A/N: Dahil marami na ang nag-include ng story ko sa reading lists nila, nagsulat pa ko ng isa pang chapter! Yehey! Continue to read po. And please vote! Comment na din, promise magrereply ako.
Enjoy! Bye!
******
MAY'S POV
Napaaga ako ngayon kahit na mamayang 1 PM pa ang meeting ng mga doctors. Wala namang dahilan.
Bakit, meron ba dapat? *ngiting inosente*
Aish oo na. Dahil labas na ngayon ni Allison.
Nakakalungkot nga eh. 'Yaan mo na May, tutulungan ka naman diba ni Hypnos. At tutulungan mo rin siya. Well hindi naman talaga si Hypnos ang tutulungan mo kundi si Allison mismo.
Ikakasal kasi siya sa kakambal ni Hypnos.
So? Hayaan ko nalang, wala naman akong panlaban dun.
You sure?
Yes, I'm sure! Tsaka wala akong pakialam kung maghari ang kasamaan sa mundo nila! Duh, hindi naman ako nakatira dun.
Wala ka talagang pakialam kay Allison?
W-Wala. Kaya niya ang sarili niya. Siya kaya si Athena! Duh! Makapangyarihan siya. Dapat inaasahan niya ang sarili niya, hindi sa ibang tao!
Hindi niya alam na si Athena siya.
Malalaman din niya yun pag dinala na siya sa mundo nila.
So wala ka talagang pakialam?
Wala nga! Paulit-ulit!
Owkay, eh bakit napaaga ka ng dating sa hospital? Diba dahil gusto mo siya makita bago lumabas?
Oo, inaamin ko. Pero ganun naman talaga ako sa mga pasyente ko! Sinisigurado ko muna na beyond okay na sila.
Ok, sabi mo eh.
Tss.
"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa mokong. Mabuti nalang at mag-isa lang ako sa elevator. Bigla nalang sumusulpot.
"Wala lang. Bawal bisitahin si Athena?"
"Hindi!"
Bumukas ang elevator at lumabas na ko. Nakasunod lang siya sakin.
"Hahaha ala possessive pa, parang sayo na."
"Tse!"
"Kalma. Hindi ako magpapakita sa kaniya. Baka may kung anong pumasok sa isip nun at makilala ako, at baka maalala din niya na si Athena siya."
Napabuntong hininga nalang ako.
"Ang dami ko na ngang problema, dinagdagan mo pa!"
"Wala tayong magagawa diyan. Pangalan mo ang nakasulat dun sa libro."
Hinarap ko siya. "Baka naman kasi nagkamali ka lang. Madaming katulad ng pangalan ko."
"Alam ko. Kaya kinilala ko muna ang lahat ng kapangalan mo dito sa mundo niyo. Pero ang lahat ng pangyayari sa buhay mo at ang ugali mo, nagmamatch dun sa nakasulat sa libro. At loka kang bata ka, may kapareho ba talaga ng buong pangalan mo?" Seryosong sabi niya at biglang nainis.
"Nagkakataon naman talaga yun!" reklamo ko.
"Pero nagmatch ka nga dun sa personality at pangalan sa libro."
Napailing nalang ako. "Eh ano naman kung ako yun? Pano ka makakasigurado na matutulungan kita? Na matutulungan ko si Allison?"
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tumingin sa mga mata ko. Bago pa man siya magsalita, inunahan ko na.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...