ALLI'S POV
"Basta peace offering ko, ice cream." Sabi ko habang tinutulak pa palapit ang ice cream sa kaniya.
"Well miss, kung ganyan lang naman ang peace offering mo, hindi ako makukuntento sa ganyan kaliit."
I mentally rolled my eyes. "Ang takaw."
"Haha. Mali ka kasi ng pili, favorite ko yan."
Napailing ako. Iba rin pala ang babaeng 'to. Naisahan talaga ako.
Nagpakilala ako sa kaniya at ganun din siya. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano hanggang may naramdaman akong gumagalaw.
Naimulat ko ang mga mata ko. Jeez. Nanaginip na naman ako. At yung doctor ko pa ha!
Napatingin ako sa side ko, natamaan pala ni ate Georgina ang kumot ko dahil may kung anong ininject siya tapos nung pagkatingin ko sa harap...
Nakatayo ang doctor ko at nakatingin sakin tapos parang ang lalim ng iniisip. Nang mapansin niya ako, agad namang naging weird ang mukha niya.
Hala bakit? Nagsleep talking ba ko kanina?
Bumasag sa titigan namin ni doc si ate nurse.
"Tapos na ko doc. Ikaw?"
Napansin kong namula si doc. Ano na naman ang nangyayari dito? Kanina, nakatulala siya at nung inasar ni ate, namula. Pati ba naman ngayon?
Weirdo na tuloy ang pagkakakilala ko sa kaniya.
At pati sa sarili ko, weirdo na ang pagkakakilala ko. Bakit ko nga ba siya napapanaginipan? Bakit parang magkadugtong ang mas naunang panaginip ko at yung ngayon lang?
Hindi ko na narinig ang pinag-usapan ng dalawa dahil sobrang nalulunod na ko sa kakaisip kung ano ba 'tong nangyayari sakin.
"Hindi maganda ang sobrang pag-iisip para diyan sa kalagayan mo."
Napalingon ako kaagad sa kaniya. Nakaalis na si Ate Georgina at nakaupo naman siya sa plastic chair na katabi ng kama ko.
"Sorry doc."
Napatango siya. "So what are you feeling?"
Nagagandahan sayo.
"O-Okay na, I'm feeling better."
"Hmm... by the way, naistorbo ko ba ang tulog mo?"
"Nope."
Ikaw din lang naman ang napanaginipan ko.
"Ang bait nga pala ng mama mo." Sabi niya tapos tumingin kay mama na natutulog na.
"Di kaya. Pakialamera at madaldal yan."
"Di naman. Ang bait kaya. One time nung binisita kita, inimbita niya akong kumain dito." Matawa-tawa na sabi niya tapos may inaalala.
"Yung pagbisita mo ba... gising na ko nun?"
Nag-isip isip muna siya. Yun bang nakalagay sa chin niya ang thumb at pointing finger niya, well... ang cute lang. Para siyang bata.
Oh God Alli, did you just say she's cute?
OA? OA? Hindi ko sinabi, nasa isip lang.
"Ah!"
Nagulat naman si ako sa kaniya. Grabe 'tong doctor ko.
"Hindi ka pa gising nun eh." Tapos tumawa siya na parang timang. Anyare?
"Ah doc, anong nakakatawa?"
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...