Chap 26: Limits

2.2K 63 1
                                    

Arci as Melissa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Arci as Melissa


ALLISON'S POV

Nagising ako dahil naramdaman kong may katabi ako at di ako masyadong makagalaw sa pwesto ko.

May ibang tao sa kwarto ko?

Hindi ba nakauwi ang mga friends ko at dito pa talaga nakitulog? Or kapamilya ko lang?

Bakit parang ang lamig na ang lambot pa ng kama... parang wala akong damit.

Shit, narape ba ko?

Agad akong nagmulat ng mga mata. Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. Nawala naman ang pag-alala ko nang makilala kung sino.

At hindi naman pala ako nakahubad.

Pero ang tanong, pano siya nakapasok dito? Bakit siya nandito?

Maraming tanong ang hindi masagot-sagot pero imbes na tanungin siya, hinayaan ko nalang muna kasi mahimbing ang tulog ng baby ko.

Bago pa man ako bumangon at mag-ayos, hinalikan ko muna siya sa pisngi niya.

"Ehem."

Halos naman akong mapatalon sa gulat.

"Ano ka ba, Kuya!"

"Ahahaha tara, breakfast na tayo. Andun na sila Mom at Dad." Nawala bigla ang ngiti niya. "At... marami tayong pag-uusapan."

Kinabahan ako sa mga huling sinabi niya.

Tahimik naman akong umupo sa usual seat ko sa dining place namin. Kaharap ko si Mom at nasa kabisera naman ng mahabang mesa si Dad. Nakakabingi ang katahimikan.

Hindi ko nakayanan kaya ako na ang unang nagsalita.

"Good morning mom, dad."

"Good morning din sweetie." Seryosong sabi ng tatay ko. Nginitian lang naman ako ni Mom.

"So, tulog pa ba siya?"

"Siya?" Kabadong tanong ko.

"Yung gf mo, baby girl." Singit ni Kuya.

"Uhm..." tingin ko ulit sa seryosong mukha ng ama ko. "Tulog pa po. Kagagaling lang ng trabaho."

Tumango naman siya. Nagsimula na kaming kumain.

"Matagal na kayo?"

"Night before yesterday. She was my doctor."

"Hmm, I know. At alam mo ring babae siya."

"Patrick...." sambit ng nanay ko at hinawakan siya sa braso.

Huminga muna ako ng malalim. Bakit ba ganito? Kung tutol sila, sana wag muna ngayon! Hindi pa nga kami nag-iisang linggo, binibigyan na agad kami ng problema!

My Dream, Her Imagination (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon