Chap 29: Her most awaited PAIN

2.2K 65 0
                                        

ALLISON'S POV

Nagising ako na balot na balot ang katawan ko ng kumot at kayakap si May.

"Good morning, my baby cutie pie!" nakangiting bati nito na medyo namamaos pa.

"Ang aga mo namang magising. Tsaka ano 'to? Bakit...?" Tanong ko at napatingin sa kalagayan ko.

Bakit ako hubad? Bakit siya hubad? May nangyari ba samin kagabi?

"What is this, Melissa?" Halos na pasigaw kong tanong at lumayo sa kaniya. Tinakpan ko pa ang sarili ko ng kumot.

Nakatingin lang siya sakin. Gulat at di makapaniwala.

"But baby... y-you were okay with this. We both asked for this." mahinang sabi niya, pansin ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Wala akong hininging ganito. Di ko matandaan ang kagabi. Lasing ba tayo?"

Umiling lang siya na nakayuko pa rin.

"Alam mo ba kung nasa katinuan ako nun o hindi?"

Umiling ulit siya at tumingin na sa mga mata ko.

"Nawala na ang magic." Bulong niya at bumuntong hininga pa.

"Anong magic ang pinagsasabi mo dyan? Pinagsamantalahan mo ako!"

Kita ko naman ngayon ang galit sa mga mata niya pero hindi ko na mababawi ang mga sinabi ko.

"Sorry, okay? That's the last condition---I mean, girlfriend mo naman ako diba?"

"Yes. Pero hindi pa rin sapat ang dahilan na yun para kunin mo ang virginity ko at the wrong time!"

"Kaya sorry na nga, okay? Go ahead. You're free to slap or kick me. O di kaya kung pinandidirian mo na ako dahil 'pinagsamantalahan' kita na nagustuhan mo din naman, okay lang. Tatanggapin ko ang mga sasabihin mo, pati na rin ang desisyon mo sa relasyong 'to."

"What? Anong desisyon? Hindi ako nakikipagbreak sayo! Naiinis lang ako dahil nagawa mo akong pagsamantalahan na hindi nasa matinong pag-iisip!"

"Oh, hindi pala matino ang pag-iisip mo kagabi?" pasarkastiko niyang sabi.

"Oo! Hindi mo man ba ako nirespeto?!"

"Nirerespeto kita pero ikaw ang nag-iisip ng mga ganyang bagay!"

Hindi ko namalayan na nag-aaway na pala kami at nagtataasan ng boses na maririnig sa buong unit na 'to.

Pumunta ako ng CR at naligo. Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa pumapatak.

Kahit anong gawin ko, hindi ko naaalala yung kagabi. Pumayag ba talaga ako? Ginusto ko rin ba 'to?

Hindi ako nag-iinarte pero ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko lang ang bagay na yun sa magiging asawa ko. Si May man, o ibang tao.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ko at lumabas. Masakit pa rin sa bandang ibaba. At naiinis ako ng sobra kay May.


****

MAY'S POV

At eto na nga! Salamat mundo ha! Dumating na din ang pinakahihintay ko. Pssh.

Sigurado akong masaya na sila Hypnos ngayon dahil nagawa ko na rin ang pangatlong kondisyon at maliligtas na si Allison.

Hinayaan ko nang magalit siya sakin, tutal tapos na ang misyon ko at mabubura na din ang alaala ko sa kaniya.

Babalik na ko sa dati kong buhay! How great is that, huh?

Napatingin ako sa kaniya na kakalabas palang ng kwarto with such fresh body.

My Dream, Her Imagination (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon