Chap 46: Kick and Kisses

2.1K 61 0
                                        

A/N: Thank you sa sandamakmak na votes!

Enjoy!!!

****


ALLISON'S POV

"Sapat ka na sa ganyan?" Tanong ko sa sarili ko. Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Ang tahimik ng bahay. Wala si Dad na maingay at makulit, si Mom na puro latest fashion lang ang pinag-uusapan. Lalo na si Kuya na walang ibang ginawa kundi guluhin ang buhok ko. Syempre dahil may sariling bahay na sila ng asawa niya at magkakaanak na. Si mom at dad nasa New York pa rin. Nag-extend dahil sa work. Mga maids lang kasama ko dito pero lagi din naman akong lumalabas. May career ako at...

Sinusundan si May.

Yun lang naman ang ikot ng buhay ko ngayon. Trabaho at si May. Di niya alam syempre pero masaya ako pag nakikita siya. Kaya tinanong ko ulit ang sarili ko.

Sapat ka na ba sa ganyan?

Sapat na ba talaga ang masilayan siya kahit malayo? Makita ang ngiti niya o makitang masaya siya sa ginagawa niya?

Sinundan ko siya kahit san man magpunta. Sa Batangas, sa hospital, sa condo... at kanina sa restaurant. Di ko alam kung sign na ba para tumigil ako dahil naubos na din yung bigay ni Hypnos sakin na liquid of invisibility. Well, isang patak sa ibabaw ng ulo ko equals dalawang oras sa pagiging invisible. At kanina wala na talaga naubos na.

Madalas nilalapitan ko siya pero di ko siya magawang hawakan dahil baka maglaho ang invisibility potion at makita pa ko. Nakahinga din ako ng maluwag nang makita kung sino ang kasama niya kanina. Akala ko kasi may iba na naman siya pero si Georgina lang pala at natatawa ako sa usapan nila kaya di ko maiwasang makisali. Feeling ko nga may nasabi pa ko dahil palinga-linga siya. Di dapat yun lumabas sa bibig ko pero ano pa nga ba. Bago ko pa man hayaan ang sariling magsalita ulit, umalis na ko. Okay na din ang araw ko. Alam ko na kung anong ginagawa niya at sino kasama niya.

Simula bukas, wala na kong gagamitin na invisibility potion. Bahala na dumiskarte. Tago-tago nalang 'to!

Natatawa ako habang papunta sa kusina para kumuha ng maiinom. Pano na kaya bukas? Para akong timang yun. Timang na stalker kamo.

Nang maibaba ko ang baso na kahalati pa ang laman na fresh milk, saktong may nagdoorbell. Sino kaya 'to?

Tumingin ako sa malaking wall clock nang dumaan sa living room. 9:20. Baka si Harvey 'to. Halos ibigay ko na sa kaniya lahat ng trabaho ni Keith eh. At ewan ko ba sa bestfriend kong yun. Nagfile ng vacation leave last month pa. Di man lang nagyaya magbakasyon no? Pero kahit nagyaya siya, tatanggihan ko rin naman. May importante akong binabantayan dito.

Nagdoorbell ulit.

"Teka lang!" Sigaw ko. San na kaya ang mga maids?

Tinatamad kong binuksan ng locks ng pinto. At nang maislide ko na, napaatras ako nang may mga labing sumalubong sakin. Madiin itong nakadikit sa mga labi ko pero ang lambot.

Oh my Gosh! May nakapasok na rapist! Madilim pa naman! Walang ilaw yung porch kaya di ko kita yung mukha. Madilim din ang living room. Sheeet!!!

Tinatagan ko ang sarili ko. Hinawakan at kinalmot ko ang mukha ng rapist at itinulak. Sana masira ang mukha nun. Lumapit siya ulit pero tinadyakan ko sa tiyan. Napahiga ito, hawak hawak ang part na sinipa ko dahil sa sakit. Itinaas ko ang kamao ko para suntukin siya to the fullest. Makakapatay ako ng tao ngayon.

Umubo ito ng paulit-ulit. Naibaba ko ang kamay ko nang makita ang mukha niya. Salamat sa liwanag ng buwan, nakikita ko ng malinaw ang mukha ng rapist na 'to. Ay wait, di siya rapist. Sadyang cute at weird na taong pinakamamahal ko lang.

My Dream, Her Imagination (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon