ALLI'S POV
"I'm really sorry. Nakawala siya tap---" I put my index finger sa harap ni Jameson.
I sighed in defeat. "It's okay. I knew this gonna happen. Thank you for welcoming me in your resort. Uhm, can I ride the last minute boat. Gusto ko nang umuwi. Pakisabi nalang din kay May." Sabi ko na medyo maluha-luha.
"Sure. Ako na ang mag-aasikaso." Malungkot na sabi niya. Di dapat siya nadadamay dito.
Tumango ako at naglakad na pero bago pa man ako makalayo, niyakap niya ako. Dun ko lang pinakawalan ang mga luha ko.
"B-Bakit ganito ang tadhana? I *sob* am her girlfriend. Pero *sob* iba ang kinikilala *sob* niya. D--"
"Sshh. Everything will be okay."
"D-Dapat naaalala na niya ako ngayon." Kumalas ako sa yakap niya. "Sorry, nadamay ka pa sa katangahan kong 'to. Mag-iimpake lang ako. Thank you ulit."
"No problem. Hintayin nalang kita dun sa barko."
Ngumiti ako at naglakad na palayo. Lutang ako habang naglalakad sa hallway papuntang room ko. Di pa ako nakakadaan sa room nila May, nakita kong bumukas sarado ang kanilang pinto pero wala namang lumalabas. I shut my eyes roughly close at iminulat ulit. May nakita akong pigura ng babae. Nagtago agad ako para hindi makita. I know she's invisible pero nakikita ko ang katawan niyang gumagalaw. Malabo ang iba maging ang mukha pero klarong-klaro ang pigura pambabae.
Naglakad na siya palayo, or should I say, biglang nawala. N-nagteleport ba siya?
Isa lang ang ibig sabihin nito. May ibang immortal na nakapasok sa mundo ng mga tao. At itong immortal din ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng 'to, kung ano ang nangyayari kay May.
****
"Hi, 'Thena!" Bati ni Kupido pagkadating ko ng bahay. Mom and Dad were in New York by now. Well, doing their honeymoon for 30th anniversary. I should be going too, spending my rest time pero di ko naman kayang iwan si May kasama ang mang-aagaw na yun.
"Hello, Cupid. Asan si Hypnos?" Ngumuso siya sa isang sulok at nakita ko dun si Hypnos na nakahiga sa ere, cool na nakalutang as ever.
Nilapitan ko siya. Sinundot ko siya sa braso, nabigla naman ito at biglang nahulog. Bakas sa mukha niya ang sakit.
"Ay sorry!" Gulat din na sabi ko.
"Athena naman..." kunot-noo nitong sabi habang tumatayo at hawak hawak ang pwet.
Wala kaming ibang narinig kundi ang tawa ni Cupid na umaalingawngaw sa buong bahay.
Tinignan ng masama ni Hypnos si Kupido pero hindi ito natinag sa kakatawa kaya ako na ang sumaway, mag-aaway na naman 'to panigurado. Iniwan ko muna sila at nagpahinga sa kwarto ko. Nakakapagod.
After ng 20 minutes na rest, naligo na ko at nagbihis ng pangbahay. Gabi na rin at may kailangan pa kong gawin.
Naabutan kong kumakain ang dalawa sa kusina. Wala naman talaga silang ibang magawa kundi ang kumain at mag-away. Si Hypnos nilalantakan ang siopao, si Cupid naman, adik na sa pizza. Ewan ko kung pang-ilang super large box na niya yan. Nagpaluto na din ako kela yaya ng makakain. Okay na ko sa buttered chicken at kanin. And the thought na chicken ang ulam ko makes me smile ear to ear.
It reminds me of May. Cute niya pag namumula siya sa allergies niya. Bad ko, right? Pero kasi... nao-obsess na ko! Ugh! Siya na naman ang nasa utak ko!
Natapos na kong kumain, na yung dalawa ay hindi pa. Nakuu may lalagyan pa ba sila ng mga kakainin nila?
"Makinig muna kayo sakin." Basag ko ng mga moment nila.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Novela JuvenilImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...
