisngi.

"Namiss kita baby ko!"

Nanlaki mga mata ko nang makita ko kung sino. Si Trixie, ex ko. One month lang kami nito at four months na ang nakalipas, ganito pa rin siya. Hindi niya maintindihan ang paulit-ulit kong sinasabi sa kaniya na matagal nang break kami.

"Anong ginagawa mo dito?" Naiinis na sabi ko. Tahimik lang ang mga nurse na nakatingin samin.

"Ano ka ba naman hon. Hindi mo ba ko namiss?" malanding pagkakasabi nito.

Napahawak nalang ako sa magkabilang temple ko.

"Tigilan mo na ko Trix, please lang."

"Baby naman, kausapin mo ko. Naglalambing na nga ako sayo." Napapoker face nalang ako.

Tinignan ko si Georgy, nanghihingi ng tulong ang mga mata ko. Agad naman niyang napansin yun at agad na nagsalita. "Ah doc, time to visit your patient na po. Room 167."

Tinanguan ko naman siya at nagpasalamat. Agad na umiwas ako sa babaeng kanina pa dikit ng dikit. Nakakainis talaga!

Di ko namalayan, nakasakay na pala ako ng elevator at papunta na sa room 167. Ano nga palang gagawin ko dun?

Bibisita.

Bibisita lang? Wala akong dalang mga gamit? Aish. Bahala na.

Kumatok ako sa pinto ng room 167 at bumukas naman ito. Andito pala si nurse Din, pinagbuksan niya ko.

"Oh doc, anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya.

Aish. Ano nga bang ginagawa ko dito? Mamaya pa naman ako dapat bibisita kasama ang ibang nurse.

"Wala lang, may ichecheck lang ako sandali." Sabi ko sabay lapit sa hospital bed. Tumango lang siya at bago umalis, nginitian muna ako ng nakakaloka. Mukhang alam nga niya. Hindi ko alam pero namula ako dun.

Pinagmasdan ko naman ang babaeng 'to. Nakaangat pa ang kaliwang binti nito dahil sinimento nga namin. Naghihilom na rin ang ibang sugat niya. Excited na kong gumising siya, ano kayang ugali nito?

Lumingon-lingon ako sa kwarto, ba't walang nagbabantay dito? Bakit mag-isa lang siya?

Teka nga, ba't ba ko tanong ng tanong? Ba't ba ko concern sa kaniya?

Eh syempre, pasyente ko. Oo yun nga, tama... dahil pasyente ko 'to. Pero bwisit nga naman, bakit ba ko nagkaroon ng sobrang gandang pasyente? Nadidistract tuloy ako sa trabaho ko. Haist. Kailangan na talaga niyang gumising, atat na kong makilala siya.

As if naman magugustuhan ka niya.

Tumahimik ka other self. Nakakainis ka din.

"Ah good morning Doc."

My Dream, Her Imagination (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon