Chap 24: Finally, You're Mine

2.2K 63 0
                                    


ALLISON'S POV

"Keith, wala ka bang napapansin?"

"Ang alin?"

"Ang weird ng mga tao ngayon."

"Bakit naman?"

"Kasi kanina sa baba, nag-ikot lang ako saglit para kumuha ng last shots sa hotel na 'to tapos yung mga staffs, panay ngiti sakin."

"Ay baka friendly lang talaga."

"Sabagay. May point ka."

Biglang tumunog ang cell phone niya. May tumatawag. Dahil ako ang mas malapit, kukunin ko na sana ang cell phone niya pero agad siyang tumakbo papalapit sakin at naunang hablutin ang phone niya.

Takang tumingin naman ako sa kaniya.

"Hello?" Medyo hingal na sabi niya.

"W-Wala. Hindi!" Kabadong sabi pa niya.

Sino bang kausap niya?

"Okay lang naman." Biglang naging malambot naman ang boses. May kalandian ba 'tong babaeng 'to na hindi ko alam?

"Ako ang incharge, diba? Pag si Keith ang incharge, siguradong magiging success ang lahat!" Masayang sambit nito at ibinaba na ang phone.

"Sino yun? Incharge ka saan?"

"Ah wala. Trabaho lang." Sagot niya tapos ngumiti at pinagpatuloy ang pag-aayos.

Ang weird din niya. Ang wi-weird ng mga tao!

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si May. Namimiss ko na eh.

"Hello?"

Wala akong ibang narinig sa linya niya kundi ang ingay.

"Nasan ka? Ba't ang ingay dyan?"

"H-Ha? Andito lang sa room namin. Bakit?" Medyo humina na yung ingay at unting nawala.

"Pwede ba kong pumunta dyan?"

"NO!"

Nagulat ako sa biglang sigaw niya.

"Okay ka lang?"

"Ah yes. Sorry. Sorry. Ang ingay lang kasi ng tv. Ang kulit ni Georgy."

"Ah okay--"

"Oh ba't ako nasali dyan? Tumutulong na nga akong mag--" singit ni Georgina pero biglang naputol.

"May, ano yun?"

"Ha? Wala, wala. Ang kulit lang talaga."

"Ah okay. Pwede ba kong pumunta dyan. Ang weird kasi ng roommate ko." Sabi ko sabay tukoy kay Keith.

"Ah ganun ba? Pababa na kasi kami. Sa baba nalang tayo magkita, papunta na kami dun."

"Okay." Sabi ko at tinapos na ang call.

"Keith! Tara na!" Sigaw ko. Nagmadali naman siyang lumabas ng banyo. Pero biglang nagring yung phone niya kaya bumalik siya ng banyo at nagsara.

What in the world is happening?

Naiinis ako.

Inis na inis ako.

Kanina pa sila ganyan!

Mga weirdo!

Pagdating namin sa may pool area, wala sila May dun.

Sinungaling!

"Oh anong gagawin natin dito?" Iritang tanong ko.

"Edi maliligo!" Sagot ni Keith at agad na tumalon.

My Dream, Her Imagination (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon