MAY'S POV
Papunta ako ngayon sa address na binigay sakin ni Cupid, dito ko daw matatagpuan si Allison. Malamang, eh bahay niya 'to. Tapos hindi ko talaga tinigilan ang dalawa hanggat di ako nakakakuha ng sagot sa mga tanong ko kahapon.
FLASHBACK
"Simulan mo na ang panliligaw mo bukas ha." Sabi ni Hypnos habang ninanamnam ang pusa, ay siopao pala.
"Ligaw? Ayoko nga! Hindi ako marunong nun tsaka ang aga pa ha. Friends dapat muna." Sabi ko naman at kumagat sa pizza. Tig-isa kaming large box ni Cupid. Ako hindi pa nangalahati, pero yung sa kaniya, isang slice nalang ang natitira. Wala bang nakakain ang mga immortal na 'to at ang tatakaw?
"Si Cupid ang magtuturo sayo. Tsaka may 31 days nalang tayo. Samin nga dun 2 weeks nalang."
"What? Seryoso? Pano ko magagawa ang tatlong kondisyon na yan sa isang buwan? Ang hirap kayang paibigin ng babaeng yun."
"Kaya nga nandito kami ni Cupid!"
"Okay. At ito nga palang pag-iimagine ko? Kelan titigil? Simula nung dumating ka, hindi na ko nakaimagine ng iba't ibang bagay tungkol kay Allison."
"Ewan ko. Wala akong alam dyan. Basta ang alam ko lang na sigurado ako ay siya ang may kontrol niyan."
"Ano? Pano? Last time yung nakilala ko siya bilang si Athena."
"Ewan pa rin. Diba sabi ko sayo, ang panaginip niya ay ang imagination mo. Yun nga lang, imagination na di mo makontrol. Pero siguro, titigil na din yan pag mahalin ka na niya."
Feel ko namang ngumiti ang puso ko.
"Nabaliw na." Bulong ni Hypnos kay Cupid at tumawa sila.
"Mga gago! Tigilan niyo ko!" Sabay bato ko sa kanila ng table napkin.
"Totoo kaya! Ikaw dyan ang ngiti-ngiti ng walang dahilan." Sagot niya.
"May dahilan kaya!"
Nagkatinginan ang dalawa at sabay sabing, "May dahilan naman pala."
Inirapan ko nalang sila. "Magseryoso nga kayo!"
"Seryoso kaya kami! Ikaw lang naman dyan ang nababaliw."
"Sumagot ka pa Hypnos! Hindi na kita papakainin ng pusa!"
Tumawa naman si Cupid. Oo, pusa na ang tawag ko dun.
"Ipagdamot mo na lahat, wag lang 'to."
"Hugot! Alam mo na palang makiuso sa mga mortal, bro!" Asar ni Cupid.
"Syempre." Mayabang na sambit nito.
"So meaning to say, siya ang nagkokontrol ng panaginip niya? Bakit parang nabaliktad? Diba dapat yung nakokontrol ng mga mortal ay ang imaginations."
"Di ko alam kasi hindi naman siya mortal."
Napaisip ako sa sinabi ni Cupid. Hindi naman talaga siya pure na mortal eh. Kaya baka yun ang dahilan kung bakit nakokontrol niya ang panaginip niya, pati na rin ang imaginations ko.
"Hindi niya alam na kinokontrol niya ang panaginip niya. Hindi din pwede mabalik ang alaala niya bilang si Athena. May galit siya sa nanay ko. Pati na rin kay Zeus. Narinig din kasi niya yung usapan ng dalawa na itatapon siya dito sa mundo niyo at magiging mortal. Syempre, mawawalan siya ng kapangyarihan at hindi mapapamunuan ang tanging lugar niya, ang Athens." Mahabang paliwanag ni Hypnos.
"Bakit ba ang complicated masyado?"
"Basta gawin mo nalang ang dapat mong gawin. Pag magawa mo ang tatlong kondisyon, hindi magtatagumpay sila Thanatos at walang mababago sa mundo namin." Sabi naman ni Cupid.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...