Chap 36: Foolish Heart

1.8K 62 0
                                    


ALLISON'S POV

"Ready ka na, Alli? Malelate na tayo---anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Bulyaw ng bestfriend ko.

"Wala!"

"Wala daw! Nakakatakot ka ha, ngumingiting mag-isa."

Ngumiti lang ulit ako. "Wala! Tara na nga!" Sabay hila ko sa kaniya palabas ng bahay at sumakay na sa kotse ni Harvey.

"Bakit naman hindi ka niya maalala? Gagong yun."

"Gago talaga siya?"

"Yes. Sino ba namang tao ang bigla-bigla ka nalang makakalimutan? Tsk."

"Gusto mo ba siyang makilala?"

"Kung papayag kang suntukin ko siya."

Di mawala-wala ang ngiti sa mukha ko everytime nagrereplay ang mga sinabi niya. Nakakatawa talaga siya! She has no idea!

"Anong nangyari diyan?" Tanong ni Harvey kay Keith sabay turo sakin.

"Aba ewan ko. Nababaliw na."

"Yan ang epekto ng masyadong inlove. Kamusta naman kayo ni idol, Allison?" Tanong pa nito sakin.

"Uhmm..."

Kamusta nga ba kami? Aside from the fact na wala siyang maalala na kahit konting detalye sakin, naghahamon pa siya ng away at hindi niya alam na ang kaaway niya ay sarili niya mismo.

"Okay lang naman. Busy lang siya."

Tumango lang siya. "Si Georgina kamusta naman?"

Napatingin agad ako kay Keith. Kasingpula na niya ang makapal na red lipstick niya. Kahit kailan talaga in denial pa rin 'tong isang 'to!

"Keith ikaw na ang sumagot. Wala akong alam."

"H-Huh? B-Bakit ako? Uhmm ano... ayun, humihinga pa rin naman." Kunwaring normal na pagkakasabi niya pero kilala ko ang bestfriend ko.

"Ah okay. Parang narinig ko kay Abby na naimbitahan niya." Si Harvey.

"Sino si Abby?"

"Yung kaclose ko sa photography class. Photographer na rin siya ngayon at event organizer kaya binigyan tayo ng invitation. At kung di ako nagkakamali, magpinsan ata sila ni May. Si idol pa nga ang naging tulay para magkalapit si Georgy at ang pinsan niya."

Napatango ako sa ikinwento ni Harvey at tumingin kay Keith.

"Mabuti naman kung ganon para maging masaya na rin si Georgy. Pero ewan ko lang kung may magagalit." Parinig ko, pinipigilan ko lang tumawa.

"Magagalit? Bakit may magagalit? Gusto lang naman sumaya ng tao."

Nagkibit-balikat lang ako. Wala talagang kaalam-alam 'tong mokong na 'to. Tahimik lang si Keith pero tinitingnan ako ng masama sabay bumulong ng... "Hindi ako nagseselos."

"Wala naman akong sinabing ganun." Bulong ko pabalik. Inirapan lang ako. Kahit kailan talaga! Bahala siya sa buhay niya. Torpe na nga, in denial pa!

Pagkadating namin ng event place, isa-isang pumapasok na ang mga bisita. Ipinark ni Harvey ang kotse niya at nauna sila ni Keith maglakad sa red carpet. Sosyal ha.

Medyo nasisilaw naman ako dahil kanina pa todo kuha ng pictures 'tong mga press sa bawat dadaan. Well ano pa nga ba, trabaho nila yan.

Nagsimula akong maglakad sa red carpet at syempre di mawawala ang ngiti ko.

Nakuha ang atensyon ko sa lalaking sumigaw.

"Ang ganda mo Ms. Constantino!"

Napatingin ako sa kaniya. Bwiset talaga! Wala bang magawa 'tong dalawang 'to?

My Dream, Her Imagination (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon