Chap 32: Melissa

1.9K 60 0
                                        


ALLI'S POV

"Bye Mom."

"Okay, ingat ka."

Humalik na ko sa pisngi niya at lumabas na ng bahay.

Una kong naramdaman ay ang pagdapo ng sikat ng araw sa balat ko. So natural. Namiss ko 'to.

Nagplano akong magjogging ngayon pero parang gusto kong maglakad-lakad muna. Kanina pa sana yun pero late ako ng gising kaya naabutan ko na ang araw.

Nakakailang hakbang palang ako, nararamdaman kong may sumusunod sakin. O baka guni-guni ko lang yun.

Nabigla ako nang may humawak sa braso ko. Agad akong tumalikod at humarap sa taong yun.

Walang pasabi, sinuntok ko siya sa mukha, baka nga natamaan ko ang ilong niya dahil dumugo agad.

"Fucking shit!" Mura nito habang hinahawakan ang ilong.

Tumingin ako sa kasama nito. Parang pamilyar siya. Tinignan ko ulit ang matangkad na lalaking sinuntok ko. Pamilyar din siya.

Pamilyar silang dalawa sakin. San ko nga ba sila nakita?

"Sabihin mo na ang lahat. Wag na tayong maglihim sa kaniya." Utos ng lalaking dumudugo ang ilong sa kasama niya.

"Siguro nga panahon na. Ako si Cupid, siya si Hypnos."

Medyo natawa ako sa mga pangalan nila. Medyo mababait naman pero parang niloloko ako ng mga 'to.

"Allison." Sabay shakehands ko kay Cupid kuno.

"Hindi. Ikaw si Athena." Singit nung isa, Hypnos ata ang pangalan.

"Excuse me? I'm Allison Constantino... hindi ..."

Nagulat ako nakipagshakehands siya sakin.

Biglang naging malabo ang paligid at nangmanhid ako. Unti-unti akong kinakain ng dilim. Narinig ko pa ang pinag-usapan nila bago ako mawalan ng malay.

"Binura mo na?"

"Hindi. Ipinaalala ko na kung sino talaga siya. Kailangan na din niyang malaman."

****

Humihingal at pinagpapawisan kong iminulat ang mga mata ko.

Totoo ba ang lahat? Ako ba talaga si Athena?

"Buti naman at gising ka na."

Napalingon ako sa nagsalita.

"Hypnos!"

"Athena!" Masayang sabi niya at niyakap pa ko ng mahigpit. Itinulak ko naman agad.

"May kasalanan ka." Sabi ko habang bumabangon sa kama. Nandito pala kami sa kwarto ko, kwarto ni Allison.

"Ano?"

"Bakit mo binura ang alaala ng girlfriend ko?"

"Uy... pati pala yun tumatak sa isip mo."

"Oo. Kaya ibalik mo ang alaala niya."

"Hindi ko magagawa yun." Malungkot na sabi niya.

"At bakit?"

"Athena... alam mo naman na hindi ko kayang ibalik ang alaala ng mga mortal kapag nabura na."

"Dapat kasi hinintay niyo muna ang hatol ng libro."

"Si Cupid ang may kasalanan. Hindi ako!"

I rolled my eyes at this weirdo.

"Asan na ang isang yun?"

My Dream, Her Imagination (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon