A/N: Enjoy!
****
MAY'S POV
"May, kain ka muna." Salubong sakin ni Mama pagkababa ko galing kwarto.
Sinunod ko naman siya at umupo na.
"Si Papa po?"
"As usual. Nasa mga alaga na naman niya." Naiiling niyang sabi na may himig pang nagseselos.
"Ah okay po."
Iniwan niya muna akong kumakain para tawagin si Papa. Umuwi ako ngayon dito sa Batangas. I need an escape from everything. Masyadong magulo na ang buhay ko.
"How's my prettiest apo?"
Napangiti ako sa boses na yun. Umupo sa kabisera si Papa at sa harap ko naman si Mama. Well, ganito lang ang buhay namin dito sa Batangas. We have maids, this is a mansion, we have a big space hacienda at the place, pero never kaming nagyabang. I'm glad I came out from this family. Although yung Tito's at Tita's ko nasa Manila and out of the country, may communication at nagkikita-kita pa rin kami.
"Ito pa rin ako, ang pinakapaborito niyong Melissa." I smiled at ganun din sila.
Nagsimula na din silang kumain.
"May, yun ba ang babaeng tinatanong mo sakin nung una?"
"Sino po?" Takang tanong ko kay Mama.
"Yung naghatid sayo."
Napatango ako. Si Trixie. Hindi pa niya ako papayagang umuwi kung hindi siya ang maghahatid. Nakita siguro ni Mama.
"Maybe."
Napatingin siya sakin. "Anong maybe?"
Nagkibit-balikat lang ako. Di ko rin naman alam. Wala akong naaalalang nanligaw ako sa kaniya. At what? Ang tulad niyang babae liligawan ko? Nasiraan lang talaga ako nun ng bait. Pero ano pa nga ba! Wala na kong magagawa. Nangyari na ang nangyari. Pag wala talaga akong maramdamang pagmamahal sa kaniya, makikipag-break na ko. Soon.
"May, kailangan mo nang mag-asawa." Seryosong saad naman ni Papa.
"Alam ko po yun. Di na ako bumabata. Pero di ako sigurado kung tamang tao na ba siya."
"Suportado ka namin ng Mama mo. Mapalalaki man... o babae."
Napangiti ako. Di naging mahirap sa kanila ang tanggapin ako. Sabi nila mahal nila ako kahit sino pa ako at gaya din ng buong angkan. Ang swerte ko nalang.
"Basta, bigyan mo ang dad mo ng apo. Magtatampo yun pag lahat ng mga kapatid niya meron tapos siya lang ang wala." Natawa ako sa pahabol niya.
"Yes, Pa. Uhmm punta pala ako kay Dad after neto." Paalam ko in advance. "At balak ko sanang hiramin si Chessa."
"Of course. No problem." Ngiting-ngiti pa ito.
"Hoy ikaw babae, mag-iingat ka. Mainit sa labas at baka hindi ka na sanay magpatakbo ng kabayo. Madisgrasya ka pa." Napangiwi naman kami pareho ni Papa sa sudden outburst ng isa. Natawa ako ng malakas. Sermon agad ang inabot ko.
"Gino, siguraduhin mong walang topak ang Chessa na yan ngayon. At pasuotin mo siya lahat ng proper and safety gears si May. Ayokong may mangyaring masama." Dugtong pa niya na inuutusan si Papa. Natawa lang naman kami. Sumaludo pa si Papa sa maldita niyang asawa.
***
"Oh anak, naalala mo naman ang sinabi ng Mama mo. Lumayo ka sa panganib dahil pag hindi, ako rin ang manganganib." Natawa kami pareho sa sinabi niya. Nakasakay na ako ngayon kay Chessa, ang pinakamagandang kabayo na inaalagaan ni Papa. White ang breed niya at okay naman, kulang nalang ang sungay sa harap para sabihing unicorn.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...
