HYPNOS' POV
"Magsalita ka! Nasaan siya?"
Tinignan ko ng masama ang tatlong babae. Sa itsura palang nila, mandidiri ka na pero hindi dapat makampante dahil may mga kapangyarihan din sila.
"Walang hiya ka Hypnos! Pakawalan mo kami dito!" Sigaw ng isa.
Itinutok ko sa hawla nila ang espada.
"Hindi ako titigil hangga't di kayo nagsasabi ng katotohanan!"
Tumingin ako sa mga alipin at sumenyas. Inilabas nila ang isa sa Gorgon sisters pero nagpupumiglas ito.
"Kung ano man ang problema mo, labas na kami dun! Wala kaming ginagawang masama kaya pwede ba!"
Ginamit ko ang isa kong kamay para sampalin siya ng malakas na umalingawngaw naman sa buong kuweba.
Humikbi siya sa sakit na idinulot ko, ganun din ang dalawa na nasa hawla pa.
"Ano! Magsalita kayo!"
Napaatras silang tatlo nang makita ang umaapoy kong mga mata. Galit na galit na ko.
"W-Wala kaming alam!" Sabi ng babaeng kaharap ko.
Tinignan ko siya ng maigi sa braso niya at nasilaban ito ng apoy kaya napasigaw siya. Nagpupumiglas pa rin sa hawak ng mga alipin ko.
"Wag mong saktan ang kapatid namin! Wala kaming alam sa binibintang mo!" Sigaw nung nasa malaking hawla.
"Talaga? WALA?!?" Sigaw ko. Hindi ko na nakokontrol ang galit ko. Magbabayad talaga ang hayop na pumatay sa kapatid ko!
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko pero agad na lumayo.
"Ang init mo naman, bro! Kumalma ka nga!"
Tinignan siya ng mga nag-aapoy kong mga mata kaya mahina siyang napatango at lumayo.
"Ibalik niyo na yan." Utos ko sa mga alipin ko at sinunod naman nila.
Nagyakapan naman ang tatlo nang ipasok ang kapatid nila. Lumapit ako.
"'Wag nating paabutin sa sitwasyong kukunin ko din ang isa sa inyo, kagaya nang ginawa sa kapatid ko. Katotohanan lamang ang aking hiling tungkol sa immortal na pumatay sa kaniya." Sabi ko sa tatlo.
Tumalikod na ako at pinahupa ang galit at apoy sa mga mata ko. Lumabas ako ng kuweba nila, nandun si Cupid na naghihintay sakin.
"Di ko lubos malaman na ganun ka pala magalit." Sabi nito na may hawak-hawak na maliit na kulay asul na bato.
"Ano bang pakay mo? Maganda o hindi?"
Nagkibit-balikat lang siya habang nilalaro-laro ang kulay asul na bato. "Ewan. Pareho ata."
"Ipakita mo na." Utos ko.
Tumalikod siya para harapin ang dingding sa labas ng kuweba. Malakas na ibinato niya sa dingding ang kulay asul na bato at may lumabas na screen sa dingding.
Nagtatakang tinignan ko siya pero sumenyas lang na manuod kaya ginawa ko naman.
Malinaw na malinaw ang nakikita ko sa screen.
"Thanatos..." nabanggit ko ang pangalan niya nang lumitaw ang kaniyang mukha sa screen.
Nasa kabilang bundok ito, lumapit siya sa nakatalikod na magandang babae. Hinalikan niya ito sa leeg, nang humarap ang babae, ganun na lamang panglaki ng mga mata ko.
Siya?
Hindi ako nagkamali.
"Medusa." Pagalit na bulong ko.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...
