Chap 51: Gone

1.6K 45 0
                                        


ALLISON'S POV

"Malay natin, andito lang pala siya!" Nakangiting sabi sakin ni Cupid, tila pinapasigla ako, pero hindi... ramdam ko... ramdam ko na ang layo-layo niya.

Kaya pala kinakabahan at hindi ako mapakali kaninang umaga.

Madaling araw kaming bumiyahe paalis ng Batangas. Hindi na kami pinauwi nila Mama dahil nag-enjoy na rin kami sa inuman at company ng mga Pontiveros.

"Cutie pie..."

Nilingon ko siya habang nagdadrive, napapahikab pa nga ako.

"Anong nasa isip mo ngayon, Cutie pie?" Lambing ko rin.

"Whatever happens, always remember that I love you more than what you think." Hinawakan pa niya ang kamay ko.

Napakunot naman ang noo ko. Kinurot ko ang pisngi niya. "Ikaw! Ang seryoso mo."

"Kasi dapat siniseryoso ang mga katulad mo." Seryoso pa rin siyang nakatingin sakin. Kinilig naman daw si ako.

"Opo. I will always remember that." Nakangiting sambit ko.

"Anong gagawin mo pag mawala ulit ako? Katulad nung di kita naalala..."

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "Stop thinking about that. Dahil hindi. Hindi ako papayag na mawalay ka ulit sakin."

Binigyan lang niya ako ng simpleng okay pero di pa rin maalis sakin ang kaba.

"Allison!"

Nabalik realidad ako nang may tumawag sakin. Humihingal na lumapit sakin si Georgina. Napahawak muna ito sa tuhod niya at pagkatapos tumingin na sakin, pati sa mga kasama ko.

"Sino sila?" Turo niya.

Magsasalita palang sana ang dalawa nang inunahan niya.

"Nevermind. Mas importante ang sasabihin ko. Wait, why are you crying?"

"Ah wala 'to."

Tinignan naman niya ako na parang di naniniwala. Huminga siya ng malalim at nagsalita ulit.

"Akala ko namamalikmata lang ako pero totoo ang nakita ko. Keith dropped me here after ng lunch date namin. Hindi pa man ako nakakapasok ng hospital, nakita ko ang babaeng nakaitim na belo at karga-karga si May. Nagmamadali akong magtanong sa mga nurse kung nasan siya, at pumunta dito para masigurado na hindi siya yung karga-karga nito. Tapos wala naman pala siya dito so si May nga yun. I'm sorry. Di ko nakilala agad yung babae dahil bigla nalang silang naglaho."

"Ano? Naglaho?" Kabadong sabi ko. Tumango lang siya.

Napatingin ako kela Hypnos.

Oh no. This can't be.

Wag naman sana.

Please wag.

"S-Salamat." Nauutal na sabi ko dahil tumutulo na naman ang mga luha ko.

"Sino ba ang babaeng yun? At bakit niya kinidnap si May?" Takang tanong niya.

Hindi ko siya nasagot. Panay iyak lang ako habang niyayakap ni Cupid.

"Kailangan mong maging matatag, Allison." Pagpapatahan sakin ni Hypnos. "Tama na."

"B-Bakit kailangan pa niyang idamay si M-May?" My voice cracked saying her name. Naaalala ko na naman ang sinabi niya sakin kaninang umaga at ang promise ko na hinding-hindi ako papayag na magkalayo ulit kami.

Kasalanan ko 'to.

"Wag mong sisihin ang sarili mo." Bulong sakin ni Cupid pero hindi ko magawa ang sinasabi niya.

Pano na siya ngayon?

"Sigurado tayong sa mundo natin niya dadalhin si May para sumunod ka. Kaya kami nalang ni Cupid ang makikipaglaban. Maiwan ka na dito."

"No!" Sigaw ko.

Nasa panganib ang babaeng pinakamahalaga sakin, ang babaeng pinakamamahal ko, tapos wala akong gagawin kundi maghintay kung makukuha ba nila o hindi?

Yun ang hindi mangyayari.

"Sasama ako. Kailangan kong masigurado na okay lang siya at hindi sinaktan ni Medusa."

Umiling ang dalawa pero binigyan ko lang ng masamang tingin. Hindi nila pwedeng gawin 'to sakin.

"Makinig ka Athena. Hindi ka pwede bumalik sa mundo natin. Mararamdaman ka ni Zeus! At kapag nangyari yun--"

Pinutol ko na ang sunod na sasabihin ni Kupido. "Wala akong pakialam kung anong gawin niya sakin! Gusto ko makuha at mailayo sa kapahamakan si May. Gusto kong makabalik siya dito!"

"Kahit alam mo ang magiging kapalit?" Puno ng pagmamakaawa ang mga mata ni Hypnos.

Napakagat ako ng labi ko dahil babagsak na naman ang mga luha ko. "K-Kahit ano pa."

"Uhmm..." napatingin naman kami kay Georgina na andito pa pala. Napailing nalang si Cupid.

Lumapit sa kaniya si Hypnos. Nauna na kaming lumabas, hinihintay si Hypnos sa ginagawang pagbura niya ng mga narinig ni Georgy.

"Tara na." Sabi nito nang makalabas. Humawak ako sa magkabilang bisig nila at huminga ng malalim.

Makikita ko na ulit ang mundo ko.

****

Naramdaman ko agad ang simoy ng hangin pagkarating dito.

Kakaiba ang pakiramdam. Parang tinatawag ako ng mga puno, mga hayop, mga tao na dito ako nararapat. Na sa wakas ay nagbalik na ako.

Namiss ko 'to.

Gusto kong mabuhay ulit dito. Pero mas masaya na ako sa piling ng taong minamahal ko.

"Kukuha lang ako ng mga sandata ko." Paalam ko sa kanila.

Alam kong mahirap kalabanin si Medusa, ang reyna ng mga ahas, pero hindi ako magpapatalo. Nagawa ko na siyang pabagsakin noon, at mas lalo na ngayon na pang-ibang level na ang galit ko.

Bago pa man ako makahakbang ulit, pinigilan ako ng dalawa.

"Bakit? Hindi ako magtatagal."

Nagtinginan muna sila at sabay na tumango. Seryosong tumingin sakin si Hypnos.

"Nabuhay ka ulit bilang tao, isang mortal na kahit kailanman ay hindi inaasahan ng lahat. Pero babalik ka sa pagiging immortal mo. At ikukulong ka ni Zeus dito pag mangyari yun."

Hindi ako tumututol na maging immortal ulit pero isa lang ang ibig sabihin nun...

Hindi ko na makakasama si May. Hindi ko na makikita ang maganda niyang mukha, mapisil ang mga pisngi niya, maaasar, mahahalikan, at maipaparamdam na mahal na mahal ko siya.

Nagagalit at naguguluhan na ako.

"Ano bang pakialam ni Zeus sakin? Diba ayaw niya na mapalitan ko siya sa trono niya kaya ipinatapon niya ako sa kabilang mundo, tapos ngayon aarte-arte siyang ganyan?!?"

"Hindi mo naiintindihan."

"Ipaintindi niyo sakin!" Sigaw ko pa. Hindi ko mapigilan ang galit ko. Hayop siya!

"Gusto niya siya lang ang nakakaalam kung nasaan ka dahil alam niyang kukunin ka ni Nyx para maging kakampi upang pabagsakin siya. Gagamitin ka ng nanay ko para matalo ang sarili mong ama at maghari sa mundo natin! Pati na rin sa kabila!" Si Hypnos.

Napabuntong hininga ako at naiyak ulit. Hindi ko mapigilan!

Ako lang ang makakatalo kay Medusa pero hindi ko yun magagawa. Ayokong mabalik sa pagiging immortal dahil hindi ko na makakapiling si May. Pero anong gagawin ko ngayon na hawak siya ni Medusa at kahit anong oras, pwede niya itong patayin!

Sobrang mahirap.

Sobrang magulo.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta dapat niyang pagbayaran ang lahat ng ginawa niya.

My Dream, Her Imagination (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon