ALLISON'S POV
My morning is so good today. Pagkatapos magbihis, hinablot ko ang cell phone at earphones ko. Nilapitan ko si May na mahimbing na natutulog pa sa kama. Ang cute cute niya. Mas lalong gumaganda ang araw ko. Hinalikan ko siya sa forehead niya at sa lips pero hindi nagising. Tulog mantika talaga. Haha.
"Love you." Bulong ko at lumabas na ng kwarto. Alas kwatro palang ng madaling araw kaya tahimik pa ang paligid.
"'Nak, ang aga mo naman." Bati sakin ni Yaya Vina nang dahan-dahan kong binubuksan ang malaking gate pero nahuli pa rin ako.
"Jogging lang po ako, Ya. Good morning." At ngumiti ako ng malapad.
"Ngayon lang kita nakitang ngumiti ulit mula sa mga nakaraang linggo. Kay May ba sasakyan ang nasa harap?"
Palihim akong napangiti. "Yes po. Tulog pa siya ngayon sa taas." Tukoy ko sa kwarto ko.
Tumango lang siya at napatingin sa leeg ko tapos mahinang tumango. "Oh sige nak, suotin mo nalang 'tong scarf ko." Sabay abot niya sakin.
"Yaya... anong ibig mong..." nanlaki ang mga mata ko nang mahanap ng kamay ko ang hindi kaaya-ayang maliliit na kiss marks sa leeg ko.
"Oh alam mo na?"
Natawa ako. "Yes po. Haha, thanks ya!" Inaayos ko ang scarf sa leeg ko habang papalabas ng gate. Lokong May na yun! Tinatakan pala ako! Hmp! Gantihan ko yun mamaya.
****
MAY'S POV
Nagising ako dahil sa tunog ng cell phone ko. Kinapa-kapa ko naman sa side table... wait bakit walang table dito? Napaupo ako agad at kumurap-kurap.
Ay oo nga pala, nandito ako kela Allison. Hinanap ko ang cell phone ko. Nakita ko sa side table niya pero nakalocate sa kabilang side. Nang subukan kong abutin, natanggal naman ang kumot na nakabalot sakin at nakita ko ang aking precious body. Hala! Naalala ko na. May nangyari talaga kagabi. As in, ganun kaintense, ganun klaseng pag-uumapaw na pagmamahal.
Nagring ulit yung cell phone ko. Ano ba! Hindi makapaghintay!
Kinuha ko na rin at napatingin sa caller. Si Georgy.
"Oh?" Walang ganang bungad ko, iba ang hinahanap ng mga mata ko eh.
"Hoy babae! Maka-oh ka ah! Ang dami mo nang utang sakin."
"Hay nako Georgy, mamaya na yang mga utang. Ang aga pa para mambulabog ka dahil sa utang."
Hinahanap naman ng mga mata ko ang orasan.
"Alam mo, magpasalamat ka nalang sakin dahil nalaman mo din ang katotohanan."
Napailing ako. "Utang na loob, Georgina! Mamaya na yan. Antok pa ko. Tawag ka nalang ulit. Tsaka ang aga pa, alasais palang. Mamayang gabi ko na babayaran kung anong utang ko sayo. Kelangan ko pa bang ibalot ng gift wrapper si Keith?"
Natahimik naman muna siya sa kabilang linya. Si Keith lang pala ang katapat!
"No. Ayoko. Pero wait! Sige, balutin mo na para di na yun makahinga! Hahaha." At tumawa pa siya ng malakas. "A--ouch! Aray ko po!"
"Oh, napano ka?"
Naging magulo muna sa kabilang linya tapos...
"Hoy Pontiveros! Subukan niyo akong pagtulungang patayin at puputulin ko ang ano niyong dalawa!"
Patay. Si Keith.
"Ang ano?" Sabay na tanong namin ni Georgy na nasa kabilang linya pa rin.
"Ang...mga kamay niyo!" Sigaw pa nito at ibinaba na ang phone.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...
