Chap 34: Fall in love for the 2nd time

2.1K 62 6
                                        


MAY'S POV

"Uy bes! Hintay!"

Napalingon agad ako sa humihingal na Georgina. Papunta ako ngayon sa station makikitambay muna, wala pa naman akong inaasikaso.

"Grabe ka. Ang bingi mo. Kanina pa ko nagsisisigaw at hinahabol ka."

"Huh? Ay sorry, may iniisip lang."

Napangiti naman ako nang maalala na naman ang kagabi.

"Ang creepy mo sa ngiting yan. Ano bang meron? Sabay na ko sayo, dun din naman ang punta ko."

"Okay. Pero kagabi kasi... di ko lang maintindihan. Nakipagkita ako kay Jhack at--"

"WTF! Nakipagkita ka dun?" Gulat na tanong niya. Ano naman ang problema kung makipagkita ako? Di na siya nasanay. Ganun ako lagi.

"Di ka na nasanay sakin. Minsan nga nakikipag-ano pa ko sa iba. Pero ewan ko ba! Parang may pumigil sakin nun kahit siya na ang nagfirst move."

"Gaga ka Melissa! Ang laki ng kasalanan mo! Patawarin ka sana ni Lord!"

"Huh? Ano ka ba! Matagal ko na ngang ginagawa 'to tapos ngayon ka lang nagreklamo. Ang la---"

"F*ck you! May girlfriend ka na!"

Napahinto ako sa paglalakad at literal na nanigas. Di ko maigalaw ang katawan ko, kumakabog ng malakas ang puso ko. Feeling ko sinisira na niya ang ribcage ko.

Kahapon pa.

Kahapon pa silang ganyan. Laging sinasabi na ang swerte ko sa girlfriend ko, na sa wakas ay nagseryoso na ko. O di kaya kinakamusta 'kami'.

Sino ba talaga siya? Bakit di ko siya matandaan?

"Okay ka lang?" Hawak niya sa kamay ko.

"Bes, ang lamig mo!" Dagdag pa niya.

Hindi ko muna siya nasagot. Sino ba kasi ang girlfriend ko? Nakakaiyak dahil napakaclueless ko. At pano ako magkakagirlfriend? Ni wala nga akong sineryoso na babae.

"M-Masakit lang ang ulo ko. Uhm Georgy, kilala mo din ba ang gf ko?"

Tinignan niya ko na parang tinubuan ng dalawa pang ulo tapos tumawa nang tumawa. Umaalingawngaw ang tawa niya sa buong lobby. At yun ang di ko maintindihan. Anong mali? Nagtanong lang naman ako!

"Seryoso ka diyan? Syempre kilala ko siya! Alam ko ang love story niyo. Nandun kaya ako simula nung panliligaw mo! Wahahaha! Naniniwala na nga ako sa sinasabi ng ibang nurse na para kang tanga dahil hindi mo kilala ang gf mo."

Nanlaki naman ang mga mata ko.

"N-Nanligaw ako? What??"

"Yup. At isang linggo yun. Tapos..." at parang may inaalala pa siya.

"Pwede bang makita ang picture niya? Anong pangalan niya? Maganda ba siya?" Sunod sunod na tanong ko. Tumawa na naman ulit siya.

"Ay nako! Maganda? Sobrang ganda bes! Ang galing mong pumili. Tsaka honestly, bumilib ako sayo dahil napasagot mo siya. Ang suplada nun sayo pero hinabol-habol mo pa rin."

Napakunot noo naman ako. Ako? Naghabol ng babae? Papano nangyari yun?

"Sabihin mo na kasi! Anong pangalan niya??? Ba't di siya nagpapakita sakin?"

"Ah baka nag-away kayo tapos umaarte kang hindi mo siya kilala. But answer me, sino bang nakipagbreak?"

Tinignan ko lang siya ng masama. Wala akong alam sa pinagsasabi niya.

My Dream, Her Imagination (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon