HYPNOS' POV
"Bakit nangyari ito? Hindi ako makakapayag!" Sigaw ni Thanatos na maririnig sa buong lugar namin.
"Wala na tayong magagawa, anak. Nagkataon lang na may nakakumpleto ng tatlong kondisyon." Pagpapakalma sa kaniya ng nanay kong si Nyx.
"Pagkakataon lang o sinadya iyon?!?" Tanong pa nito at tumingin sakin.
"Wag kang mangsisi ng iba!" Sabi pa ng nanay namin.
Lumapit siya sakin at tiningnan ako ng masama.
"Walang pangyayari ang nagkakataon lang. Andyan lang yan sa pagitan ng mga mortal o baka naman may immortal na tumulong." Makahulugang sabi nito at umalis na.
Nagtikom nalang ako ng bibig. Masaya ako na nagtagumpay ang misyon pero hindi ko inaasahan na ganun ang galit sakin si Thanatos.
"Hypnos..."
Napatingin ako sa nanay ko at yumuko. Naramdaman ko nalang na niyakap niya pala ako.
"Ipinagmamalaki kita."
Tinignan ko siya sa mga mata na puno ng pagtataka.
"Ginawa mo lang ang tama. Hindi ka natakot kahit na pamilya mo ang iyong kalaban. Hindi ka nagpatinag sa parusang kaya kong ibigay."
Napatango nalang ako at hinalikan siya sa pisngi.
****
"Oh Cupid, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang saktong lumabas ako ng malaking bahay namin para magpahangin.
"May gusto akong sabihin sayo."
"Whoah whoah whoah. Alam ko na hindi na kayo nagkakabutihan ni Psyche pero hindi ko akalain na sakin mo pala ililipat ang pag-ibig mo. Sorry, pero hindi pa ko handa sa mga ganya---"
"Subukan mong magsalita pa, puputulin ko talaga ang dila mo!"
Humagalpak ako ng tawa.
"Chill lang! Ang seryoso mo naman."
Di siya sumagot pero seryosong nakatingin pa rin sakin. Tumigil ako sa kakatawa at tumayo ng maayos.
"Ano bang pakay mo?"
Napahawak naman siya sa ulo niya.
"Malaki ang problema."
"Anong problema?"
"Tignan mo 'to." Ibinato niya sakin ang maliit na libro at sinalo ko naman ito pero bigla itong lumaki kaya halos na ko mapaupo.
"Ano ba naman 'to! Ang bigat! Buti nalang malakas ako."
Napailing nalang siya sa kahanginan ko.
"Oh asan dito ang problema?"
Kusang bumukas ang libro at huminto sa isang pahina.
Unang nahagip ng mga mata ko ang linya ng mga Pontiveros.
Gino, konektado sa Carmen.
Melvin na konting-konti nalang ay mabubura na.
At Melissa na sa wakas ay may kadugtong na. Pero napaatras ako at nagulat nang makita kung sino.
Nagkatinginan lang kami ni Cupid. Hindi pa rin ako makapagsalita hanggang sa...
"T-Totoo ba 'to?"
Mahina siyang tumango.
"Bakit??? Diba mali 'to? Pano nangyari?"
Napaupo siya sa damuhan at inilapag ko na din ang malaking libro.
"Napansin ko yan habang ginagawa ko ang isang misyon ko. Kanina lang. Hindi ko maintindihan ang ipinapahiwatig ng malaking libro pero kailangan nating ayusin bago pa maglaho."
"Sigurado ka ba dito? Baka naman pwede pa 'tong mapalitan."
"Hindi na. Isang beses lang yan. Pagkaalis natin sa mundo nila, pagkatapos mong burahin ang alaala ni Mel, hinintay ko na makita kung sino ang kadugtong niya, at ang pangalan ng isa ang nakasulat sa libro."
"Ano ba naman 'to! Mas lumalaki ang problema natin."
"Hypnos, nabura mo na ba ang alaala ni Allison?"
Iniwasan ko siya ng tingin.
"Hypnos..." tawag niya pero hindi pa rin ako lumingon.
"Gago ka talaga! Hindi mo nabura ang alaala ni Allison?"
"Hindi. Natatakot ako na baka niya makilala."
Napasapo nalang siya sa noo niya.
"Duwag ka talaga."
"Wala akong pakialam. At ako lang? Eh ikaw? Dapat mo muna ipinaalam na sila pala ang nakatadhana para hindi ko na binura ang alaala ni Mel!"
"Ang libro ng tadhana ang may kontrol! Hindi ako! Nagpakita yun pagkatapos mong burahin ang alaala ni Mel. Kaya kailangan mo nang burahin ang alaala ni Allison. Ngayon din."
"Ang ibig mo bang sabihin ay buburahin ko ang alaala ni Allison para makapagsimula sila ulit ng walang kaalam-alam na kilala at mahal na pala nila ang isa't isa? Ganun ba?"
"Ganun! Sa ngalan ni Zeus, bakit ba binigyan mo ng kapangyarihang kabobohan ang isang 'to?!"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Okay lang sakin na tawagin mo ko ng gago o duwag. Pero yung bobo? Aba Kupido! Gusto mo atang parusahan ka ng nanay ko!"
"Ay nako! Tinatakot mo talaga ako. Mama's boy ka nga pala."
"Ano ang Mama's boy? Isa yan sa hindi ko alam na salita ng mga mortal."
"Wala. Wag mo nang intindihin. Tara na, bago pa mahuli ang lahat." Hinila niya ko at nagteleport na kami papuntang mundo ng mga mortal.
"Naiwan mo ata ang pesteng libro mo." Sabi ko na may galit. Ang tanga lang kasi! Kung mas maaga lang niyang ipinakita na si Allison pala ang nakatadhana kay Mel, hindi na sana kami nagsayang ng oras at hindi ko na sana binura ang alaala ni Mel. Para na siyang baliw nun.
"Magsabi ka pa ng hindi maganda sa libro, yun mismo ang magbabaon ng bangkay mo."
Napailing nalang ako. Nakakabadtrip naman!
"Nasa parehong araw pa rin tayo. Dalawang oras palang ang nakalipas nang burahin mo ang alaala ni Mel at isang oras palang ang lumipas simula nung sinubukan mong burahin ang alaala ni Allison ngunit naduwag ka."
"Alam ko na yun. Paulit-ulit ka." Naiinis na sabi ko.
"Buti naman."
"Nga pala, bakit nangyari yun? Diba immortal si Allison. Pano siya naisama sa libro?"
"Hindi ko din alam. Siguro iba nga ang pananaw natin sa tadhana. Hindi kayo tatantanan hanggang di nito masaksihan ang kaniyang tagumpay sa pagdudugtong sa inyong dalawa."
"Manahimik ka nga! Nakakahawa ka ng kabaklaan." Putol ko sa mga sasabihin pa niya.
"Tss. Ayan na, lumabas na siya." Turo niya.
"Tara na."
Sinamahan niya ko papalapit kay Allison, naglalakad ito at nasa likod niya kami.
"Gawin mo na." Bulong ni Cupid.
Unti-unti kong inaabot ang braso niya para magawa kong burahin agad ang alaala niya ng walang iba pang makakahadlang.
Konti nalang mahahawakan ko na...
Naglalakad pa rin kami at kinakabahan ako.
Inayos ko ang sarili ko at naghanda ng mga sasabihin para burahin ang kaniyang alaala.
Sa wakas, nahawakan ko na ang braso niya.
Pero nagulat ako nang mabilis itong humarap samin at may kung anong lakas na dumapo sa mukha ko.
Ouch.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
أدب المراهقينImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...
