A/N: Update ulit ako mga babes! Padami nang padami ang notifications ko every week. Thank you pala sa pag-a-add ng story na 'to sa reading lists niyo. I appreciate that much. At pati na rin yung nagvote, kahit apat pa lang in all, okay lang. Hindi naman kasi ako yung author na nagdedemand muna ng maraming votes para mabigyan ko kayo ng update, basta nakikita ko lang na madami ang nagbabasa, okay na ko dun!
At lagi kong sinasabi, enjoy!
****
ALLISON'S POV
Hindi ko alam kung bakit distant sakin ngayon si doc. At sakin pa ha!
"Keith, sabayan mo nalang si Allison. Una ko, hintayin ko nalang kayo sa kotse." Sabi ni mama na hawak hawak na ang mga bag na laman nun ay mga damit ko at ibang mga bagay.
"Ako na po ang bahala Tita." Sagot naman ng bruha. Aba, bumait ata ngayon! Ako aalalayan niya? Hindi pa nagawa ni Keith Velasco yun. Ngayon lang na nandito si---ohmygod! Inlove ba tong babaeng to sa magandang doctor ko? Oh well, sa ganda ba naman ni May. Ako nga rin.... na... nagagandahan!
"Mauna na din ako." Speaking of, nakuu ang cute talaga niya. Sarap panggigilan!
"Sabayan mo nalang kami!"
Takang tumingin naman ang dalawa sakin nang tumaas ang boses ko. "I mean, sabayan mo nalang kami."
Wala na nga rin siyang kawala dahil nagpacute tong bespren ko. Nakuu ang landi! Porket may dimple, at may dimple din si Doc! Edi wow, sila na ang may dimples. Kaloka!
Lumabas kami ng kwarto na inaalalayan ako ng dalawa. Nagpaalam na samin si doc dahil sa ibang daan ang punta niya. Syempre malungkot ako. Di ko na ulit siya makikita.
"Ah doc, thank you ulit."
Nginitian lang niya ako at tumango. Bakit ba ayaw niya kong kausapin? Kainis tuloy!
Bago pa man kami maghiwalay ng landas - charot ang ganda ng term - may isang babae na lumapit samin, oops sa kaniya pala.
"Baby! San ka galing? Kanina pa kita hinahanap eh!" Maarteng sabi nito.
Akala ko ba single siya? Eh ano 'to? Sino 'to?
"Please Trix, don't make a scene." Bulong niya sa babaeng haliparot pero rinig na rinig namin.
"Bakit hindi mo sinsagot ang mga tawag ko?" Nakapout ng sabi ng higad. Kala niya cute siya! Mukha niya parang scotch bride na pagkuskos sa uling.
"Ah dahil nablock na kita?" Patanong na sagot ni May. Tumawa lang naman 'tong katabi ko na parang nasisiyahan sa napapanuod.
"Namimiss na kita ng sobra!" Maarteng sabi ulit nito. Sarap talagang paliguan ng mainit na suka!
"Nakakamatay ang sobra." Parinig ko. Mahiya naman siya! Andito kami oh!
At sa inaasahan, lumingon nga ito samin.
"Baby, may balak ka bang ipakilala sa maganda mong girlfriend ang mga taong nasa harapan natin?" Tsaka inangkala ang braso nito kay May.
Kinuha naman agad niya ang braso nito na nakayapos sa kaniya. "Hindi kita girlfriend. Tigilan mo na ko!" Inis pa na sabi ni May.
"Ako ang girlfriend mo!"
"Bwisit! Pwede ba! Slow ka ba para hindi maintindihan ang sinabi ko 4 months ago na break na tayo!? Wala na! Maawa ka naman sa sarili mo, paulit-ulit ka nalang nagpapakatanga!"
Kung ako siguro ang pinagsabihan nun, umiyak na ko. Pero buti nga sa babaeng 'to, pero inferview kay ate, hindi tumalab ang mga sinabi ni May!
"Nagkamali ako nun! Sorry! Bumalik ka na sakin."
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...
