MAY'S POV
Naguguluhan akong bumalik sa pwesto namin ni Trix. Di ko maintindihan ang sinabi ni Allison. Oo alam kong mali ako. She felt used. Pero nadoblehan din ang kasalanan ko. Ayoko naman kasing ipagpatuloy ang panloloko sa girlfriend ko. At ngayon na andito na siya sa tabi ko...
"Ang tagal mo naman, May."
Napangiti nalang ako. "Sorry. Kain na tayo."
Di ko mapigilang magtaka. Pano ko naging gf si Trix? Nung una kasi galit ako sa kaniya dahil lagi lang akong binibwiset pero naglaho yun nang magpaliwanag siya sakin. Siya pala ang niligawan ko na umabot ng isang linggo and we started again. Naniwala ako dahil yun din ang sabi ng mga nurse. Siya nga ang girlfriend ko pero ang isa ko pang pinagtataka, hindi ko man lang nararamdaman na mahal ko siya. Pero di bale na, naninibago lang ata ako.
"Babe, I asked dad for your leave."
"Huh? Bakit naman?" Gulat na tanong ko.
"Eeeehhh gusto kitang masolo this weekend. Punta tayo ng Boracay. Isama mo ang family mo."
Nanlaki ang mga mata ko at nabilaukan sa sinabi niya. What?!?
"Okay ka lang? Water oh..." tinabihan niya ako at inabot ang isang basong tubig.
Umuubo pa rin ako. Pinilit kong uminom para naman matanggal na ang nakabara sa lalamunan ko.
"Okay ka na?"
Tumango nalang ako. Naghahabol hininga rin.
"Aww ang cute. Namumula ka." Sabay kurot niya sa pisngi ko.
At ito na naman ang weird kong nararamdaman. Alam kong may taong nanggigil na sakin ng ganun pero hindi mukha niya ang naaalala ko. Iba. At malabo.
"Uhmm pwede next time nalang sila Papa? Di ko pa kasi nasasabi ang tungkol satin." I told her honestly.
"Okay! Basta punta tayo dun. Ako na ang mag-aasikaso ng lahat." Masayang sabi niya. Tumango nalang ako at ipinagpatuloy na ang pagkain.
Palagi akong umuusod dahil napakaclingy niya. Kanina pa yakap yakap ang braso ko halos di na ko makakain.
Ano ba ang nagustuhan ko sa babaeng 'to in the first place?
Umuwi na ko ng condo pagkatapos ng dinner namin at paghatid kay Trix sa kanila.
Inayos ko ang kama ko at humiga. Finally. Pagkatapos ng araw na puno ng di ko maintindihan na pangyayari, makakapagpahinga na din ako.
"Allison...." nasambit ko ang pangalan niya nang maalala ang kanina. Sobra siyang nasaktan nang maipakilala ko si Trix at nakaramdam ako ng matinding guilt nang makita ko siya sa restroom.
"Thank you for using me. Thank you for everything. Alam kong di na maibabalik sa dati ang lahat. I'm letting you go. I'm giving you up. Sorry... di na kita kayang ipaglaban pa. But I will wait. Wait until you remember everything. Wait until it takes me a lifetime. Wait hanggang makita mo na ang totoo. I'll try to live my life without you. At sana itong ang mga sinasabi ko sa oras na 'to ay di mo makalimutan. Bye Melissa."
Bakit... anong hindi na maibabalik ang dati? Anong ibig niyang sabihin na nile-let go niya ako? At anong maghihintay siya? Maghihintay siya saan? Na may maalala ako? Ano naman ang aalalanin ko? Eh ngayon ko lang naman siya nakilala! At bakit siya nagkakaganun? Bakit---
"Arrrggghhh! Mababaliw na ko neto! Ayoko na!!!" Sigaw ko at paulit-ulit na hinampas ang ulo ng unan.
Pinagmamasdan ko lang ang kwarto ko pero parang naninibago ako.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...