Chap 27: Pilit Pinipigilan

2.1K 59 1
                                        

A/N: Next chapter pa ang pinakahihintay ng lahat. Tinatanong ko kung okay lang ba ang BS sa book na 'to pero wala naman akong natatanggap na answers mula sa readers so I guess SILENCE means YES. Hahaha joke pero hindi ko na mahihintay ang answers niyo. Gusto ko na talagang mag-update! Oh enjoy nalang. Natatawa ako sa chap na 'to. K yun lang! Ciao!

---------

MAY'S POV

"So... kelan mo gagawin?" Tanong ng immortal na si Hypnos pagkalabas ko ng room galing operation.

"Ang ano?"

"Third condition." Si Cupid ang sumagot.

Nag-ayos muna ako at pumunta ng top floor kung nasaan ang room ng mga doctors. Nakasunod lang naman ang dalawa.

I'm so drained.

Naupo ako sa sofa at ipinikit ang mga mata.

"Hindi maganda ang palaging umiiyak." Sabi ni Hypnos.

Naimulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanila.

"Pano niyo naman nalaman na lagi akong umiiyak?"

Napailing lang ang dalawa.

"Don't let your emotions eat you up, Mel."

"Pagod na ko. Natatakot ako. Mabuti para sa lahat kung magawa ko 'tong misyon at mailigtas siya pero sa bandang huli, ako ang masasaktan."

"Sorry pero pinangako naman namin na buburahin ni Hypnos ang alaala mo, at ibibigay ko sayo ang taong dapat sa iyo."

Napabuntong hininga nalang ako.

Yun nga ang problema, hindi si Allison ang nakalaan para sakin pero hinihiling ko pa rin na sana siya....

"Ilang araw na lang ba?" Tanong ko, maibaling lang ang atensyon ko mula sa masakit na katotohanan.

"Dalawang araw. Sa mundo namin, ilang oras na nga lang." Sambit ni Hypnos.

"Susubukan ko mamaya. Pero ayoko siyang madisrespect. Oo, sabihin nalang natin na nirerespeto ko naman siya pero ano na lang ang iisipin niya pag gawin ko yun?"

Nagkibit balikat lang si Hypnos habang yung isa, ngiting-ngiti. Ano na naman ang plano nito?

Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi siya nagsalita, ngiting ulol pa rin. Great.


*****

CUPID'S POV

"Uy anong iniisip mo kanina at para kang nakaiskor sa asawa mo?"

Naglalakad kami ngayon ni Hypnos papalayo sa hospital.

"Gago! Hindi! May naisip lang para sa misyon."

"Eh ano?"

Ngumiti ulit ako.

"You'll find out later."

Sinamahan niya akong hanapin si Athena, or Allison. Nakita naman namin ito na nasa opisina niya at walang event na pupuntahan.

Pumasok kami, syempre di kami nakikita dahil invisible kami. Ano nalang ang mangyayari pag makita kami ni Athena? Edi bumalik na din ang alaala nun na siya pala ay isang immortal!

Sigurong may magaganap na patayan.

"Huy! Ano ngang gagawin mo?" Bulong ni Hypnos.

"Wag kang bumulong gago, di nila tayo naririnig. Para ka talagang tanga."

"Ikaw nga yung tanga, ngiting aso kanina." At tumawa pa siya. Sinamaan ko nalang ng tingin.

"Ano ngang ginagawa natin dito?" Naiinis na tanong niya. Ang bilis magchange ng mood! Nakabadtrip talaga tong loko.

My Dream, Her Imagination (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon