Chap 52: Medusa's Obsession

1.7K 48 0
                                    


MAY'S POV

"Kuntento ka na ngayon na nakuha mo na siya?" Rinig kong sabi ng hindi pamilyar na boses.

"Sinong makukuntento sa ganito?" Rinig ko ang sabi ng isa.

Biglang natahimik tapos nagulat ako nang makarinig ng sigaw.

"Alam ko ang ginagawa ko! Magtatagumpay ako dito! Kaya kung ayaw mong sumunod sa mga inuutos ko, makakalayas ka na!"

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Ang sakit sa ulo. Asan ba ako?

Palinga-linga ako sa paligid. Ano 'to? Asan ako? Ba't ang dilim?

Sinubukan kong tumayo pero napaupo ako ulit dahil parang may humila sa paa ko. Napatingin naman ako agad. Nakatali ang isa kong paa sa cage bar. Wait, cage?

Dumagundong ang puso ko nang makita ang kapaligiran. Nakakulong ako. Madilim ngunit may konting ilaw na nagmumula sa dulo.

Bullshit!

Napamura ako sa isip kong nang mapansin ang mga kamay kong nakagapos. Ano ba 'to? Ano ang nangyayari sakin?

Nakuha ang atensyon ko ng pigurang tumatawa habang papalapit ito sakin.

"Kamusta na ang aking karibal? Maganda ang tulog?" Sabi pa nito.

Inoobserbahan ko ng mabuti ang mukha niya. S-Siya yung kasama ni Trixie kanina....

*Flashback

"Doctora Pontiveros?"

Napalingon agad ako kay Doc Joeff. "Yes, sir?"

"Good job." Napangiti pa siya sakin kaya kinopya ko nalang at tumango.

Kakalabas ko lang ng operating room at masaya ako dahil may pinahaba na buhay na naman akong pasyente.

"Din, si Georgy?" Tanong ko habang nilalagay ang ginamit na surgical gloves sa trash bin.

"Naglunch pa daw, Doc." Sagot nito pagkatapos isara ang pinto ng operating room.

Nagmamadali akong maglakad papuntang parking lot habang nagpupunas ng mukha mula sa kaninang konsentrasyon sa pag-oopera. Gusto kong isurprise si Allison sa lunch date namin. At dahil dun, hindi ko mapigilan ang ngumiti na parang baliw. Siguro ganun nga yun. Nababaliw pag nagmamahal.

"Oo tutulungan kita diyan, wag mo lang ako idamay."

Napansin ko naman si Trixie na may kausap na babaeng nakaitim na belo. Hindi ko na sana sila pagtutuunan ng pansin pero biglang humarang sa daan ko ang babaeng nakaitim na belo. Napatingin ako sa mga mata niya. Kulay green ito at nanlilisik. Nakakatakot. Unti-unting humihina ang tuhod ko. Ang nakikita ko lang ay itim. Itim lahat. Di ko alam na nawalan na pala ako ng malay.

End of Flashback*

"Sino ka? Nasaan ako at bakit ginagawa mo 'to sakin? P-Pakawalan mo ko dito!" Nasabi ko din ang mga tanong na kanina pa gustong kumawala sa isip ko.

Nakangisi siyang tumingin sa mga mata ko. Ganun pa din ito. Kulay berde at nanlilisik. Agad kong inalis ang tingin ko dahil sa takot, and at the same time, nakakapaso ng utak.

"Anong nakita sayo ni Athena? Wala kang kapangyarihan kundi isang hamak na mortal lamang!" Sabi nito sakin.

A-Athena?

"Bakit siya nadamay dito?"

"Hindi mo ako kilala?"

Napailing ako. Ngumiti siya ulit at mas lumapit sa rehas ng hawla ko.

"Ako si Medusa at ako lang naman ang nagmamay-ari sa kaniya noon, sa mga panahong hindi ka pa niya nakikilala."

Nanigas ang panga nang sabihin niya yun. Naikuyom ko rin ang mga kamao ko. Walang ibang magmamahal kay Athena kundi ako lang.

"Noon yun."

This time, hindi na ko umiwas sa titigan namin kahit na ramdam kong umaapoy ang mga mata niya.

Tumawa naman siya kahit walang nakakatawa. "Pasensya pero wala ka nang magagawa ngayon, Melissa. Isa ka lang hamak na doktor at mortal, wala kang panlaban sakin at hindi ikaw ang nararapat para sa kaniya."

"Kung hindi ako, sino? Ikaw?" Hindi ko mapigilang mapangisi. Masyadong mataas naman ang tingin niya sa sarili niya.

"Bakit, hindi ba?" Tumawa na naman ito.

"Hindi, at kahit kailanman, hindi rin." Sagot ko. Tinakpan ko muna ang lahat na nakakatakot na pwedeng mangyari sakin at nagpakatatag. Hinding-hindi niya makukuha si Athena o Allison.

"Sigurado ka diyan? Rinig ko na ang mga hakbang niya papunta dito."

Hindi yun nakatulong para bawasan ang kabang nararamdaman ko, nakadagdag pa nga. Hindi niya ako pwedeng puntahan.

Ayokong manatili siya dito sa mundo nila.

Dahil paano na ako?

Paano na ang buhay ko? Siya ang buhay ko at ayokong mamatay na hindi siya ang nasa tabi. Mahal na mahal ko siya.

"Hindi siya pupunta dito kaya manigas ka diyan!"

Binuksan niya ang pinto ng hawla ko at malakas akong sinampal.

Ramdam ko namang pumatak ang mga dugo dahil sa mahahabang kuko niya na kagaya ng mga dragon.

Fuck.

Ngumisi lang ito sakin.

"Hindi siya pupunta? Siguro hindi nga dahil hindi ka naman niya mahal. At isa pa, hinihintay niya na ako mismo ang kukuha sa kaniya."

Hindi ako umimik. Alam kong mahal ako ni Athena at hindi siya papayag na magpakuha pero hindi ko rin gusto na pumunta siya dito para sakin dahil napakadelikado....

Natatakot ako na baka hindi ko na siya kasamang bumalik sa kabilang mundo.

"Medusa!"

Rinig naming may sumigaw sa labas.

"Medusa!" paulit-ulit ito.

Napapapikit ako, nagdadasal na sana hindi yung taong iniisip ko ang patuloy na sumisigaw. Ayoko nang imulat ang mga mata ko. Gusto kong matulog ng isang taon. At sa paggising kong yun, siya ang unang makiita ko na nakangiti at maayos ang lahat.

"Medusa!"

Pagmulat ko ng aking mga mata, siya agad ang nakita ko. Nahawak sa mga braso niya ang dalawang lalaki, pinipigilan nila ang babaeng pinakamamahal ko na masulong ang immortal na ahas.

"Oh maligayang pagbabalik, aking nag-iisang reyna!" Naikuyom ko na naman ang mga kamao ko nang lumapit siya at akmang hahalikan si Athena.

Nakahinga ako ng maluwag nang umiwas si Athena pero napalapit at napahawak ako sa rehas ng hawla nang sampalin niya ang girlfriend ko. Walang hiya!

"Tangina mo! Makalabas lang ako dito! Papatayin kita!" Sigaw ko. Halos mamaos ako sa kakasigaw.

Kita ang bakas ng sampal ng immortal na ahas sa mukha ni Athena pero wala itong kalmot gaya sakin. Hindi man kagaya sakin na may sobrang sakit at may dugong pumapatak, sigurado naman akong napakalakas din dahil nanghina agad si Athena, hindi niya magawang tumayo ng maayos.

Itinali ng dalawang lalaki si Athena sa pang-reynang upuan at saka umalis. Hilong-hilo pa rin siya pero pilit na tumitingin sa direksiyon ko. Kasalanan ko 'to. Bakit ba kasi siya pumunta dito? Ako na ang bahalang makatakas. Babalewalain ko ang sakit wag lang siya mabalik sa mundong ito pero mali nga ako, huli ako dahil andito na siya.

"Allison!" Tawag ko dahil pipikit na siya.

"Allison!" Tawag ko ulit. Sa pangatlong tawag ko, naipikit na niya ang mga mata niya habang nakatali ang mga kamay at paa sa pang-reynang upuan.

'Wag mo kong iiwan, Allison. Kakayanin natin 'to. Kapit lang. Mahal kita.

My Dream, Her Imagination (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon