Chap 40: Cheesy Broken Heart

1.7K 53 0
                                        


MAY'S POV

Ang bilis ng panahon. Di ko namamalayan na mag-iisang buwan na daw pala kami ni Trix. Dapat nga maging masaya ako. Malaki ang pinagbago ko dahil sa kaniya. Ngayon lang ako nagseryoso pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung pano ba nangyari ang lahat ng 'to. I swear, hindi talaga ako ganito. Mas gusto ko pang magfocus sa career ko o kung walang magawa ay pumupunta ng bar tapos uuwi sa condo na may kasamang chics.

Speaking of chics, last kong naging chics ay si Allison. Kumusta na kaya yun? Mag-iisang buwan na ring hindi kami nagkikita. Kung ordinaryong babae lang siya, ang tagal ko na sigurong nakalimot pero palagi nalang siya ang nasa isip ko. Palagi din akong nag-iimagine. Minsan, pag kasama ko ang girlfriend ko, siya ang nakikita ko. Yung ngiti at tawa niya ang nagrereplay sa isip ko. Naattract lang siguro ako dun. Ayoko namang magcheat sa girlfriend ko kasi nga isang linggo ko siyang niligawan na walang palya so ibig sabihin nun, seryoso talaga ako sa mga time na yun.

"Is there something bothering you?" Tanong ni Trix at lumapit sakin. Umupo siya sa tabi ko. Nakapwesto kami ngayon sa malaking bato at nakatingin sa dagat. Another out of town na naman namin. Knowing her, lagi niya kong inaaya sa mga ganito, pampawala stress daw pero hindi naman gumagana sakin.

"Wala naman." Sagot at bumuga ng hangin. Di ko naman pwedeng sabihin na gusto ko ulit makita at makausap si Allison dahil magtataka siya.

"Awww... you're so cute, Lissa babe." Malambing, o malanding? pagkakasabi niya at niyakap ako sa side ko. Ramdam ko naman ang malalaking hinaharap niya sa braso ko. Pero di naman ako apektado. Ewan ko rin ba pero never pa kaming nagsex or make out. Di ko lang feel kahit na maganda ang hubog ng katawan niya. Isang tao lang ang nasa isip ko this whole month.

"Wala akong kiss?" Tanong niya na pinisil pa ang ilong ko. I should be comfortable with her, right? Pero bakit hindi?

I faced her and cupped her face with my hand.

"I love you." sabi niya at parang naghihintay ng sagot ko pero hindi ko magawang sabihin. Ayokong magsinungaling. Wala talaga akong kakaibang nararamdaman para sa kaniya.

So instead of saying those words back, hinalikan ko nalang siya. Sana di niya maramdaman pero right now, blangko talaga ang damdamin ko at sinasabi ng isip ko na ibang mga labi ng tao ang gusto kong halikan.


****

ALLI'S POV

"Okay ka lang?" Pabigla-biglang tanong ni Hypnos.

Hindi ako sumagot.

May mas ikao-okay pa ba sa nakikita ko ngayon?

Huminga ako ng malalim, namumuo na naman ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Never ko inasahan na may ganitong mangyayari. How could that woman lie to my girl?!? She really can't take her hands off her!

Well ito nga ang pinakaunexpected sa lahat. Seeing your love in someone else's arms.

Hayss...

"Sige na, mauna na kayo." Pangtataboy ko sa dalawa.

Hindi muna sila gumalaw pero maya-maya lang ay sabay na niyakap ako.

"Mas madrama pa kayo kesa sakin. Sige, alis na kayo." Ngumiti lang sila sakin. "Bukas na natin ituloy ang pagsolve ng problema mo, Hypnos. Gusto ko lang magpahinga ngayon."

Hinalikan lang niya ako sa ulo ko at niyakap naman ako ni Cupid saka sila nagteleport.

Napabuntong hininga naman ako at tumingin ulit sa pinagmamasdan ko kanina. Kakahiwalay palang ng mga labi nila mula sa kaninang nag-aalab na halik. Matagal tagal din yun... hayyss buti naman na hindi sila lumayo at hanggang dun lang dahil mababaliw na talaga ako. Nakasandal ngayon ang ulo ng babae sa balikat niya habang ang mga kamay nito ay nakayapos sa katawan niya. Hinahaplos ng mahal ko ang ulo ng babaeng kanina pa nakadikit sa katawan niya, at ang pangalan na niya sakin ay Ms. Bubblegum.

My Dream, Her Imagination (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon