ALLISON'S POV
"Anong ginawa mo diyan?" Tanong ni Harvey.
"Wala. Inutusan ko lang." Sagot ko.
"Eh ba't ganyan ang itsura?"
"Malay ko. Baka pagod sa trabaho niya kagabi."
"Eh hindi naman ganyan kapagod yan kaninang umaga."
Nagkibit-balikat lang ako at tumingin ulit kay Melissa. Nasa cottage na rin kami ngayong tatlo at pinagmamasdan ang babaeng tulog na tulog at haggard ang feslak.
Eh sa posisyon niya ngayon na nakaupo na natutulog, parang galing lang sa pagbubuhat ng mga mabibigat na kahon buong araw.
"Kawawa naman ang Mel ko. Pinahirapan mo ng sobra." Sabi ni Keith tapos tumabi sa kaniya.
"Wala ngang kahirap-hirap yung inutos ko!"
"Oo. Walang kahirap-hirap yung maglakad pabalik-balik ng 300 meters at bilad sa araw!" Singit ni Harvey.
"Isama mo na diyan yung palipat-lipat niya ng pwesto ng reflector para makakuha ka ng best shots tapos yung pagbubuhat ng kung ano-anong gagamitin mo!" Si Keith.
Naparoll eyes nalang ako. Sino ba ang kakampi nila dito?
"Oh my G! Kahit nabilad sa araw at pinagpawisan ng bongga, ang bango niya pa rin!" tili pa ng bruha at inamoy-amoy si May sa bandang leeg.
Nilapitan ko siya agad, hinigit sa braso at inilayo.
"Wag ka ngang lumapit dyan!"
"Aray ha! Makahila ka sakin. Ang possessive mo masyado bes. Paglapit at pag-amoy lang kay May, ipagbabawal mo? Dahil sa pilit na pag-angkin mo sa dyosang babae na yan, masisira ang friendship natin? Grabe ha." Emote niya.
"Manahimik ka nalang."
"Eh kung madami pang paghihirap ang ibibigay mo sa kaniya, mas maganda siguro kung kunin ko nalang! Sakin hindi na siya maghihirap pa kaya mas deserve ko siya!" Sabi pa ng bruha at lumapit ulit kay May kahit na alam kong binibiro lang ako ng dalawa.
Hinarangan ko naman siya at sinamaan ng tingin na nakacrossed-arms.
"Gusto mong lunurin kita dyan sa pool na yan? Wag mo nga siyang lapitan! Layas! Tsupi! Harvey, dalhin mo nga 'tong babaeng 'to sa labas, baka masakal ko pa eh."
"Ouch bes. Di mo na talaga ako love. Sira na pala ngayon ang friendship natin dahil lang sa paglapit ko sa kaniya." Emosyonal na sabi na naman niya. Hindi na niya naipagpatuloy ang mga sasabihin niya dahil hinila na siya ni Harvey palabas.
Hayy nako. Masyadong mapang-asar talaga si Keith.
Napatingin ulit ako sa babaeng natutulog. Awang-awa na ko ngayon sa itsura niya. Nakakaguilty.
Umupo ako sa tabi niya at tama nga ang bestfriend ko, ang bango bango pa rin niya kahit pinagpawisan ng bongga.
Napangiti ako sa itsura niya. Mukhang sumobra ata ako. Nakakaguilty ulit.
Kinuha ko ang kamay niya. "Sorry May. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko, baka nga umiral ulit yung pagiging bitch ko kanina. I'm sorry." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Niyakap ko naman siya sa side niya at ganun lang ako habang inaalala yung itsura niya kanina.
Hindi napapawi ang ngiti niya habang ginagawa ang mga utos ko. At yung pinakalast na pinabalik ko siya sa kotse niya para kunin ang SD cards, kahit na di na kaya ng powers niya, ginawa niya pa rin. Kasalanan ko lahat, pinili kong magsinungaling kahit may dala-dala naman akong extra SD card. Gusto ko lang naman itest siya kung makakaya niya lahat. Kung hindi niya nagawa lahat, okay lang sakin, gusto ko pa rin siya. Pero mas hinigitan niya ang expectations ko, pinahanga niya ako ng sobra.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...
