Chap 53: WAR

2K 46 6
                                        


ALLISON'S POV

"Please huwag! Pakiusap, Medusa!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa pagkakatali sa upuan.

Hindi niya ako pinakinggan. Itinaas niya si May habang sinasakal ito ng maitim na hangin. Nag-iiba na ang anyo ni Medusa, puno ng galit itong nakatingin kay May.

"Mamili ka, Athena!" Sigaw niya.

Hindi ko magawang punasan ang basa kong mukha dulot ng mga luhang kanina pa umaagos dahil nakatali pa din ang mga kamay ko.

"Hindi mo kailangang mamili, Athena!" Nakuha ang atensyon ko sa sumigaw na May. M-May...

Magsasalita palang sana ako nang napasigaw siya dahil sa higpit na pagkakasakal ng hanging maitim na kontrolado ni Medusa. Nakatali ang mga kamay ni May at hindi na nakakalanghap ng hangin kaya kita na ang panghihina niya.

"Medusa! Itigil mo yan! Itigil mo na 'to! Please! Pakiusap!!!"

Tumingin siya sakin, nakatitig lang sakin ang berdeng mga mata niya.

"Mamili ka Athena! Ako o itong walang silbing mortal na 'to!"

Napapikit ako ng mariin. Nakakapagod. Nakakapagod na.

Kung si May ang pipiliin ko, papatayin niya lang. Kung siya naman, di ko na makakasama si May sa kabilang mundo.

Nakakalito. Gusto ko nang bumalik sa mundo ng mga mortal, bumalik sa mga panahong wala kaming problema at tanging nakangiting mukha lang ni May ang unang makikita ko.

Sana ganun nga kadali.

Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin kay May. Naluluha na siya at napapailing.

"Mamili ka!!!" Sigaw ni Medusa na mas lalong nagpakaba sakin.

May... pano ka na?

"Allison!"

Huh?!?

"Allison!!"

"Allison!!!"

Nagising ako dahil sa pagyugyog sakin.

"May?"

Ngumiti lang siya sakin. Nakaupo siya sa sahig habang ako sa upuan na nakatali pa rin. Nakatali ang mga kamay niya at isang paa na nakakonekta sa rehas ng hawla niya.

"Pano ka nakalabas?"

"Pinakiusapan ko yung tatlong nakakatakot na babae."

"Talaga?" Natuwa naman ako. "Nagawa mo yun? Akala ko ba takot ka..."

Ngumiti ulit siya at tumingin sakin. "Wala akong kinatatakutan kung ang dahilan nun ay makasama ka."

Parang natunaw naman ang puso ko sa narinig. Hindi sapat ang salitang mahal ko siya para ipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Okay ka lang, Allison? Ginising kita kasi umiiyak ka habang tulog."

"Concern ka na ngayon, niyan?" Ewan ko ba kahit hindi appropriate ang magjoke ngayon dahil sa kinalalagyan namin, still I feel so secured and safe dahil kaharap ko siya.

"Oo naman. Mahal kita eh." Napangiti ako dahil sobrang seryoso siya.

"Lapit ka nga dito."

Sinunod naman niya ako agad. Hinalikan niya ang tip ng nose ko at pagkatapos ay hinalikan ko siya sa lips.

"Kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang nasa puso ko, at dapat... dapat talaga ako lang ang nasa puso mo kung ayaw mong kagatin kita!"

Mahina naman siyang tumawa. "At nambanta pa ang mahal ko."

My Dream, Her Imagination (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon