Chap 4: Ang boses niya

5K 152 0
                                        


A/N: Okiee dokiee guys, POV naman ni May, yung nangyari sa room 167.

Kung sinong gustong magpadedicate diyan para sa susunod na chapters. magcomment nalang kayo ^.^

Hihi. Enjoy!

***

MAY'S POV

Nagising ako nang marinig ang ring ng cellphone ko. Tinignan ko ang oras sa wall clock, wala pang dalawang oras ang tulog ko. At sino ba 'tong tawag ng tawag?

Georgy calling...

Tamad akong sinagot ang tawag niya.
"Low?"

"Salamat at nagising ka na rin." Tapos nagpakawala siya ng buntong-hininga.

"Huh? Bakit?"

"Wala lang, kanina pa kaya ako tawag ng tawag sayo."

Chineck ko ulit cellphone ko. Ayun 8 missed calls nga.

"May importante ka bang sasabihin?"

"Hmm...wala naman."

"Wala naman pala, nanggigising--"

"Maliban sa balitang nagising na ang favorite patient mo."

Roll eyes. Eh ano naman? Wait, sino pala ang favorite patient ko ngayon?

"Nagising na?"

"Yup."

"Sigurado ka?"

"Oo nga eh. Paulit-ulit lang?"

"Ah hehe. So kamusta naman lagay niya?" Tanong ko habang nagmamadaling bumangon.

"Okay naman siya. Konti nalang ang pananakit ng ulo, namamanhid pa ang kaliwang binti at di na gaanong mahapdi ang mga minor wounds."

"Ah okay. Punta na ko diyan." Sabi ko at agad na tinapos ang tawag. Nagtoothbrush na ko at naghilamos.

Pagdating sa kwarto, hindi na ko nag-aksaya ng oras, nagbihis ako kaagad.

Halos ilipad ko na ang kotse ko papuntang ospital. Bahala na habulin ng mga pulis.

Wait, bakit ba ko nagmamadali? Pasyente lang naman siya diba? Ordinaryong pasyente gaya ng iba.

Pero maganda.

Aish, nakakabaliw na 'to!

Binagalan ko na ang takbo ng kotse ko at nakadating din naman sa hospital. Binati ako ng mga nurse tuwing nadadaanan ko ang mga stations nila. Ganun ako kasikat.

Natigilan muna ako sa tapat ng pinto ng room 167. Okay, ba't ako kinakabahan? Bahala na.

Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko naman si Georgy na papalabas na.

"Wow doc ha, ang bilis mo. Kakatawag ko palang, andito ka na agad. Di ka naman ganyan sa mga pasyente mo." nakangiting sabi ni Georgina.

"Masama bang bisitahin ang pasyente? Oy Georgy, kung ano-anong maling iniisip mo diyan. Doctor ako, obligasyon ko yun." Sagot ko naman, which is truelala.

"Opo Doc. Naiintindihan ko naman ang PASSION mo sa trabaho mo. Haha, ganyan na ganyan ka sa mga pasyente mo eh no!" Pasarkastikong sabi naman niya. Gusto ko ngang batukan eh.

"Aish. Tumahimik ka. Samahan mo nalang ako." Hinila ko na siya at lumapit sa magandang pasyente ko.

Bakit nakapikit pa 'to? Akala ko ba gising na?

Tumingin ako kay Georgy.

"Sigurado ka bang nagising na 'to o pinaglalaruan mo lang ako?" Bulong ko.

My Dream, Her Imagination (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon