-- 2 Months Ago --
Someone's Point of View
"Kamusta ba ang lakad mo?" Tanong ng tatlo pagkapasok ko.
"Nandun si Hypnos. Hindi ako nakatyempo." Sagot ko at humiga. Nakakapagod.
"Natakot ka kay Hypnos?"
Hindi ako sumagot. Hindi naman talaga ako natatakot sa kaniya kundi galit. Bakit niya ginawa yun? Bakit niya gustong patayin si Athena?
Hindi ako makakapayag. Akin lang si Athena. Akin lang siya.
-- Present --
"Ano?!? Hindi mo nakuha si Athena? Bakit?!?" Sigaw ko kay Thanatos.
"Mahal... bakit ba kelangan pa? Andito naman ako oh. Kahit hindi mo na hilingin, mamahalin kita ng buong buo."
"Manahimik ka. Alam mo kung ano ang gusto ko. Alam mo kung sino ang hinihiling ko."
"Hindi nga siya nakuha ng mga alipin ko. Hindi nila mahawakan. Tumatagos lang sila sa katawan niya, katulad ng ibang mga mortal."
"Pero hindi siya mortal!!!"
Natahimik naman siya at hinawakan ako.
"Bitawan mo ko." Mahina ngunit madiing sambit ko.
"Wag ka nang magalit. Gagawa ako ng ibang paraan para madala siya dito."
Itinulak ko siya.
"Di na kailangan. Ako na ang gagawa."
"Pero hindi mo magagawa yun!"
"Magagawa ko yun!"
Humarang siya sa dadaanan ko.
"Mahal kita! Pakiusap... Ako nalang." Sabi niya na nakaluhod sa harap ko.
"Kung mahal mo talaga ako, gagawa't gagawa ka ng paraan para mapasakin si Athena."
"Patawad mahal ko. Isa pang pagkakataon, pakiusap." Pagmamakaawa pa nito.
Umiling ako. "Ito na ang una at huling pagkakataon mo. Nabigo ka at ang lahat ay may katumbas na parusa."
Nagulat naman siya sa sinabi ko. Tinignan ko siya sa mga mata at ngumiti.
HYPNOS' POV
"Asan na ba yun?" Tanong ko kay Cupid.
"Hanapin mo kasi. Hindi yung puro reklamo ka lang diyan."
"Sa dami ba naman ng mga mortal dito!"
"Kaya nga! Mag-isip ka nga! Immortal ka at anong silbi ng kapangyarihan mo? Nag-angkin ka pa, di mo rin naman pala gagamitin."
"At bakit? Ikaw, nahanap mo na ba?"
Kahit kailan, hindi ako magpapatalo sa kaniya.
Sasagot pa sana siya nang may nagsalita galing sa likuran namin.
"Anong ginagawa niyo ditong dalawa?"
"Hinahanap ka lang."
"San ka nagpunta? Nag-aalala kami."
"Wala naman. Kinausap ko lang si May."
"Si May???" Gulat na tanong namin sa kaniya.
"Oo at tara na. Uwi na ko." At nauna na siyang umalis. Nagkatinginan kami ni Cupid at nag-apir.
Masaya ako para sa kanilang dalawa. Sana matapos na 'tong problema.
Sumunod na din kami kay Athena at umupo sa backseat.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...
