Chap 13: Aftershock

2.7K 81 0
                                        


MAY'S POV

Kasalukuyang naglalakad ako ngayon paalis ng hospital, tapos na ang meeting eh.

Bigla naman akong hinila ni Georgina papunta sa nurse station.

Ano bang problema nito?

"May hindi ba ako nalalaman sayo Melissa?" Nakapamewang na tanong nito.

"Whut?" Pagmamaang-maangan ko.

"Ano yung kanina ha?"

"Anong kanina?"

"Yung nangyari kanina dun sa lobby?"

"Huh? Ano ba yun?" Pagmamaang-maangan ko pa rin.

"Gaga! Yung eksena niyo ni Trixie tsaka nung 'PASYENTE' mo!" Sabay air quote pa niya sa pasyente.

"Anong pinagsasabi mo? Wala naman ah."

"Umamin ka! Narinig kong pinag-usapan yun ng mga nurse. At ano yung sinasabi nilang may bago ka?"

Napasmile ako. Fresh pa rin yung halik eh. Di ko nakakalimutan.

"Bago? Wala naman."

"Magsasalita ka o ii-inject ko sayo 'tong anesthesia para tuluyang mamanhid ka na?!?" Sabi niya habang hawak na nga ang pang-inject.

Grabe talaga tong babaeng to!

"At kelan ka pa naging matapang ha?" Tayo ko naman, maasar nga.

"N-Ngayon! Ngayon ang simula! Ako ang bestfriend mo tapos ako ang huling makakaalam ng mga kaekekan sa buhay mo!"

Natawa ako ng malakas. "My dear bestie, wala lang yun. Nakita kasi ako ni Allison na nahihirapan kay Trixie kaya tinulungan niya ako. Nagpanggap lang siya na gf ko."

"Ah so kasama dun yung halik?"

Napasmile ulit ako. Bwisit! Hindi na tuloy yun mawawala sa isip ko.

Naalala ko naman si Keith. Napangiwi ako pero kelangan kong sabihin.

"Nagkita nga pala kami ni Keykey, bestfriend niya. Yung ano... yung babaeng cute na dati nating kateam sa volleyball." inisip ko ng maigi ang mga salitang sasabihin ko.

Natigilan naman siya tapos sinamaan ako ng tingin. "Hoy May, wag mong ibahin ang usapan! Magkwento ka!"

"Hindi ko iniiba ang usapan at oo, magkwekwento ako tungkol kay Keykey."

"Hindi tungkol sa bruhang yun! Yung isa, yung PASYENTE mo."

Ayan na naman po siya, caps lock sa pasyente.

"Hindi ko na siya pasyente. Nakalabas na."

"Okay, hindi pasyente. Girlfriend diba."

Naparoll-eyes nalang ako. Di talaga ako nito titigilan! At dahil wala na kong choice, ikinwento ko nalang lahat. Alam ko naman kasi yung feeling ng cluless haha.

"Di ko akalain na gagawin niya yun! Grabe naman pala, parang mas astig kung siya nalang ang maging bestfriend ko kesa sayo." Kumento nito.

"Wow ha, napalitan ako agad."

Ngumiti lang ito. "So mahal mo na?"

Nanlaki naman mga mata ko. "WTF! San galing yan? Mahal na agad? Di ba pwedeng gusto lang? Yokong umibig, duh!"

"Bakit ba ang bitter bitter mo pagdating sa pag-ibig? Kaya tuloy hindi ka binibigay ng tadhana ang taong nakalaan sayo, nagtatanim ka ng galit eh!"

"Pssh. Tignan mo yung mga nagdadrugs ngayon, yung mga krimen, yung korapsyon... nagagawa yun ng tao dahil sa pag-ibig! Dahil minsan silang nasaktan kaya wala na silang pagmamahal sa kapwa nila! In the first place, kung wala ang mga ganyang kaekekan, edi sana may sarili tayong gawain. Walang pakialaman."

My Dream, Her Imagination (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon