A/N: Naubusan na ng pangtitle😂
Enjoy!
****
ALLISON'S POV
Hindi ko alam kung masaya o malungkot nga ba ang pagtulog ko ngayon. Masaya dahil malapit lang sakin ang taong minamahal ko, pero malungkot din dahil alam kong iba naman ang kayakap niya sa ganitong oras.
Gumising ako ng mga 4:30 am. Madilim pa sa labas at perfect time ito para magpapawis at manuod ng sunrise. Ganun ako eh. Ganun si Athena. Mahilig pagmasdan ang pagsikat ng araw, pati na rin ang mapag-isa. Habang nagjo-jogging, may dumaan namang isang grupo ng mga ibon na V pa ang formation nila habang patuloy na lumilipad. Andito na naman ang mga mensaheng ipinapahiwatig nila. Hindi ko sila gano maintindihan dahil kuwago talaga ang nakalaan sakin pero nakuha ko ang mensahe.
Isang immortal ang naglaro sa isipan ng babaeng mahal mo.
Bago ko pa sila matanong para maging malinaw, nakalayo na sila. Inulit ulit ko ang nakuhang mensahe at inisip kung ano ang ibig sabihin.
Isang immortal ang naglaro sa isipan ng babaeng mahal mo.
Isang immortal ang naglaro sa isipan ng babaeng mahal mo.
Isang immortal? Sino naman yun? At bakit niya gagawin ang ganung bagay? Kung si Zeus man o si Nyx, hindi ko mapigilan ang sariling magalit. Pinakialaman na nga nila ang buhay ko, pati ba naman si Melissa?!?
Napaupo ako sa malaking bato at tumingin sa dagat. Nakakarelax ang tunog ng mga alon pero parang gusto kong umiyak. Sinuot ko ang jacket na dala ko dahil sports bra lang ang pangtaas ko. Ang lamig... katulad ng buhay ko ngayon na wala si May.
Sigurado namang hindi siya maniniwala kung ipagsigawan kong AKO ang girlfriend. AKO ang baby, babe, cutie pie, cupcake, o kung ano pang tawag niya. AKO ang mahal niya.
Ako lang dapat.
****
MAY'S POV
Napatingin ako sa paligid. San ba nanggagaling ang iyak na yun? Maaga akong bumangon para abangan ang sunrise kasi sabi ni Jameson, ang may-ari ng island na 'to at ex/tropa ko, na maganda ang view. Pero hindi pa ko nakakahanap ng pwesto, may narinig akong umiiyak.
Pinakinggan ko ng mabuti at sinusundan kung san ba nanggagaling. I can now feel the magnet pulling me.
Nadatnan ko ang babaeng nakajacket, nakaleggings, at nakatali ang buhok paitaas. Nakatakip ang dalawang kamay nito sa kaniyang mukha. I twitched the end of my lips, should I get near her or not?
Kinapa-kapa ko ang bulsa ng shorts ko.
Ayun!
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya, baka kasi mabigla ko.
"Ah Miss..."
Natigilan ito at tumingin sakin.
Nagulat naman ako. F*ck! Ito ang pinakaunexpected! Ang babaeng laging nasa isip ko this whole month, nakita ko na naman.
Wala akong masabi pero nakatingin pa rin sa mga mata niyang mapupula sa kaiiyak.
Humugot ako ng lakas ng loob.
"Hi, Allison."
Napaatras ako ng konti para bumalanse dahil sinugod niya ako ng yakap.
Dapat di ko 'to maramdaman pero ang sarap talaga sa pakiramdam. Yung yakap niya... sana dito nalang ako lagi.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...