MAY'S POV
"What the...!" Sabi ko nang makita si Hypnos at Cupid sa living room na natutulog sa sofas at marami ang kalat.
"Papasok na ako sa trabaho tapos eto pa ang maabutan ko?! Hoy mga immortal! Gumising nga kayo at lumayas ng condo ko!"
Sinasampal ko ang dalawa sa mukha habang sinasabi yun. Napaupo naman agad sila. Pinaningkitan ko lang ng mga mata.
"Ano ang lahat ng 'to?" Nakapamewang na tanong ko.
"Uy bro, anong oras ba tayo dumating dito?" Tanong ni Kupido sa isa.
"Aba malay ko! Hindi naman ako ang diyos ng oras!"
"Tsk. Parang nagtatanong lang."
"Eh alam mong hindi ko alam ang sagot."
Napailing nalang ako sa pag-aaway nila.
"Ligpitin niyo ang kalat niyo dito, ngayon din!" Sigaw ko at agad naman silang kumilos. Kinuha nila ang mga wrappers ng chichirya at plastic bottles ng softdrinks, pati na rin ang natirang 'pusa' ni Hypnos.
"Pwede ko kayong kasuhan ng trespassing! Pumapasok ng walang paalam." Sabi ko.
"Eh hindi naman kami dumaan sa doorway, bumagsak kaya kami dito. Nagteleport kami." Sagot ni Hypnos habang inaayos ang usual na arrangement ng sofas at center table.
"At may gana ka pang sumagot nyan? Ihulog kaya kita sa bangin!"
Sasagot pa sana siya pero pinigilan na ni Cupid.
"Change topic na tayo."
"Oh anong pakay niyo?" Tanong ko sa dalawa.
"May magandang balita lang kami." Si Cupid.
"Okay, ano yun?"
"Na---"
"Pwedeng mag-almusal muna? Nagugutom na kami." Singit ni Hypnos.
Naparoll-eyes nalang ako at pumunta na ng kusina para magluto ng noodles at bacon. Mga walang hiya nga 'tong dalawa!
"Oh magkwento ka na." Sabi ko sabay abot ng tig-iisang bowl ng noodles sa dalawa.
"Teka, pakainin mo muna kami." Angal ni Hypnos kaya sumuko nalang ang pasensya ko. Grabe talaga siya!
"Ang valithah nhamen ishh...."
"Oh Cupid, kalma lang. Ubusin mo muna yang noodles sa bibig mo bago ka magsalita." Sabi ko habang natatawa.
"Oo nga bro, para kang may deperensya sa pagsasalita. Yucks, nahawaan ka na ng sakit ng mga mortal." Kumento ni Hypnos kaya nakatanggap siya ng death glare.
"Mel," lumunok muna ng noodles ni Cupid. "Masaya akong ibinabalita namin na naaccomplish mo na yung unang kondisyon."
"Talaga?" Manghang tanong ko. Eh 4 days na ang nakalipas pagkatapos ng date na yun kahit na may communication naman kami!
"Yup. At sinigurado muna namin na ikaw lang ang laman ng isip niya araw-araw." Napangiti ako sa sinabi ni Hypnos.
"Pano niyo nalaman?"
"Binabantayan ko kaya kayong dalawa! Nandun din kami nung date niyo."
Namula ako nang maalala yun. Grabe, iba ang epekto sakin ng simpleng date na yun.
"Ayan na, nahinog na ang kamatis." Sabi ni Cupid at tumawa silang dalawa.
"Heh! Mga nambabasag ng trip! Kumain na nga lang kayo."
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
أدب المراهقينImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...
