A/N: Maexcite na kayo dahil may POV na din si Hypnos! At nagdagdag din ako ng isa pang character, siguradong magugulat at kikiligin kayo. Chos! Sige na, magbasa na ang magbabasa. Enjoy!
***
HYPNOS' POV
"Sigurado ka bang hindi galit sa pag-ibig yun? Baka kung anong gawin sakin." Kabadong sabi ng kasama ko.
"At natakot ka pa ngayon! Wag kang mag-alala, walang gagawing masama sayo ang isang yun!"
"Sure ka dyan, Hypnos? Malakas kasi ang instinct kong hindi niya ko magugustuhan."
"Maniwala ka na sakin! Para ka namang bakla dyan!"
"Oo na! Sige na, magdoorbell ka na."
Kaya naman nagdoorbell na ko. Maya-maya, binuksan ni May ang pinto.
Kahit magulo ang buhok at ang lalaki ng eyebags, ang ganda niya pa rin.
"Good morning Mel!" Masayang bati ko.
"Close tayo?" At inirapan pa ko. Kung hindi ko lang siya kailangan para maisalba ang mundo namin... tsk.
"Kasama ko pala, si Cupid."
Napanganga naman ito.
Tapos biglang tumawa ng malakas.
Nagkatinginan kami ni Cupid, totoo ngang may sayad ang mga mortal.
"Ikaw si Cupid? Y-Yung batang nakadiapers lang at may dala-dalang arrow at bow?" Tapos tumawa siya ulit.
Ako rin naman nagpipigil ng tawa. Tinignan ko si Cupid, ayun galit.
"Kathang-isip lang yun ng mga mortal. Ako ang totoong Cupid." Seryosong sabi niya kaya napahinto sa pagtawa si Melissa at nagseryoso na rin.
"Cupid pala ha... Sige pasok kayo." Sabi niya at nauna nang maglakad.
"Sabi ko sayo eh, hindi yan mananakit." Bulong ko pa kay Cupid.
"Mel, ano na bang desisy---"
Naputol ang sasabihin ko nang biglang may nagbato ng mga unan, tsinelas at kung anong maliliit na bagay.
Lumayo ako kaagad. Si Cupid yung tinatamaan.
"Leche Kupido! May gana ka pang magpakita sakin! Ang laki laki ng kasalanan mo sa mundo!"
"Melissa, bakit? Ano ba?" Tanong ni Cupid.
"At hindi mo talaga alam ang kasalanan mo ha!" Bato ulit ng unan kay Cupid na tinamaan naman siya sa mukha.
"Sabi mo hindi siya galit sakin!" Bulong niya sakin. Nagkibit-balikat lang ako at nagpeacesign.
Hindi ko rin naman inexpect na may galit pala si Melissa sa kaniya. Kala ko matutuwa pa naman siya kung makilala ang matchmaker ng lahat. Unpredictable na babae eh. Tsk.
"Hoy Kupido! Wala kang ibang ginawa kundi ang manakit! Papaibigin mo kami tapos sa huli, masasaktan din naman pala! Kaya may mga taong nalululong sa mga masasamang bisyo! Marami ang nagaganap na krimen! Marami ang naglolokohan sa gobyerno! Marami ang nagpapakamatay! Marami ang--"
Tinulungan ko na si Cupid pigilan ang babaeng 'to. Pagkatingin ko, umiiyak na pala.
Nagtatanong na tumingin naman ako kay Cupid, napabuntong hininga lang siya, hindi rin alam kung bakit biglang umiyak ang babeng 'to.
"K-Kaya... ako palaging... nasasaktan... paulit-ulit na nasasaktan sa mga taong inakala kong nakalaan para sakin... bakit ba kailangan mo munang paglaruan ang feelings namin? Wala naman kaming atraso sayo ha, bakit kailangan pang mangyari ang mga bagay na 'to? Pakisagot please!" Sabi niya habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...
