ALLISON'S POV
"Maligayang pagbisita po, senyorita." Bati ng lalaking nagbukas ng gate para samin.
Nakita ko na ang hacienda nila dito sa Batangas nung 'stalking her days' ko, pero hindi pa ko nakapasok. Senyorita talaga ang tawag?
"Salamat." Simpleng sagot ni May. Ipinasok na niya ang kotse niya pero huminto din. Binuksan niya ang pinto niya at akmang bababa na pero pinigilan ko.
"Dito mo lang 'to ipapark?"
"Huh? Hindi. Wait lang, ako na ang magbubukas." Sabi niya pero nagtataka pa rin ako. Eh nakaharang kaya ang sasakyan niya sa daan.
"Thanks." Pasalamat ko nang pagbuksan niya ng pinto.
May lumapit na isang lalaki pero parang mga normal lang naman ang suot nito, gaya ng lalaki kanina.
"Ey senyorita." Bati ng lalaki na medyo may edad na.
"Kuya Rex talaga. May nalang ho." Pahumble na sabi ng katabi ko. Wow lang ha, kelan pa siya naging humble?
"Ikaw talagang bata ka! Sino naman ang magandang babae na kasama mo?"
Medyo namula ako dun. Ang ganda ko talaga!
"Ito po?" Turo ni May sakin. "Hindi ko po alam. Napulot ko lang sa daan eh."
Kinurot ko naman siya sa tagiliran niya. Bwisit eh! Di magandang joke!
Tumawa siya ng malakas at nakitawa na rin si Kuya Rex. Bipolar na babae 'to!
"Kuya Rex, si Allison Constantino, my..." tumingin muna siya sakin. "My wife."
Hindi ako tumutol sa sinabi niya dahil kita ko sa mga mata niya ang sincerity at napakagenuine ng smile niya.
"Ganun ba? Ay nako naman. Ang ganda ng asawa mo. Iha, ako si Rex. Ang puno ng mga katiwala dito. Pumasok na kayo May at ako na ang bahala dito sa kotse mo." Nagngitian kami ni Kuya Rex at sumakay na ito sa kotse ni May para igarahe.
"Okay ka kalang?" Tanong ni May. Nasa harap na kami ng malaking pinto ng mansion.
"Dahil kung hindi, pwede naman tayong bumalik ng Manila agad-agad."
"Sira!" Natawa ako sa pinagsasabi niya. So walang silbi yung 2 hours na byahe?
"Oh edi tumawa ka na rin. No worries, wife, di sila nangangain ng buhay."
Napangiti naman ako nang banggitin niya ang wife.
Isang katulong ang nagbukas ng pinto at binati kami ni May. Hindi ko muna siya nakilala bilang katulong dahil hindi naman nakauniform, katulad din ng mga butlers sa labas. Nilibot ko kaagad ang mga mata ko sa loob nito. Super ganda. A classic vintage. Yun lang ang masasabi ko. The designs were outmoded, luma na pero parang bago pa rin. Parang bago lang ang bahay na 'to. So clean and so warm.
"Melissa?"
Napalingon kami ni May sa babaeng tumawag sa kaniya. Nakadamit pangbahay lang ito. Wala ni kahit anong dekorasyon sa katawan. Malapit na sa kaniyang 60's at magaganda ang mga mata katulad nung kay May.
"Ma!" Masiglang sabi ni May at lumapit sa kaniya. Niyakap niya ito ng mahigpit na parang ngayon lang nagkita.
"Bakit ba hindi ka nagsasabi sakin kung uuwi ka?"
"Eh kasi po ano... para surprise. Ay Ma nga pala," hinarap niya ako at hinawakan ang kamay ko tapos pinalapit sa Mama niya. "Si Allison Constantino po. Nabuntis ko."
Nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi niya. "Ano?!?" Sabay na tanong namin ng Mama niya pero parang mas malakas ata yung sakin.
"Wag po kayong mag-alala. Papanagutan ko naman po siya eh." Sabi ni May tapos nakasad face pa.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Novela JuvenilImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...
