MAY'S POV
"Ang tagal ng oras no, May?" Pang-aasar ni Georgy. Nandito ako sa nurse station na pinakamalapit sa room 167 at nakatitig sa wall clock. Ang bagal naman ng mga kamay nito!
10:45 PM na. Ugh. Ba't ang tagal mag 11??
"Huy!" Sabay kurot niya sa tagiliran ko.
"Ano ba!" Inis na sabi ko.
Tinabihan niya ko habang inaayos ang mga pang-inject na gamot. "Baka naman kasi yung pasyente sa room 167 lang ang inaatupag mo. Paalala lang, marami kang pasyente Doctora Pontiveros!"
"Wag kang sumigaw, pwede ba! Inasikaso ko na yun. Wala na kong ibang trabaho." sagot ko na nakatingin pa rin sa wall clock.
"Baby ko!"
Nagkatinginan kami ni Georgy nang marinig ang boses na yun. Bwisit!
Nawala na ang tingin ko sa orasan dahil hinila ako ng babaeng 'to at niyakap. Nakakabwisit talaga!
"Baby, baka matunaw yang orasan. Nagseselos ako." Sabi ni Trixie at nagpout pa.
Tinanggal ko ang kamay niyang nakakapit sa likod ko at hinarap siya.
"Tigilan mo na ko. Please lang. Matagal nang wala tayo. Sinimulan mo, winakasan mo na rin. Kaya wag ka nang magsayang ng oras sakin. Wala kang mapapala."
"Mahal pa kita baby." Maiyak-iyak na sabi niya.
"Pwes, kalimutan mo." Sabi ko at umalis na. Sumunod naman sakin si Georgy dala ang medical kit niya.
Sinabayan niya ako sa paglalakad. "Bakit ba ang bobo niya? Sinabing tigilan na ko." Pamomroblema ko.
"Kumalma ka na. Iiwasan ka rin nun pag makahanap ng bago."
"Psh. Anong oras na ba?" Tinignan ko wristwatch ko at napangiti. "11 na. Dalian mo." sabi ko at patakbo na pumunta ng room 167.
Narinig ko naman siyang nagsalita. "Ganyan talaga ang mga inlove, eh no?"
Napangiti nalang ulit ako. Di kaya ako inlove. Di pa.
Dahil nahihiya akong buksan ang pinto, si Georgy ang inutusan ko. Tapos narinig ko pa siyang sinabihan ako ng duwag. Wow lang ha.
Pagkapasok namin, nandun ang nanay ng pasyente, nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv pero parang antok na rin. Eleven pm na kaya! Nginitian naman kami nito at ganun din kami.
Ginawa na ni Georgy ang trabaho niya. Natutulog naman kasi itong pasyente ko.
Then bigla-biglang may pumasok sa isip ko...
"Hi." Sabi ko sa magandang babae na nakabangga sakin sa mall. Nandito ako ngayon, nagro-grocery. Actually, ito ang pinakaayaw ko gawin, pero dahil wala nang laman ang ref at kitchen cabinet ko, eto ako ngayon. At pag siniswerte nga naman, nagkita ulit kami nitong crush ko na masungit.
Nginitian lang niya ako na parang nahihiyang magsalita. May dala rin siyang malaking cart at nandito kami ngayon sa girl stuffs' section. Alam niyo na... napkin, sabon, shampoo, lotions. Sa dinami-dami ng places, ba't dito pa?
Nakita kong inilagay niya sa cart ang isang branded na sabon. Ah kaya pala maputi siya.
"Yan pala sikreto mo." Sabi ko. Napatingin ulit siya sakin at nauna na. "Ay snob." Parinig ko, di ko nga alam kung ba't parang masaya pa ko.
Baka dahil sa pagkikita ulit namin.
"Ako ba ang pinaparinggan mo?" masungit na tanong niya.
Nagkibit-balikat lang ako. "Narinig niyo po?" Sabay pigil ng tawa ko.
Sinamaan lang niya ako ng tingin. "Ano bang trabaho mo?"
Dahil dun, napangiti ako. Curious siya.
"Doctor."
"Ah ganun ba, sorry, hindi ko kasi nakikita ang pagiging professional mo."
Ouch.
Grabe naman pala 'tong babae na 'to. Ayoko na.
"Thank you sa compliment, ma'am." sabi ko at pilit na ngumiti. Masakit eh.
Tumalikod na ko at mabilis na naglakad habang tinutulak ang pesteng cart. Oo, dito ko binubuhos ang inis ko. Tsaka nadisappoint din ako, kala ko pa naman maganda ang ugali.
Natapos nalang ako sa paggro-grocery, eto badtrip pa rin. Nakasakit kasi yung sinabi niya. Di niya alam kung gano ako naghirap para lang sa inaasam na pangarap kong 'to! Hindi kaya biro ang mag-aral for so many fvcking years!
Nakuha ang atensyon ko sa taong naglagay ng ice cream sa table ko. Nandito ako ngayon sa isang kainan, syempre mag-isa. Nang tumingala ako, nakita ko siya. Siya as in siya. Yung babaeng nang-insulto sakin tungkol sa profession ko.
Inilagay niya sa table ko ang tray na may laman ng pagkain niya at umupo siya sa upuang nasa harap ko. So face to face na kami ngayon.
Nakayuko lang siya habang hawak-hawak pa rin ang ice cream pero iniaabot sakin.
"S-Sorry."
Napangiti ako. Wala na. Ganun lang kadali, nawala na agad ang kabadtripan ko. "Okay na yun."
"Hindi okay yun." Nakayuko pa rin siya.
Hinawakan ko ang chin niya at iniangat ang ulo niya.
"Wag kang mag-alala. Hindi kita ipapakulong." Matawa-tawang sabi ko. Natawa rin siya.
"Basta peace offering ko, ice cream."
Natawa ulit ako habang tumitingin sa ice cream. "Well miss, kung peace offering lang naman, hindi ako makukuntento sa ganyan kaliit."
"Ang takaw."
"Haha. Mali ka kasi ng pili, favorite ko yan."
Napailing nalang siya.
At pagkatapos ng kaek-ekan namin, sabay na kaming kumain habang nagkukwentuhan.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...
