Chap 17: Date

2.3K 68 0
                                    


ALLISON'S POV

Bakit wala pa siya?

Chineck ko ulit yung oras, ayun eh ang aga ko naman pala.

Excited ba talaga ako?

To: May
Hi. Andito na ko sa restaurant.

Tinext ko siya na andito na ko sa meeting place namin. At bakit nga ba? Dahil may date po kami. Well, 3 days na ang nakalipas after ng kalokohan na yun.

FLASHBACK

"Oy dare na! Mauna ka Vey!" Sigaw ni Keith na parang nakalunok ng sampung microphones.

"Ikaw muna. Kasi sabi nga nila, Bitchy's first."

Agad namang dumapo ang palad ni Keith sa mukha ni Harvey.

"I deserve an explanation! I deserve an acceptable reason!"

Napapalakpak kami ni May habang humahagalpak ng tawa. Puro talaga mga kalokohan 'tong mga 'to!

"Sana maaga palang, inalam ko na kung may pagmamahal ka sakin pero wala!" Arte pa ni Keith, napatingin naman kaming dalawa ni May sa langit. Maaga pa naman ah.

Okay, waley! Haha!

"Akala mo lang wala! Pero meron! Meron! Meron!" Sagot ni Harvey.

Infairness naman rin kasi sa dalawang 'to, ang gagaling umarte.

Galit na galit ang mukha ni Keith at naghahanap ng maisasagot.

"Ay naku, balik na nga tayo sa topic!"

Natawa kaming tatlo, hindi siya nakahanap ng maisasagot!

"Hoy kayong dalawa, wag na kayong tumawa dyan! Eto na ang dare ko."

Sinunod naman namin siya.

"May, I dare you to kiss Alli."

"W-What? Seryoso ka dyan Keith?" Tanong ko, di ko naman kasi kinakaya ang dare niya.

Eh hindi naman ako ang gagawa! So anong inaarte-arte ko?

"Mukha ba kong nagbibiro?" Mataray na sabi niya. Sarap sabunutan!

"Wala namang ganyanan! Hindi nga ganun yung dare ko sa inyo ka---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang may malalambot na mga labi ang dumikit sa pisngi ko.

Oh shet.

Nung lumayo na siya, dun ko lang nailabas ang hininga na kanina ko pa pinipigilan.

Bakit niya ginawa yun?
Pano na ko haharap sa kaniya?

Hindi pa ko nakakarecover nang nagsalita na si Harvey.

"Hayaan nalang muna natin si Alli pero bantayan niyo dahil baka mawalan ng malay." Tumawa sila ni Keith pero hindi lang nagsasalita si May.

"Ang dare ko naman sayo May... Sa Saturday, magdate kayo the whole day."

Mas lalo akong nabigla. Ano bang pinapagawa samin ng dalawang 'to!

Nakita kong nagthumbs-up at ngumiti ang crush ko kaya napangiti nalang din ako. She's cute.

END OF FLASHBACK

"Inlove ka?"

Napatingin naman ako sa taong nasa harapan ko.

My Dream, Her Imagination (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon