Chap 9: Background

3.2K 77 4
                                    


A/N: Second update for today!

Enjoy!

*****


ALLISON'S POV

Ang bilis ng oras. Kagabi --ay kanina pala, umaga na nang matapos ang kwentuhan namin. Pagkaalis ni doc, nanaginip na naman ako. At ang panaginip ko?

Napakaweird.

Pati ba naman kaweirduhan ng doctor ko, eh napasok pa sa panaginip ko!

Basta naalala ko na nandun ako makalumang lugar, makalumang tao na kinilala pa akong isang reyna, may kuwago rin daw na kasama ko at parang napaka tree lover ko, specifically dun sa olive tree.

Pinakain ako ng mga halos di ko kilalang pagkain. At nalaman ko pa na ang pangalan ko ay Athena. Hindi ko din alam kung nanaginip ba ko nun o binabangungot dahil parang binibigyan nila ako dun ng mga di ko inaasahang bagay, tulad ng mga alahas, yung bahay -- oops mansion pala -- tapos yung espada! Grabe...

Pagkasabi ko ng gusto kong mag-isa, dahil masyadong madami akong iniisip. Wala silang ibang ginawa kundi sundin ang utos ko, pinapunta nila ako sa malaking bato at dun daw ang pinakamagandang lugar para mag-isip isip dahil sa magandang view ng karagatan.

At dun ko na nga nakita ang doctor kong si Melissa. Lumapit siya sakin at parang nag-usap kami. Ang pakilala ko ay Athena, na yun naman talaga ang pagkakakilala sakin. At sa suot palang niya, alam ko nang isa siya sa mga tao ko, ang Athenian.

Gusto ko siyang hingan ng tulong at tanungin kung ano ba ang ginagawa ko sa ganitong lugar, bakit ako nakasuot ng pang-armor na tila susugod sa laban. Pero kahit buong puso kong gustong gawin yun, di yun ang ipinakita ng mukha ko, di yun ng lumabas sa bibig ko.

Kaya naman nung dalawin niya ako kaninang umaga, nakatulala lang ako at nawawala sa sarili.

Malaki ang naging epekto sakin ng panaginip na yun. Pero hindi dapat ako magpakita ng kaweirduhan kay doc, panaginip ko lang naman yun. Wala nang iba.

"Alli, anak, okay ka lang?" Tanong ni Mama.

"Okay lang naman po."

"Masama para sayo ang mag-isip ng marami. Don't forget na may sugat ka pa sa ulo."

"Yes Ma, sorry." Nginitian lang niya ako. "Ah Ma, si Papa, asan?"

"May inasikaso lang sa office nila, diba pinacancel na niya ang business trip nila papuntang Saudi dahil lang sa kalagayan mo."

"Oo nga pala."

Naging problema pa tuloy ako. Eh bakit nga ba hindi ako makagalaw nun kahit alam ko namang may sasakyan?

Ang tanga-tanga ko talaga.

Biglang bumukas ang pinto.

Pumasok si Harvey, longtime friend ko.

"Ang sama ko bang kaibigan?" tanong agad niya.

"Bakit mo naman natanong yan?"

"Eh kasi ngayon lang ako nakabisita sayo."

Natawa ako. "Gago!"

"Well, kung masama akong kaibigan dahil ngayon lang dumalaw, mas masama naman si Keith!" Sabi niya at tumawa ng malakas. Si Keith ay isa pa naming super close na kaibigan, at nagkakilala lang kaming tatlo sa klase ko sa photography at hanggang trabaho ay sama-sama pa rin.

Binati niya si Mama. At may ibinigay siyang bulaklak sakin habang ipinapatong ang pinamiling prutas sa malaking table.

"Ang sweet ha... may paroses pa siya!"

My Dream, Her Imagination (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon