A/N: Sa nagpromote ng istorya nila Melissa at Allison, I dedicate this to you, lovey dovey!
****
MAY'S POV
"Wala ka bang balak magpakita ngayon sa girlfriend mo?"
Napalingon agad ako sa kaniya na kakalabas palang ng banyo at nakatapis. Nagsisipatakan pa ang tubig galing sa basa niyang buhok.
Napaawang ang bibig ko.
Is she seducing me?
Nagkibit-balikat lang ako. Nawala muna sa isip ko ngayon si Trix at nagi-guilty lang ako every time I say those three words, di naman talaga totoo.
"Can you stop staring at me?" Nakataas kilay pa niyang tanong.
"What?" Maang-maangan ko. Di ko maiwas ang tingin sa maganda niyang katawan.
"Tsk. Manyak."
Natawa ako ng malakas. Nilapitan ko siya at hinigit sa bewang. Hinalikan ko siya sa lips niya, sakto lang para mabitin. Hinawakan ko ang towel na bumabalot sa katawan niya at tinapon ko ito sa kama.
"Ligo ka ulit. Sabay tayo." At pilyang ngumiti sa kaniya.
Nanggigigil na ko sa tingin palang. Ang tagal ko din 'tong hinintay.
Ngumiti din siya sakin. Di talaga matatanggihan ang tulad k--
"Maligo kang mag-isa!"
Napasimangot ako nang tumalikod siya at pinulot ang towel tapos nagpunas ng katawan. Siya lang talaga ang tumatanggi sakin. Tss, ako na nga 'tong lumalapit! Si Trix nga nakailang beses na kong ayahin pero di ko pinagbigyan! Ang hirap talaga intindihin ng babaeng 'to.
"Babe..." sabay yakap ko sa likod niya. Hindi pa niya nasusuot ang sweater niya kaya malaya kong nasusubsob ang mukha ko sa batok niya. Ang bango naman. Hindi nakakaumay.
"Baby ko..." lambing ko at minasahe ng dalawang kamay ko ang flat tummy niya.
"Hmmm..." napaungol siya sa ginagawa ko. "Loko ka talaga..." sabi pa niya pero napaungol ulit.
"You're so beautiful." Pinaharap ko siya sakin at hinalik-halikan sa leeg.
"Shit!" Napasigaw siya nang kagatin ko ang balat niya sa may collar bone part.
Naputol ang make-out session namin nang may kumatok. Napalayo agad siya at akmang magsusuot na ng pang-itaas pero hinampas muna ako.
"Ano?" Takang tanong ko.
"Bakit mo ko nilagyan ng kiss mark?"
Ngumiti lang ako at binuksan ang pinto nang makitang sinuot na niya ang sweater.
"Good morning ma'am. Kunin lang namin yung pinagkainan niyo."
"Okay." Pinapasok ko na si ate at kinuha na niya ang tray at mga gamit like pinggan, kutsara at tinidor, baso at mangkok na pinaglayan ng pagkain kanina, yung pinadeliver ni Jameson.
Pagkalabas niya, nagtinginan ulit kami ni Allison. Masungit na naman.
"Wag na magalit, please?" Nilapitan ko siya at niyakap ulit, di ako magsasawang gawin 'to.
"Hindi na tuloy ako makakapagbikini mamaya."
"Wait, what? Magbibikini ka? No way."
"At bakit naman hindi?"
"Basta. Maraming makakakita." Nakakunot-noo kong saad.
"And?"
"Nothing. Nothing." Lumayo na ko at humiga ulit, tinakpan ko ang mukha ko ng unan. This is embarassing.
"So bakit mo ko nilagyan ng kiss mark?"
"Uhmm... to let them know that you're mine...?"
Napangiti lang siya at isinaksak ang blower.
"But you're not mine." Rinig kong bulong niya. Di ko nalang ipinahalata pero namroblema ako dun.
"Uhm babe?"
"Ano na naman?"
Natawa ako sa pagsusungit niya.
"May regla ka ba ngayon kaya ayaw mong makipag-ano sakin?"
"Wala ako niyan ngayon. Mainit lang talaga ang dugo ko pagdating sayo."
Napaupo agad ako at tumingin sa kaniya nang nakapout.
"Ang hot ko kasi." Sabay wiggle ng eyebrows ko.
"Ewan ko sayo. Gusto kong magswimming ngayon pero di ko na itutuloy dahil sa ginawa mo."
Napangiti lang ako at nagpacute. Malay ko bang may balak pala siyang magswimming para di ko nalagyan ng kiss mark. Ang gulo talaga niya. Kung hindi masungit at inaaway ako, maarte naman. Tsk. Pero yun din naman ang dahilan kung bakit ko siya mah--gusto...
****
"Ready babe? Kapit kung ayaw mong malaglag." Paalala ko pa at umayos kami ng upo. Sinuot ko na ang sunglasses ko at ganun din siya. Pinagmasdan ko muna siya na mahigpit nang nakapulupot ang kamay sa tyan ko. Walang kupas talaga ang kagandahan niya.
Nakabikini na kami at may suot na life jacket. Okay na din ang position namin at ready paandarin 'tong Jet Ski.
"Sige na, ang tagal mo naman." Reklamo niya pero napangiti lang ako. Hinalikan ko siya sa lips at sa leeg niya. Naalala ko tuloy yung kiss mark na nilagay ko, ngayon ay tinakpan na niya ng make-up at nagscarf kunwari. Hahaha!
"Bagalan mo!" Sigaw niya, binagalan ko naman. Natakot ata, haha.
"Eh babe, mas mabagal pa ata tayo kesa sa pagong."
"'Yaan mo na kesa naman yung nakikipagkarera na wala namang kalaban."
Tinawanan ko lang siya at binilisan ang takbo. Hinampas lang niya ako pero I'm sensing na gusto din niya.
At nga pala, yung gf ko... pinaareglo ko lang muna kay Jameson. Bahala siya kung aangkinin niya, mabuti nga yun.
"That was fun." Sabi ni Allison pagkababa namin. Higit isang oras din kaming nasa dagat. Ngumiti lang ako at hinalikan siya sa noo niya.
"I--"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may humila sakin papalayo sa kaniya. Napatingin ako sa kamay na mahigpit na nakahawak sa wrist ko at nung tumingala ako, napalunok ako ng ilang beses dahil sa kaba.
"It's me, May. Why are you with her?" Turo nito at masamang nakatingin pa kay Alli.
"Ha?" Sobra akong kabado ngayon. Hindi ko inexpect na sa mga sandaling 'to mahuhuli ako ng girlfriend ko.
"Let's go." Hinila niya ulit ako. We passed by Jameson at bumulong lang siya ng sorry. Nakuha ko pang tumingin ako kay Allison kahit na kinakaladkad ni Trix. She looks so sad. Only sad. Kita sa kaniya na parang alam na niyang mangyayari ang ganito.
Sorry, Allison.
Sorry, Trixie.
Di ko alam kung ano ang nangyayari sakin.
I'm happy with Allison. Kahit wala siyang ibang ginawa kundi ang magsungit, napapangiti pa rin ako. Pero mali ito. Maling-mali.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...
