MAY'S POV
Yung feeling na hindi ka nakatulog dahil sa hindi maintindihang rason...
Yung feeling na alam mong para ka nang tanga na paulit-ulit nalang inaalala ang halik na yun...
Yung feeling na halos masiraan ka na ng bait dahil sa hindi inaasahang pangyayari...
Ganun ang nararamdaman ko. Ganun na ganun.
Hindi pa rin ako nakakamove-on. Kanina pang umaga nangyari yun pero parang segundo palang ang nakalipas.
"Hayyyysss..."
Makukuha din kita Ms. Gorgeous.
Teka nga!
Dapat hindi siya ang inaatupag ko. May girlfriend ako diba! Pero langya, sino naman kaya yun?
Ako, nagkagirlfriend? Ako, nanligaw ng isang linggo?
Never. Never in my life mangyayari yun.
Nakakapagtaka. Gano ba kaganda ang babaeng yun na nagawa kong ligawan ng isang linggo?
Kung may gf nga ako, asan siya? Ba't hindi nagpapakita sakin? Aba naman! Niloloko na nila talaga ako.
Niloloko ako ng mga nurse, niloloko ako ni Georgy, niloloko ako ni Brith... at ni Kim? Imposible namang magsinungaling sakin ang batang yun.
Ano bang nangyayari sa buhay ko?
Isa nalang. Isa nalang talaga ang makakapagpatunay kung meron nga ba akong gf.
Bumangon ako sa kama. Kanina ko pa gusto matulog pero hindi mawala ang Allison na yun sa isip ko. Kinuha ko ang cell phone ko at idinial ang number ni Mama.
"Hello, nak?"
"Hi Ma. Kamusta kayo dyan?"
"Okay lang. Maulan dito. Diyan ba?"
"Hindi naman po. May gusto lang sana akong itanong."
"Ano yun Melissa? Tungkol na naman ba ito sa gusto mong babae?"
"Huh? Pano niyo nalaman? Tinawagan na ba kita tungkol dito?"
"Ah oo. Pero matagal na yun. Dalawang buwan na rin ang nakalipas at bumisita ka rin samin. Kaya nagtataka ako kung bakit ka tumawag ngayon."
Hindi na ata sila ang may problema. Ako na. Bakit wala akong matandaan?
"Uh Ma... nasabi ko na ba sayo na may girlfriend na ko?" Nagdalawang-isip pa ko kung itatanong ko ba.
"Hindi pa anak pero last time na nag-usap tayo tungkol diyan ay nanliligaw ka na. Bakit, may problema ba?"
Natapik ko ang noo ko. Talagang minamalas ako!
"Kilala niyo ba kung sino?"
Naghintay ako ng sagot niya pero tawa lang ang natanggap ko. Pati ba naman Mama ko?!?
"Sige Ma. Tawag nalang ako sa susunod..."
"Teka lang anak! Haha pero di mo pa siya naipakilala sakin. Lagi mo lang sinasabi na maganda, mabait at kung ano ano pa. Inlove ka talaga sa kaniya, pero hindi mo naman nabanggit ang pangalan niya."
Napabuntong hininga nalang ako.
"Okay Ma, thank you. Miss you, pakisabi na rin kay Papa na tumawag ako."
"Okay, anak. Ingat ka lagi dyan. Love you. Bye."
Tinapos ko na ang tawag at nagbihis. I need peace of mind. And at the same time, answers. Pero pahinga muna.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...