Chap 3: Siya ba?

5.4K 164 0
                                    


ALLISON'S POV

"Aray ano bang problema mo, ba't hindi ka tumitingin sa daan?" inis na tanong ng taong nasa harapan ko. Nagkabanggaan lang kami tapos kung magalit eh parang ninakawan na ng kung ano.

"At ako pa ang hindi tumitingin sa daan? Well sorry ha. Madami kasi akong dala. Leche." Pagalit din na sabi ko. Kung umakto kasi siya, parang sobrang yaman na nagalit agad dahil nabangga lang.

Nagtanggal ito ng kaniyang shades. Oo na ang ganda niya, edi wow. Kala niya madadala niya ko sa ganyan-ganyan, straight ako no!

"Ah hehe, s-sorry miss. S-sorry." Nauutal na sabi nito, parang nagbago agad ang mood mula sa kaninang masungit.

"Heh!" sabi ko at lumayas kaagad. Bwisit na araw 'to!

"Huy! Okay ka lang?" Tanong ni Harvey pagkakita sakin.

Ibinigay ko sa kaniya ang mga dala ko. Bwisit kasi yang mga gamit. Dahil diyan, nakabangga pa ko ng taong ubod ng kaartehan.

"Tingin mo?" pagsusungit ko. Pati ata ako, nahawaan na ng babaeng yun. Eh wala na kasi! Sira na! Sirang-sira na ang araw ko!


"Mahal, tingin mo, may saltik ba sa utak ang anak natin?"

Uy boses yun ni Mama ah.

"Bakit mo naman natanong yan mahal?"

Tapos boses naman ni Papa. Hala anong meron?

"Eh kasi nakita na niya ang dalawang sasakyan hindi pa umiwas. Yan tuloy ang napala." sabi ni Mama.

Teka nga, anong pinag-uusapan nila? Anong napala ko?

Oooohhh....

Nabangga pala ako. At hindi lang isang sasakyan ha, dalawa yun! Nakakaloka! Ang gaga ko, ba't hindi ako umiwas nun?

Makausap nga rin sila...

Hindi ko maimulat ang mga mata ko at parang ang sakit sakit ng katawan ko. At ngayon lang talaga ako nakaramdam ng sakit?

Ay hindi, matagal na. Matagal ka nang nakararanas niyan.

Oo nga pala, ako lang naman ang taong halos lahat ng sakit sa pag-ibig ay nadaanan na...

Pero teka nga rin! Ba't ba ko hugot ng hugot ha?

Leche talaga. Ba't ang tanga tanga ko at hinayaan ang sarili mabangga?

Aish.

Pinilit kong imulat ang mga mata ko at success naman!

Malabo ang lahat, pero kitang-kita ko sila Mama at Papa.

"Ma..." napalingon silang dalawa sakin at agad akong nilapitan ni Mama habang si Papa lumabas ng kwarto at nagtawag ng nurse.

"Anak... anong nararamdaman mo?" Maluha-luha na sabi ni Mama. Nabaling ang tingin ko sa kaliwang binti kong nakaangat, tapos parang ang manhid manhid ko sa parteng yun. Ganito ba kalala ang nangyari sakin?

Ay oo, kung ikaw ba naman ang mabangga ng dalawang sasakyan! Tsk.

Nagsipasok naman ang mga nurse kasama ang Papa ko.

May kung anong ginawa ang mga nurse sakin. Chineck pa ang mga mata ko. Hala, diba doktor ang gumagawa nun?

"Oh ba't ikaw ang gumagawa niyan Georgina?" Tanong ng babaeng pinakamaliit sa kanila.

"Umuwi muna si Doc, alam mo namang pagod yun. At isama mo na ang katamaran. Tss." Sabay iling-iling pa ni Ate Georgina.

"Masakit pa ba ulo mo?" Tanong naman niya sakin.

My Dream, Her Imagination (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon