Chap 38: Girlfriend

2.4K 47 0
                                        


MAY'S POV

Maaga akong umalis ng condo. Iniwanan ko lang si Allison ng note at damit pangpalit niya. Something inside me feels such guilt. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Okay naman kagabi ah... pero kaninang umaga sumagi sa isip ko ang sinasabing nilang gf ko. Sino naman siya? Nakakaguilty kasi hindi ko pa nga siya nakikilala, I already cheated on her.

Hayyysss.

Bakit ba kasi walang nagsasabi sakin kung sino talaga siya? O kung gf ko man, dapat nilapitan na niya ako. Gulong-gulo na ang isip ko. Ayoko na.

Pumunta ako ng station nila Georgy, I badly need answers. Siya lang ang makakapagpaliwanag kung sinabi niyang nasaksihan man niya ang love story namin.

"Nurse Din, where's George?"

"Hindi mo alam, Doc May?"

"Huh? May dapat ba akong nalaman?" Kunot noo kong tanong.

"Nagpaalam na kaya siya samin. Nagleave siya for a week. Bibisitahin daw ang family niya sa China."

Napatango nalang ako. Knowing Georgy, miss na din niya family niya. Her dad is a half-Chinese and half-Filipino kaya may dugong intsik din ang bestfriend ko. Ang pagiging singkit niya ang dahilan kung bakit kami naging besties. I once teased her kasi nadapa siya sa harapan ko nung high school kami. Sinabihan ko siyang magpasurgery para lumaki namin ang paningin niya at sinabihan din niya akong maligo dahil ang baho ko daw. The heck! Eh katatapos palang namin nun ng magvolleyball!

Napailing ako. Madalas na kong magreminisce ng past ko. Ano kayang nakain ko? Wala naman akong nakain except sa ano ni Allison. Shit! Stop it, May! Ano ba 'tong naiisip ko!

Napatingin ako sa reflection ko sa glass door ng laboratory room. Namumula ng bahagya ang pisngi ko. Naririnig ko na naman ang mga ungol niya.

Damn. I am sexually attracted to her. Pero grasya na yung lumalapit sakin eh!

Nakapikit kong tinampal ang noo ko. Magtigil ka Melissa! Diba may gf ka na?!

Oo nga, pero asan ba siya?

Nawawala.

I sighed at tumingin ulit sa dinadaanan ko.

Allison is not like any other girls that I took for granted. She's different. Pero sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya kanina, sigurong ganun ang iisipin nun. Bahala na. Kailangan ko munang magpahinga sa mga ganyan kaya inabala ko na ang sarili ko sa trabaho.


*****

ALLISON'S POV

I blinked once, then one more time. I'm not at home. I'm at May's room. Nagflashback agad sa isip ko ang nangyari kagabi. Well, that was our second time pero sa kaniya first time sakin. Hayys, kelan kaya niya ako maaalala?

Mabilis akong naligo at naghanap ng kaniyang damit sa closet niya. I have the right, girlfriend niya ko.

Girlfriend nga ba?

Bumuntong hininga ako. Nakita ko ang jeans at white polo shirt with undergarments na nakatupi sa side table, may kasama pang note.

Goodmorning. By the time you're reading this, I'm already at work. I bought your clothes. Thank you for last night. Have a nice day.

-May

So yun lang ang sasabihin niya kagabi? Thank you? Ugh I can't believe this! Hindi niya pa rin ako naaalala!

Umuwi muna ako ng bahay pagkatapos maglinis ng konti sa unit ni May. Ang kalat eh, parang di bagay sa pagkababae niya.

Naabutan ko si Mommy at Daddy sa terrace. Sinusubuan ni Mommy si Daddy ng cake habang busy na busy ito sa laptop niya. Trabaho pa rin pero di pa rin naglalaho ang sweetness ng dalawa kahit medyo tumatanda na. Di nga lang halata sa mga mukha nila.

My Dream, Her Imagination (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon