Chap 8: Nababaliw

3.6K 98 3
                                        


MAY'S POV

Naghabol ako ng hininga ko. Di ko nga alam kung bakit. Parang dahil sa takot.

Napatingin ako sa paligid ko. Nasa kotse pa rin ako.

Chineck ko ang damit ko. Ito pa rin naman ang damit ko simula nung magbihis ako. Tumingin ako sa salamin at chineck ang mga mata ko. Nagcheck rin ako ng pulse rate ko.

Patay na ba ako??

Napatingin ako sa labas. What the...

Batangas na 'to!

P-Pano ako napunta dito?

Napansin kong nandito na nga ako sa harap ng hacienda ng Mama at Papa ko.

Ano bang nangyayari sakin?

Pumikit ulit ako, di ko namalayang naluluha na pala ako.

Nababaliw na ba ako?

Pano ang pamilya ko? Ang career ko? Pano na ang image ko?

Mababasa nalang sa dyaryo at maririnig sa TV,

'Almost perfect Doctor of Lajarian Hospital, nabaliw!'

O di kaya...

'Philippine most gorgeous doctor, Melissa Pontiveros, nabaliw kaya nagsuicide'

Magluluksa talaga ang mga lalaki pati mga babae sa pagkawala ko! Ayokong mabaliw! Ayokong mamatay!

"Huy! Ang OA mo naman!"

Napatingin agad ako sa taong nagsalita. Panira ng moment! Nakaupo siya sa passenger's seat at maayos ang porma.

"Sino ka?" Tanong ko.

Tinanggal niya muna ang shades niya. Aba may paganun-ganun effect pa siya!

"You don't know me, Miss."

Aba may saltik sa ulo na talaga 'to!

"Kaya nga tinatanong ka! Anong karapatan mong pumasok sa kotse ko! Hindi kita kilala gago ka! Kung mangtritrip ka, wala ako sa mood! Layas!!!"

Biglang lumungkot ang mukha niya. "Grabe ka naman. Pwede kumalma muna?"

Huminga ako ng malalim. Siguro nga tama siya. "What?"

"Miss, wag masyadong magsungit, mas lalong nagiging cute ka eh."

Makapagsalita 'to!

"I know, right?"

Tumawa siya. Naparoll-eyes nalang ako.

"Ikaw nga talaga yan. Nagtutugma dun sa nakasulat sa libro."

"Hoy lalaki ka! Kung may ibinibenta kang libro o iniimbitahan ako sa ibang relihiyon, sorry nalang, hindi ako interesado!"

Napailing nalang siya. "Ako si Hypnos." Seryosong sabi niya.

"Hypnos? Pangalan ba yun?"

"Yup. Pangalan yun. Kakasabi ko palang ng pangalan ko, diba?"

Suminghal ako na may kasamang pagtaas ng isang dulo ng nguso ko. "So anong ginagawa mo dito? Bakit nga pala kita kinakausap?"

Nagkibit-balikat lang siya. Loko to ah! Sinamaan ko siya ng tingin.

"Look Melissa, kai---"

"Bakit mo alam pangalan ko bukod sa pagiging pinakamaganda at pinakacute na babae sa buong Pilipinas?"

"Wow, self-proclaim. Proud ka talaga sa sarili mo no?!"

"Talaga lang."

"Tss. Basta, ikwekwento ko nalang lahat."

My Dream, Her Imagination (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon