A/N: Okay so first of all, maiyak-iyak na ko nang buksan ko ang account ko! Thank you sa mga votes, sa pag-a-add ng story ko sa reading lists niyo, sa pagbabasa at maging sa mga nanfollow sakin. Mas ginaganahan tuloy akong magpatuloy. Nakakainspire po kayo! Salamuch! Lovelots! Oh sya, hindi ko na kayo bibitinin! Ilang days na din itong nasa draft ko kaya sunod sunod ang pagpost ko ng chapters.
Enjoy!
***
ALLI'S POV
Nataranta ako nang makitang namumutla si May.
At yun ay dahil nahuli kami ng babaeng nanira ng moment!
Teka, ba't ko nga pala tinatawag na 'moment' yun?
"Ano, tatayo lang kayo dyan?" Tanong ko sa dalawang nilalang na hindi pa rin makaget-over.
Hulaan niyo kung sino ang nagsalita kanina dali!
"Bes, h-hindi talaga ako makapaniwala." Sabi nito at lumapit samin.
Umupo na rin sila. Napatingin naman ako kay May, nakatungo pa rin.
"Okay lang siya?" Bulong sakin ni Harvey.
Eh pano ba naman! Namumutla pa 'tong cute na 'to!
"May?"
Agad naman itong napatingin sakin. Nginitian ko lang siya. Ano naman ang ikinakaba niya? Yung nahuli kami ng bruhang Keith at ni Harvey? Tch.
"Si Harvey nga pala." Pagpapakilala ko.
Naglahad lang ng kamay si Harvey. "I'm Melissa." Sabi niya at nagshake hands sila.
"Kilala mo na naman si Keith, diba?"
"Yes. Nice to meet you again Keykey." Sabi niya sa bruha.
At ang bruha, dumikit agad sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Kahit hindi sabihin ni May, alam kong mahigpit yun. Gagang babae!
"Huy! Hindi na nakakahinga ang tao!" Saway ko. Bumitaw naman siya at nakangiting tumingin sakin.
"Why? Selos ka, my dear bestfriend?"
Aba! Gusto niya atang matanggalan ng buhok!
"Ewan ko sayo! Ano ba kasing ginagawa niyo dito?"
"Gosh, galit siya. Kanina tinawagan kami na pumunta agad dito tapos ngayon nagagalit. Dahil ba may nasira akong moment?"
Namula ako sa sinabi niya. At nakita ko ring namula si May.
"Ah so papulahan tayo dito, bes?" sabi pa niya. Tumawa lang naman si Harvey.
"Tumigil ka nga! Nakakainis ka eh!"
"Ay, bakit pabebe bes?" Asar pa niya.
Pinandilatan ko naman siya ng mga mata at hinawakan ang saklay ko. Balak ko ngang ihampas sa kaniya.
Binigyan lang naman niya ako ng Give-Up-Na-Look. Napangiti naman ako, takot pala sakin.
"Bakit mo pala kami pinapunta dito?" Tanong ni Harvey.
"Boring kasi kanina. Wala akong kakwentuhan."
"So 'kanina' pa yun. Ngayon, hindi mo na kami kailangan kasi andito na si May." Singit ng bruha.
"Last warning na Keith ha."
Tumawa lang siya at tumingin kay May. "Sino yang katext mo?" Tanong nito habang nakatingin sa phone ni May.
Kahit kailan talaga napakatsismosa nito!
"May jowa ka na?" Biglang tanong ng bruha kaya napatingin din ako.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Novela JuvenilImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...
