Epilogue

2.8K 66 10
                                    


ATHENA'S POV

"Magandang araw sa iyo, mahal na reyna." Bati sakin ng dumaang lider ng isang grupo ng mga Athenian. Pinag-alayan nila ako ng mga prutas at armas para sa pakikipagdigmaan.

"Magandang araw din sa inyo. Salamat." Umalis na sila pagkasabi ko nun. Kinuha naman ng mga tauhan ko ang mga ibinigay nila.

Sa nakasanayan, andito ako ngayon nakaupo sa malaking bato, natatakpan ng anino ng olive tree, nakatusok sa lupa ang espada, katabi nito ang panangga. Wala dito ang alaga kong kuwago dahil may iniutos ako. Nakatingin lang ako sa dagat at araw na nagtatagpo.

Gaya ng dagat at araw, ganyan kami. Makita man mula sa malayo na nagtatagpo, pero kahit anong lapit mo pa di mo talaga mapapatunayan. Magkaiba sila. At kahit kailanman hindi totoong nagtatagpo ang mga ito.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo."

"Hindi ka na nasanay." Sabi ko na hindi iniiwas ang tingin sa magandang tanawin.

"Pasensya na sa nangyari sa inyo."

"Wag mo nang banggitin. Dalawang taon na ang nakalipas. At balita sakin nila Hypnos masaya na siya sa buhay niya."

"Eh ikaw masaya ka ba?"

Masaya nga ba ako?

Nakabalik na ko sa pagiging immortal ko, nagsakripisyo ako para sa kaniya, nabuhay naman siya kaya alam ko kung ano ang sagot.

"Oo naman." Nakangiting tumingin pa ko sa kaniya.

"Di mo naman kailangang magpakahirap."

"Hindi na ko naghihirap. Salamat sa pag-aalala, Ares."

Inalok niya ko ng yakap na hindi ko matanggihan. "Salamat."

Tumayo na siya. "Saka ka na magpasalamat kapag may maitulong na ako."

Naiwan akong mag-isa at nakatingin sa dagat. Nawala na si Haring Araw. Maganda pa rin ang tanawin pero ang lamig.

Tahimik lang at masaya ako dito sa mundo namin. Nagagawa ko ulit ang tungkulin ko, pinagsisilbihan ako, pero hindi ko maiwasang isipin kung ano na ang klaseng buhay mayroon siya ngayon.

Sabi ng dalawa, may anak na siya. Hayy masaya ako para sa kaniya. Hindi na importante sakin ang kaligayahan ko dahil kahit na maging posible man ang imposibleng makabalik ako dun, walang silbi pa rin dahil hindi na niya ako naaalala.


****


MAY'S POV

"Kahit anong mangyari, ikaw lang ang nasa puso ko... at dapat ako lang din ang nandiyan...."


Napakamot ako sa tenga ko. Nakikiliti ako.

"Mommy!"

Nagising ako mula sa isang napakasayang panaginip dahil sa pangingiliti ni Clyde.


Ngunit hanggang panaginip nalang ang lahat.


"Mommy's still asleep. Why are you so early?" Tanong ko habang kinukusot-kusot ang mga mata. Tamad pa kong bumangon.

"Mommy! Ish yowrd bighfdweyt!"

Natawa ako ng mahina. He's so cute.

"Repeat it for mommy."

Nagpout siya at nagcross-arms. Ang suplado naman. Mana sakin.

My Dream, Her Imagination (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon